Ang mga gawaing pagsamba
Naglalayon ang sangay na ito sa pag-ugat at pagsasama-sama ng (mga gawaing) pagsamba, at pag-ugnay ng pagsamba at ang mga probisyon nito sa Banal na Aklat at sa dalisay na Sunnah ng Propeta. At ang hurisprudensya (batas) ng mga pagsamba ay tumatalakay sa mga probisyon ng mga gawain ng pagsamba na iniatas sa tao, nang may paglilinaw at pagdedetalye, gaya ng binanggit mula kay Propeta Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at sa kanyang mga kasamahan lahat.
Ang mga sub-paksa
Ang kadalisayan o ang kalinisan
Ang pagdarasal ay siyang ikalawang haligi ng islam pagkatapos ng Shahãdatain, at nang ang pagdarasal ay hindi magiging wasto kung hindi nakapaglinis, nararapat lamang na magsimula ang mag-aaral sa pag-aaral ng mga alituntunin ng paglilinis (taharah) upang maging wasto ang kanyang pagdarasal.
Ang Salah (pagdarasal)
Ang Salah (pagdarasal) ang siyang sandigan ng Relihiyon, at ito ang pinakamahalagang bagay na dapat unahin sa pag-aaral mula sa mga gawaing pagsamba. Sapagka't ito ang pangalawang haligi ng relihiyong Islam pagkatapos ng dalawang pagsasaksi, at hindi wasto ang pagiging Islam ng isang tao maliban sa pamamagitan ng pagsasagawa nito.
Ang Zakat (kawanggawa)
Ang Zakat ay ang ikatlong haligi ng Islam mula sa mga haligi nito, itinakda ito ng Allah upang dalisayin ang nagbibigay at kumukuha at linisin silang dalawa. Bagama't sa panlabas nito ay isang pagbawas sa bilang ng pera, nguni't ang mga epekto nito ay ang pagdadagdag ng pera bilang isang pagpapala, ang pagdadagdag ng pera sa dami, at ang pagdadagdag ng pananampalataya sa puso ng may-ari nito.
As-Sawm (Ang Pag-aayuno)
Ang pag-aayuno sa ramadhan ang siyang ikaapat na haligi mula sa mga haligi ng islam, at ang pag-aayuno ay isang dakilang pagsamba, isinasa tungkulin ito ng Allah sa mga muslim tulad ng pagsasa tungkulin nito sa mga naunang mamamayan upang makamit ang takot (panginglag na magkasala) sa Allah kung saan ito ang susi sa lahat ng kabutihan.
Ang Hajj (paglalakbay sa mga sagradong lugar sa Makkah)
Ang Hajj ay ang ikalimang haligi mula sa mga haligi ng Islam, at ito ay obligado sa isang Muslim na nasa tamang edad at may kakayahan, isang beses sa buong buhay.
Ang kamatayan at ang paglibing
Ang kamatayan ay hindi katapusan ng isang bagay, bagkus ito ay bagong yugto sa isang tao at simula ng ganap na buhay sa kabilang buhay, at kung paanong ang islam ay nagsisikap na pangalagaan ang mga karapatan simula sa kapanganakan ay tiniyak din nito ang mga alituntunin na kung saan ay mapangalagaan ang karapatan ng namatay, at pinuprotektahan nito ang kalagayan ng kanyang pamilya at mga kamag-anak.