Mga kurso sa pag-aaral
Ang platform ng Ta ay naglalaman ng iba't ibang mga kurso sa pag-aaral, at naglalaman ang bawat kurso ng mga piling aralin Mula sa iba't ibang mga seksyon ng site upang makatulong sa kaalaman sa islam sa estudyante ayun sa kanyang pangangailangan
Ang mga bagay na hindi pwede sa isang muslim na kamangmangan ito
Nagdala ang batas ng islam ng mga alituntunin na ubligado sa lahat ng muslim na pag-aralan ito, at ang paggawa (o pagsunod) nito, at ang mga alituntuning ito ay madali at magaan, sapagkat itinayo ang islamikong batas para sa paggawa ng mga nakabubuti at pagtakwil sa mga masasama, gayundin na nakakahigit ang mga batas na ito Na ang pinagkukunan nito ay makadiyos at makapanginoon, at na ang nagpahayag nito sa mga tao ay ang pinakamaalam sa mga tao, at ang pinakamahusay sa kanila ang pananalita, ang pinakamaganda sa kanilang tagapayo sa kanyang mamamayan, at siya ang propeta ﷺ. At sa kursong ito ay may isang pangkat ng mga piling aralin, na kung saan ay magbibigay sa muslim ng mga islamikong batas na hindi niya pweding hindi pag-aralan ito at isagawa o sundin ito.
Ang Bagong Muslim
Sa pagpasok ng isang tao sa islam ay siya sa katotohanan ay nagsisimula sa kanyang paglalakbay sa buhay sa mundong ito na iba sa lahat ng lumipas sa kanyang buhay, at tiyak na kakailanganin niya sa paglalakbay na ito ang maraming mga kaalaman upang maituwid niya sa pamamagitan nito ang kanyang paniniwala at mapangangalagaan niya ito. at maisagawa niya ang anumang isinasatungkulin sa kanya ng Allah na mga ubligasyon, at aakyat siya sa mga antas ng islam at paniniwala ng paunti-unti, at tunay kinulekta namin para sa kanya sa kursong ito ang anumang magpapatupad sa hangarin na ito sa kapahintulutan ng Allah.
Ang mga transaksyong pinansyal
Ang relihiyong islam ay isang relihiyon na sumasaklaw sa lahat ng larangan ng buhay, at ito ay relihiyon ng pagsamba at relihiyon ng pakikitungo o transaksyon, At ang mga alipin (tao) ay nangangailangan ng bagay na mag-akay sa kanila sa pag-alam sa batas ng islam sa lahat ng iyon, upang ang kanilang gawain ay sumang-ayun sa anumang nais ng Allah at ikalulugod niya, sa katunayan ay naglalaman ang banal na Qur-ãn ng mga detalyadong paliwanag na kaugnay sa mga transaksyon at mga kasunduan, at ipinaliwanag ng propeta ﷺ sa kanyang mamamayan ang anumang kanilang kailangan sa mga alituntunin ng pagtitinda o pagbibenta at iba pa na mga pinansyal na transaksyon, at ilalahad namin sa kursong ito ang ilan dito.
Ang pamilyang muslim
Binigyan ng islam ang pamilya ng malaking pagpapahalaga, at ganap na pagkalinga, sapagkat ang batas ay itinayo sa paggabay o pag-akay sa mga alipin (tao) sa ikabubuti ng kanilang pamumuhay (sa mundo) at sa kabilang buhay, at walang makabubuti sa lipunan maliban sa pagpapabuti sa mga pamilya kung saan dito ito nabubuo, at tunay na nagdala ang batas ng islam ng mga detalyadong alituntunin, mataas na kagandahang-asal at wastong sistema, nagbubuo ng pamilya at nag-aaruga nito, kaya nilinaw nito ang ubligasyon ng bawat indibidwal sa pamilya, tulad ng paglilinaw nito sa mga karapatan nito.
Ang babaeng muslim
Nagdala ang islamikong batas ng pagpaparangal sa babae, at ang mga patunay niyon sa aklat ng Allah at talambuhay ng Sugo ng Allah ﷺ ay napakarami, at ilan sa pagpaparangal ng islam sa babae ay ang pag-utos sa kanya ng anumang magsasaalang-alang sa kanyang katangian at mga pag-aari, at inaalagaan ang kanyang mga karapatan, at pinoprotektahan siya mula sa pambabastos, at ambisyon ng mga sakim, at sa may mga sakit ang mga puso.