Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak

Aalamin natin sa aralin na ito ang kahulugan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak, at ilang mga usapin na kaugnay nito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak sa islam.
  • Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak, at pagbabala sa pagputol nito.
  • Pagpapaliwanag sa ilang mga paraan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak.
  • Pagpapaliwanag sa ilang mga kabutihan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak.

Kahulugan ng Pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak

Ito ay ang pagsama sa mga kamag-anak sa mga kabutihan, pagpapakabuti, pagmamahal, pagpapakabait sa kanila, pagbisita at pag-alam sa kalagayan nila, at paggastos sa mga nangangailangan sa kanila.

Naitala sa banal na Qur'ãn at sunnah ng Propeta ﷺ ang pag-utos sa pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak at pagbabawal sa pagputol nito, sinabi ng Allah bilang paglalarawan sa mga walang pananampalataya: {Ang mga kumakalas sa kasunduan kay Allāh nang matapos ng pagtitibay nito, pumuputol sa ipinag-utos ni Allāh na iugnay -gaya ng mga ugnayang pangkaanak-, at nanggugulo sa lupa, ang mga iyon ay ang mga lugi} [Al-Baqarah: 27], at sinabi niya -kataas-taasan at kapita-pitagan-: {Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ninyo?} [Muhammad: 22].

At sinabi ng Propeta ﷺ: "At sinuman ang naniniwala sa Allah at sa huling araw (sa kabilangbuhay) ay ituloy niya ang kanyang ugnayang pagkakamag-anak", (Al-Bukharie 6138), at sinabi rin niya: "katotohanan na nilikha ng Allah ang mga nilikha, hanggang sa nang matapos siya sa kanyang nilikha, sinabi sa kanya ng sinapupunan (o pagkakamag-anak): itong lugar ko ay lugar ng mga nagpapakupkop sa iyo mula sa pagputol ng ugnayang pagkakamag-anak, Sinabi ng Allah: Oo, dimo ba gusto na i-ugnay ko ang sinumang magtuloy sa iyo, at putulin ko ang sinumang puputol saiyo? sinabi niya (ang sinapupunan o pagkakamag-anak): Sang-ayon ako o panginoon, sinabi ng Allah: mapapasaiyo yaon, sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: basahin niyo (bigakasin ninyo) kung gusto niyo: {Kaya marahil kayo kaya, kung tumalikod kayo, ay manggugulo sa lupa at magpuputul-putol sa mga ugnayang pangkaanak ninyo?} [Muhammad: 22]" (Al-Bukharie 5987, at Muslim 2554).

Nag-utos ang islam sa pagtuloy sa ugnayang pagkakamag-anak ayon sa pinakamalapit na kaanak at ugnayan.

Ang pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak na ubligado

Ito ay ang pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak sa mga mahram; Gaya ng mga magulang, mga anak na lalaki at babae, mga kapatid na lalaki at babae, mga tiyohin sa ama at sa ina, mga tiyahin sa ama at tiyahin sa ina.

Ang pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak na kanais-nais

Ito ay ang pagtuloy sa (ugnayan ng) pagkakamag-anak sa hindi mga mahram: Gaya ng mga pinsan sa ama at mga pinsan sa ina, at ganyan.

Paraan ng pagtuloy sa ugnayan ng pagkakamag-anak

Mangyayari ang pagtuloy sa ugnayan ng pagkakamag-anak sa pamamagitan ng paghahatid ng anumang mga nakabubuti hanggat maaari, at pagpigil sa mga masasama hanggat maaari, ayon sa kakayahan. kaya maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagbati ng salam at salita, O pera at tulong sa oras ng pangangailangan, O sa pagpigil ng nakakapinsala, o maaliwalas na mukha pag kaharap mo, o pananalangin para sa kanya, at iba pa.

Mga halimbawa sa pagtuloy sa ugnayan ng pagkakamag-anak

١
Ang pagtawag sa telepon, pagpapadala ng mensahe sa cellphone, o sa pamamagitan ng mga aplikasyon ng internet.
٢
Paggamit ng pera; sa ubligadong paggastos, o pagbigay ng zakat sa sinumang hindi ubligasyon ng nagbibigay ang paggastos sa kanila, kawanggawa, handog, garantor o habilin.
٣
Ang pagsali sa kasiyahan, at pag-aaliw sa kalungkutan.
٤
Ang pagbisita.
٥
Pagtugon sa imbitasyon.
٦
Pagdalaw sa may sakit.
٧
Pagsama sa paglibing.
٨
Pag-ayos sa may-alitan.

Ilan sa mga kabutihan ng pagtuloy sa ugnayan ng pagkakamag-anak

١
Ito ay dahilan sa pagmamahal ng mga kaanak, at pagpapatibay sa mga ugnayang pamilya sa pagitan nila.
٢
Ito ay magpapalawak ng biyaya at makadagdag sa mga edad.
٣
Na ang Allah ay ituloy ang ugnayan ng sinumang magtuloy ng ugnayan ng pagkakamag-anak.
٤
Ito ay dahilan ng pagpasok sa paraiso.
٥
Na dito ay may pagsunod sa Allah, at pagkamit sa kanyang kasiyahan.

1- Na ito ay dahilan ng pagmamahalan ng magkakamag-anak at pagtibay ng ugnayang pamilya

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "pag-aralan niyo sa iyong angkan (lahi) ang anumang magpatuloy sa inyo sa ugnayan ng pagkakamag-anak niyo, dahil ang pagtuloy sa ugnayan ng pagkakamag-anak ay pagmamahal sa pamilya, nagpaparami ng pera, at magpapabuti ng buhay" (At-Tirmizie 1979).

2- Na ito ay magpapalawak ng biyaya (kabuhayan) at magpapahaba ng edad

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "sinuman ang nais na mapadali (maging maluwag) sa kanya ang kanyang kabuhayan, at mapapabuti ang kanyang buhay, ay ituloy niya ang ugnayan ng kanyang pagkakamag-anak" (Al-Bukharie 2067, at Musli 2557).

3- Na ang Allah ay ituloy ang ugnayan ng sinumang magtuloy ng ugnayan ng kanyang kamag-anakan

Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "katotohanan na nilikha ng Allah ang mga nilikha, hanggang sa Nang matapos siya sa kanyang paglikha, nagsabi ang sinapupunan (kamag-anakan): Itong lugar ko ay lugar ng nagpapakupkop sa iyo mula sa pagputol ng ugnayan ng pagkakamag-anak, sinabi ng Allah: Oo, dimo ba gusto na ituloy ko ang ugnayan ng sinumang magtuloy saiyo, at putulin ko ang ugnayan ng sinumang magputol saiyo? sinabi niya: Sang-ayon ako o panginoon: Sinabi ng Allah: yaon ay mapapasaiyo", (Al-Bukharie 5987, at Muslim 2554).

3- Na ang pagtuloy sa ugnayan ng kamag-anakan ay dahilan ng pagpasok sa paraiso

Tinanong noon ng isang lalaki ang Propeta ﷺ tungkol sa gawain na magpapasok sa kanya sa paraiso, kaya sinabi sa kanya ng Propeta: "Sambahin mo ang Allah at huwag kang magtambal sa kanya ni bahagya, itaguyod (isagawa) mo ang pagdarasal, magbigay ka ng zakat, at ituloy mo ang ugayan ng pagkakamag-anak" (Al-Bukharie 1396, at Muslim 13).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit