Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pagkilala sa Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan

Isinugo ng Allah ang ating Propeta Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - sa lahat ng sangkatauhan sa bawat lahi nila at angkan. Sa araling ito, isang maikling pagpapakilala sa Propeta -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-.

  • Pag-alam sa maikling talambuhay ng Propeta Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.
  • Pag-alam sa katayuan ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan

Ang pangalan ng ating Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

Muhammad bin Abdullah bin Abdul Muttalib bin Hashim Al-Qurasi, at siya ang pinakamainam sa mga arabo sa angkan - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan

Sugo ng Allah sa sangkatauhan lahat

Isinugo ng Allah ang ating Propeta Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - sa lahat ng sangkatauhan sa bawat lahi nila at angkan, at ipinag-utos Niya ang pagsunod sa kanya sa lahat ng tao. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Sabihin mo: O sangkatauhan! Katotohanang ako ay Sugo ng Allah sa inyong lahat}. (Al-A`Raf: 158)

Ibinaba sa kanya ang Quran

Ibinaba ng Allah kay Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ang pinakadakila Niyang Aklat, ang Quran na hindi dumarating dito ang kawalang kabuluhan maging sa unahan nito at ni sa hulihan nito

Pinakahuli sa mga Propeta at mga Sugo

Isinugo ng Allah si Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - bilang sagka o panghuli sa mga Propeta, Kaya wala nang Propetang darating pa pagkatapos niya. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {Ngunit siya ang Sugo ng Allah at sagka o pinakahuli sa mga Propeta}. (Al-Ahzab: 40)

1- Ang kanyang kapanganakan

Ipinanganak siya sa Makkah sa taong 570 G. na ulila sa ama, at nawala o namatay ang kanyang ina sa murang edad, kaya kinupkop siya sa pangangalaga ng kanyang lolo na si Abdul Muttalib, pagkatapos ay sumunod sa kanya sa pangangalaga ang kanyang tiyuhin na si Abu Talib na nagprotekta at nagdepensa sa kanya.

2- Ang kanyang buhay at paglaki

Siya ay namuhay sa kanyang tribu na Quraish ng apatnapung taon bago ang pagka-propeta (570-160 G.), siya dito ay naging magandang halimbawa sa pag-uugali at magandang huwaran sa integridad at kahusayan, at ang palayaw niya na sikat sa pagitan nila ay: Ang tapat na mapagkakatiwalaan, at nagtatrabaho siya sa pagpapastol, pagkatapos ay nagtatrabaho sa pangangalakal, at ang Sugo ng Allah bago ang Islam ay isang Hanafi (nakatuon lamang) sa pagsamba ng Allah ayon sa pananampalataya ni Ibrahim, at siya ay tumatanggi sa pagsamba ng mga idolo at mga pagsasanay ng pagano.

3- Ang pagsugo sa kanya

Pagkaraang matapos ng Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ang apatnapung taon ng kanyang buhay, at siya ay nagmumuni-muni at sumasamba sa Allah sa kuweba ng Hira sa bundok ng An-Nur. Ang Wahi o paghahayag ay dumating sa kanya mula sa Allah, at nagsimula ang pagbaba ng Quran sa kanya, at ang unang bumaba sa kanya mula sa Quran ay ang sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Basahin mo ang Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha}. (Al-Alaq: 01) Upang ipahayag ang misyong ito, mula sa simula nito ay isang bagong panahon ng kaalaman, pagbabasa, liwanag at gabay para sa sangkatauhan, pagkatapos ay nagsunod-sunod na ang pagbaba ng Qur'an sa kanya sa dalawampu't tatlong taon.

4- Ang simula ng kanyang paanyaya

Nagsimula ang Sugo ng Allah sa Da`wah para sa Relihiyon ng Allah nang palihim sa loob ng tatlung taon, pagkatapos ay lantaran niyang ipinahayag ang paanyaya at ginawang publiko sa loob ng isa pang sampung taon. Dito, naharap ng Sugo ng Allah at ng kanyang mga kasama ang pinakamalubhang pag-uusig at pang-aapi mula sa kanyang tribu na Quraish, kaya't inilahad niya ang Islam sa mga tribu na dumating sa Hajj, at tinanggap naman ito ng mga taga Madinah, at nagsimula ang paglipat ng mga Muslim dito nang unti-unti.

5- Ang kanyang paglipat

Lumipat siya sa Madinah, na tinawag na Yathrib noon sa taong 622 G. at siya ay nasa limampu't tatlong taong gulang, pagkatapos na pagplanuhan ng mga pinuno ng Quraish na sumalungat sa kanyang paanyaya at naghangad ng pagpatay sa kanya, kaya namuhay siya dito sa loob ng sampung taon na nag-aanyaya tungo sa Islam at kanyang ipinag-utos ang pagdarasal, pagkakawanggawa at ang natitira pang mga batas ng Islam.

6- Ang pagpapalaganap niya sa Islam

Itinatag ng Sugo ng Allah ang punong bahagi ng sibilisasyong Islam sa Madinah pagkatapos ng kanyang pangingibang bayan (622-632G.), at inilatag niya ang mga landmark ng pamayanang Muslim, at kinansela niya ang bulag na pagkiling sa tribo at ikinalat ang agham, at itinatag niya ang mga prinsipyo ng hustisya, integridad, kapatiran, kooperasyon at kaayusan, at sinubukan ng ilang mga tribo na burahin ang Islam, kaya naganap ang isang bilang ng mga digmaan at mga kaganapan, at pinagwagi ng Allah ang Kanyang Relihiyon at Sugo, pagkatapos ay nagsunod-sunod na ang pagpasok ng mga tao sa Islam, kaya pumasok sa Islam ang Makkah at ang karamihan ng mga lungsod at tribu sa pulo ng arabia nang kusang loob at kumbinsido sa dakilang relihiyon na ito.

7- Ang kamatayan niya

Sa buwan ng Safar sa ika-11 taon ng Hijrah ng Propeta, at matapos iparating ng Sugo ng Allah ang mensahe at matupad ang pagtitiwala, at nakumpleto ng Allah ang pagpapala sa mga tao sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Relihiyon, dinapuan ng lagnat ang Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at lumala sa kanya ang sakit, at siya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ay pumanaw noong araw ng Lunes sa buwan ng Rabi al-Awwal ika-11 sa Hijrah na tumutugma sa 6/8/632 CE. at siya ay animnapu't tatlong taong gulang at inilibing sa bahay ni Aishah sa tabi ng Mosque ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit