Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga kabutihan ng Makkah at ng Sagradong Masjid
Ang kabutihan ng Makkah Almukarrama: Ang mabuting bayan na ito ay may dakilang katayuan at iba't-ibang kabutihan, kabilang na dito ang:
Sinabi ni Abdullah bin Adi bin Al-Hamra', kalugdan siya ng Allah: Nakita ko ang Sugo ng Allah ﷺ, na nakatayo sa Al-Hazwarah (ito ay isang lugar sa Makkah), at siya ay nagsabi: "Sumusumpa ako sa Allah, na ikaw ang pinakamabuting lupa ng Allah, at pinakamamahal na lupa ng Allah sa Allah, at kung hindi lamang ako ay ipinagtabuyan mula sa iyo, hindi ako lalabas." (At-Tirmidhi: 3925), at sa isang salaysay: "At pinakamamahal na lupa ng Allah sa akin." (Ibnu Majah: 3108).
2. Ito ay ipinagbabawal (ginawang sagrado) ng Allah
Katotohanang ipinagbabawal ng Allah sa Kanyang mga nilalang na magpadanak sila dito ng dugo, o mang-api rito ng sinuman, o mangaso ng mga hayop nito, o magputol ng alinman sa mga puno at damo nito. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {[Sabihin mo]: "Inutusan lamang ako na sumamba sa Panginoon ng bayang ito, na nagpabanal nito – at sa Kanya ang bawat bagay – at inutusan ako na maging kabilang ako sa mga muslim}. (An-Naml: 91)
Sinabi niya ﷺ: "Katotohanang ang Makkah ay ipinagbabawal ito ng Allah, at hindi ito ipinagbawal ng mga tao, kaya hindi nararapat sa isang taong naniniwala sa Allah at sa Huling Araw na magpadanak dito ng dugo, o magputol dito ng isang puno." (Al-Bukhari: 104 – Muslim: 1354).
Sinabi ng dakilang Sahabi (kasamahan ng Propeta) na si Abu Dhar Al-Ghafari, kalugdan siya ng Allah: O Sugo ng Allah! aling Masjid ang unang itinayo sa lupa? Sinabi niya: "Ang Masjid Al-Haram (Sagradong Masjid)." Sinabi ko: At pagkatapos ay alin? Siya ay nagsabi: "Ang Masjid Al-Aqsa." Sinabi ko: Gaano katagal ang nasa pagitan ng dalawang ito? Siya ay nagsabi: "Apatnapung taon, at kung saan ka man abutan ng Salah, ay magsagawa ka ng pagdarasal, sapagka't ito ay Masjid." (Al-Bukhari: 3366 – Muslim: 520).
2. Nandirito ang marangal na Ka'bah:
At ang Ka'bah ay isang gusali na parisukat, na matatagpuan sa gitna ng Sagradong Masjid sa Kagalang-galang na Makkah. At ito ang Qiblah (direksyon) kung saan humaharap dito ang mga Muslim sa silangan ng kalupaan at kanluran nito sa kanilang pagdarasal. Itinayo ito ni Ibrahim Al-Khalil at ng kanyang anak na si Ismail, -sumakanila ang pagpapala at kapayapaan-, sa utos ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, at pagkatapos ay binago ang pagtatayo nito nang maraming beses. Sinabi ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan: {At tandaan nang itinataas ni Ibrahim ang mga pundasyon ng Bahay at ni Ismail: Aming Panginoon, tanggapin mula sa amin. Katotohanang Ikaw ang Nakaririnig, ang Nakaaalam}. (Al-Baqarah: 127). At sa katunayan pinili ng mga Quraysh ang Propeta (Muhammad) ﷺ, na siya ang maglagay ng itim na Bato sa lugar nito nang muli nila itong itinayo.
3. Pagdodoble ng gantimpala ng mga Salah na isinasagawa dito:
Sa katunayan, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang isang Salah sa Masjid kong ito ay mas mabuti kaysa sa isang libong Salah na isinasagawa sa iba maliban sa Al-Masjid Al-Haram, sapagka't ang isang Salah sa Al-Masjid Al-Haram ay mas mabuti kaysa sa isang daang libong Salah na isinasagawa sa iba." (Ibn Majah: 1406 – Ahmad: 14694)
4. Ginawa ng Allah na Obligado ang pagha-hajj sa kanyang sagradong bahay sa sinumang may kakayahan sa pagpunta dito:
At sa katunayan ay tinawag ni Abraham (ibrãhim), sumakanya nawa ang kapayapaan, ang mga tao upang magsagawa ng Hajj, kaya dumagsa ang mga tao dito mula sa iba't ibang lugar, at naghajj dito ang mga propeta -sumakanila ang kapayapaan-. batay sa sinabi ng Sugo ﷺ, na sinabi ng Allah sa pamamagitan ng pagkuwento tungkol sa utos niya kay Abraham (Ibrãhim): {Magpahayag ka sa mga tao ng ḥajj, pupunta sila sa iyo nang mga naglalakad at lulan ng bawat payat na kamelyo: pupunta ang mga ito mula sa bawat daanang malalim} [Al-Hajj: 27].