Ang Banal na Qur'ãn
Ibinaba ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan ang Quran sa pinakamabuti sa Kanyang mga nilalang at pinakahuli sa Kanyang mga Propeta, Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - upang patnubayan ang mga tao at ilabas sila mula sa mga kadiliman patungo sa liwanag. Sinabi ng Kataas-taasan: {...Katotohanang dumating sa inyo mula sa Allah ang isang liwanag (Propeta Muhammad) at isang maliwanag na Aklat (ang Qur'an). Sa pamamagitan nito (Qur'an) ang Allah ay namamatnubay sa sinumang naghahanap ng Kanyang kaluguran sa mga landas ng kapayapaan, at sila ay Kanyang iaahon mula sa mga kadiliman (ng kawalang pananampalataya) tungo sa liwanag (ng pananampalataya) sa Kanyang kapahintulutan, at Kanyang pinapatnubayan sila sa Matuwid na Landas}. (Al-Maidah: 15-16).