Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Mga magagandang asal sa pag-aasawa (kasal)
Bilang karagdagan sa mga legal na probisyon na may kaugnayan sa pag-aasawa, kung saan ang ilan dito ay mangyayari bago ang kasal, at ilan ay mangyayari sa oras ng kasal, at ilan dito ay mangyayari pagkatapos ng kasal, Ay pinaligiran ng islam ang pag-aasawa ng maraming mga magagandang asal na dapat sa bawat isa sa ikakasal na pangalagaan ito; bilang pag-nanais sa pagkamit ng gantimpala mula sa Allah. at pag-asang mapanatili ang tibay at tatag ng relasyong mag-asawa.
1- Ang niyyah (layunin o intensyon)
Ang Niyyah ay may malaking katayuan sa islam, magpapatunay dito ang kilalang hadith na: "Ang pagtanggap sa mga gawain ay nakasalalay sa layunin, at nakasalalay ang makakamit na gantimpala ng tao sa anumang kanyang layunin" (Al-Bukharie 1, at Muslim 1907), kaya dapat sa mag-asawa na magkaroon sila ng mabuting layunin sa pag-aasawa, sa halip kasama sa katalinuhan ang pagpaparami ng mga mabuting layunin para sa karagdagang gantimpala at kabayaran, at isa sa mabubuting layunin sa pag-aasawa, ang pagpapakita ng isang tanda mula sa mga tanda ng Allah, at pagsunod sa lehitimong utos na naghihimok sa pag-aasawa, at paghahangad na lumabas mula sa kanila ang mga mabuting supling na magbubukod tangi sa Allah (maniniwala sa kaisahan ng Allah) at sasambahin nila Siya, at pag-aalaga sa puri ng bawat isa sa mag-asawa at pag-iwas niya sa mga fitnah, at iba pa.
2- Pagsunod sa mga Sunnah sa gabi ng pagbuo (gabi ng kasal)
Ang piging ng kasal ay isang tiyak ng Sunnah: batay sa sinabi ng Propeta ﷺ kay Abdur-rahmãn bin 'ãwf -kaluguran siya ng Allah- nang siya ay nag-asawa: "Gumawa ka ng piging kahit isang Tupa lang" (Al-Bukharie 2048, at Muslim 1427).
Ilan sa mga kailangan isaalang-alang sa Piging
4- Pagkanta ng mga babae sa kasal
Pinahihintulutan sa mga babae lamang ang pagkanta sa mga mabubuting salita na pinahihintulutan at pagtugtug ng tamburin sa lugar na malayo sa mga lalaki, at huwag gumamit ng mga instrumento ng musika; sapagkat ang pagpapakita ng kasiyahan sa ganitong magandang okasyon ay pinahihintulutan sa islam.
5-Ang magandang pakikisama
Isa sa magagandang asal ng pag-aasawa na tiyak ay ang magandang pakikisama; upang manatili sa pamamagitan nito ang pagmamahalan kung saan mabubuhay nito ang nang magandang pamumuhay ang mag-asawa sa kapahintulutan ng Allah. Sinabi ng Allah: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti} [An-Nisa': 19].