Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga Asal sa pamamanhikan
Ang pamamanhikan ay ang pag-paalam ng lalaki sa Guardian ng babae sa kanyang kagustuhan na mapangasawa siya ayon sa sunnah ng Allah at sunnah ng kanyang Sugo ﷺ.
Isa sa mga biyaya ng Allah -kataas-taasa at kapitapitagan- Na nagsabatas siya para sa pamamanhikan ng mga Ugali na sa pamamagitan niya makakamit ang pagkagusto o pagkalugod at magandang pagpili at katahimikan, at makakatulong sa bawat isa sa mag-asawa na magkaisa at magkasundo sila.
Ilan sa mga Ugali ng pamamanhikan
1- Na hindi mamanhikan ang isang muslim sa kasintahan (napangakoan ng kasal) ng ibang muslim, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Huwag pagbentahan ng lalaki ang pinagbebentahan ng kapuwa niya at huwag siyang mag-alok ng kasal sa napangakuan nito ng kasal, maliban na ito ay ipahintulot sa kanya". (Al-Bukharie 5142, at Muslim 1412).
2- Ang pagtingin sa babaeng pakakasalan sa anumang dapat niyang makita na makahikayat sa pagpapatuloy ng kasal, sapagkat sinabi ng Sugo ﷺ kay mughira bin shu'bah nong gusto niya mamanhikan: "tingnan mo siya dahil iyon ang pinakamainam na magpapanatili sa pagsasama niyong dalawa". (At-Tirmizie 1087),at ang pagtingin sa namamanhikan ay karapatan din ng babae, bagkus ang ibang mga iskolar ay nagsabi na mas higit na may karapatan ang babae dito. at ang kahulugan ng magpapanatili sa pagitan niyong dalawa ay: mananatili ang pagmamahalan niyo sa isa't isa.
Isinalaysay ni jãbir bin abdillah Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: kapag namanhikan ang isa sa inyo sa babae, at kung kaya niyang tingnan ang anumang makahikayat sa kanya na pakasalan siya ay gawin niya", sinabi niya (ni jabir): kaya nagmanhikan o nag-alok ako ng kasal sa isang babae kaya pinagmasdan ko siya hanggang sa nakita ko sa kanya ang bagay na naghikayat sa akin na pakasal at mapangasawa siya kaya pinakasalan ko siya. (Abu Dãwod 2082).
Ilan sa mga Ugali o magandang asal sa pagtingin sa babaeng pakakasalan
3- Isa sa pinakamahalagang Ugali ng pamamanhikan ay ang pagbutihin ng bawat isa sa lalaki at babae ang kanilang pagpili, at magbase sila sa tamang mga pundasyon kung saan sa pamamagitan nito ay magtatatag para sa isang tahanan na namamayani dito ang katahimikan, katatagan at kapayapaan sa kapahintulutan ng Allah.
4- Isa rin sa mga ugali ng pamamanhikan na magsikap ang lalaki sa pag-aasawa ng babaeng palaanak bilang pagpaparami sa mabuting mga anak, sapagkat sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ bilang payo: "Mag-asawa kayo ng babaeng mapagmahal at palaanak; dahil ipagsasabi ko na kayo ang pinakamaraming mamamayan". (Abu Dãwod 2050).
5- Ang pagpapayo (paghingi ng payo), pagdarasal ng istikharah at pagdudu'a (pananalangin), sapagkat ang isang muslim ay humihingi sa kanyang panginoon ng pagpili para sa kanya at magsusumamo sa kanya, at humihingi ng payo sa mga taong may pag-unawa at gabay sa lahat ng bagay, at ang pagpapasya sa pag-aasawa ay isang mahalagang pagpapasya sa buhay ng tao, at ito ay mas karapat-dapat na humingi siya ng payo at magdasal siya ng Istikharah at manalangin.
6- Na ang magkabilang panig ay nasa mataas na antas ng kalinawan at katapatan sa paghayag ng lahat ng bagay at kalagayan, upang hindi maganap ang paglihim ng kapintasan, sadyang pagsisinungaling o panloloko na maaaring makaapekto sa relasyon ng dalawa sa hinaharap pagkatapos ng kasal.
7- Pagsasaalang-alang sa mga tuntunin at mga regulasyon ng islam na kaugnay sa pamamanhikan, sapagkat ito ay pangako pa lang ng pagpapakasal hindi kasal, kaya hindi pwedeng makipagkamay o magsama ng silang dalawa lang, at hindi rin pwedeng maglambing ang babae sa pananalita o maglagay ng mga palamuti sa harap ng namamanhikan.