Ang Paniniwala
Ang Islam ay isang paniniwala at isang batas, At Ang paniniwala ay siyang pundasyon kung saan nakabatay ang relihiyon, At Ang paniniwalang Islam ay isang malinaw at madali na paniniwala, tumutugma ito sa mga tamang kaisipan at magandang kalikasan (magandang pag-unawa).
Ang mga sub-paksa
Ang dalawang pagsasaksi
Ginawa ng Islam para sa salitang Monotheism – laa ilaaha illa-Allah -Walang diyos na may karapatan sambahin maliban sa Allah– na may dakilang katayuan at kapita-pitagan, at ito ang unang tungkulin ng isang Muslim, kaya sinumang nais na yumakap sa Islam ay dapat maniwala dito at bigkasin ito, at kung sinuman ang nagsabi nito na may kumpiyansa dito, hinahangad ang kasiyahan ng Mukha ng Allah, ito ay magsisilbing isang dahilan para sa kanyang kaligtasan mula sa Apoy. Batay sa sinabi ng Propeta (ﷺ): “Katotohanang ipinagkakait ng Allah sa Apoy ang sinumang nagsabi ng Laa ilaaha illa Allah (Walang Diyos na may karapatan sambahin maliban sa Allah), na hinahangad dito ang kasiyahan ng Mukha ng Allah.” (Al-Bukhari [415])
Ang Paniniwala
Nagkaisa ang lahat ng mga mensahe ng mga Propeta sa kani-kanilang mga mamamayan sa pagsamba sa Allah lamang na Nag-iisa ng wala Siyang katambal at pagtakwil sa anumang sinasamba bukod sa Allah, at ito ang siyang tunay na kahulugan ng walang ibang diyos maliban sa Allah, si Muhammad ay Sugo ng Allah, at ito rin ang Salita na magpapapasok sa tao sa Relihiyon ng Allah.
Ang pagsamba
Ang pagsamba ay ang: Ganap na pagsunod na may pagmamahal, pagdakila at pagpapakumbaba, at ito ay karapatan ng Allah sa Kanyang mga lingkod, natatangi lamang ito sa Kanya na wala sa iba, at nasasaklawan nito ang lahat ng anumang naiibigan ng Allah at kinalulugdan mula sa mga salita at mga gawa na siyang ipinag-utos at ipinanghikayat Niya sa sangkatauhan, maging ito ay mula sa panlabas na mga gawa tulad ng pagdarasal, kawanggawa at peregrinasyon, o mula sa panloob na mga gawa tulad ng pag-alaala sa Allah sa puso, pagkatakot sa Kanya, pagtitiwala sa Kanya, paghingi ng tulong sa Kanya, at iba dito.