Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga kaaya-aya na Salah
Ubligado sa isang Muslim na magsagawa ng limang Salah lamang sa bawa't araw at gabi, Gayunpaman, ang relihiyong islam ay hinihimok din ang isang Muslim na isagawa ang mga kaaya-aya na Salah, na magiging isang dahilan upang mahalin ng Allah ang isang alipin (tao), at kinukumpleto nito ang kulang sa mga ubligadong Salah. Naiulat ni Abu Hurairah, kalugdan siya ng Allah, na ang Propeta ﷺ, ay nagsabi: "Ang unang kukuwentahin sa mga tao sa Araw ng Pagbabangon Muli sa kanilang mga gawain ay ang Salah. Sinabi niya: "Magsasabi ang ating Panginoon, na Kapita-pitagan at Makapangyarihan, sa Kanyang mga anghel, samantalang Siya ang higit na nakakaalam: "Tingnan ninyo ang Salah ng aking lingkod, kung nakumpleto niya ito o may kulang dito"?, kaya kung ito ay kumpleto, ito ay isusulat para sa kanya na kumpleto, subali't kung may kulang dito na bahagya, sasabihin Niya: "Tingnan ninyo, mayroon bang anumang boluntaryo sa Aking lingkod? at kung siya ay may boluntaryo, sasabihin Niya: "Kumpletuhin ninyo para sa Aking alipin ang kanyang ubligadong Salah sa kanyang boluntaryo, pagkatapos ay kukunin ang mga gawain ayon doon." (Sunan Abu Dawud: (864).
At tinawag ito ng gayon dahil ito ay laging kaakibat ng mga ubligadong pagdarasal; at dahil ang isang Muslim ay tuloy-tuloy sa pagsasagawa nito.
Sinabi ng Propeta ﷺ: "Walang alipin na Muslim na nagdarasal para sa Allah sa bawa't araw ng labindalawang Rak'ah bilang boluntaryo bukod sa ubligado, maliban na magtatayo ang Allah para sa kanya ng isang tahanan sa Paraiso." (Muslim: 728).
As-Sunan Al-Rawatib (ang mga kusang-loob na pagdarasal na magkakasunod)
At ito ay tinawag ng gayon dahil ang bilang ng mga Rak'ah nito ay gansal, at ito ay isa sa mga pinakamabuti sa mga boluntaryong Salah. Sinabi niya ﷺ: "Magsagawa kayo ng gansal na Rak'ah, O mga angkan ng Qur'an." (At-Tirmidhi: 453 – Ibn Majah: 1170).
At ang pinakamainam na oras nito ay sa huling bahagi ng gabi, at ang isang Muslim ay maaaring magdasal nito sa anumang oras simula pagkatapos ng Salah sa `Isha' (gabi) at hanggang sa pagsikat ng bukang liwayway (Fajr).
Ang bilang ng mga Rak'ah ng Witr
Ang pinakamababang witr ay isang rak'ah, at ang propeta ﷺ ay nagsalah siya ng witr ng tatlung rak'ah, lima, pito, siyam at labing isang rak'ah.
Ang pinaka mababa (o kaunti) na ganap sa pagdarasal ng witr ay tatlong rak'ah, kaya magdasal ang muslim ng dalawang rak'ah at magsalam (Assalaamo alaykum warahmatullah) siya, pagkatapos ay magdasal siya ng isang rak'ah at magsalam siya. at itinatagubilin sa kanya sa huling rak'ah -bago ang pagyuko o pagkatapos nito- na itaas niya ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang dibdib at manalangin siya ng du'a al-qunot.
Ito ay isang Salah na ipinag-utos ng Allah kapag tuyo ang lupa at tinamaan ang mga tao ng nakapipinsala dahil sa kakulangan ng ulan, at itinatagubilin na gawin ito sa mga pasilyo at mga bukas na lugar kung maaari, at pinahihintulutan na gawin ito sa Masjid (Mosque)
At ipinag-uutos na lumabas papunta dito ang mga nagdarasal na nagpapakumbaba at nagsusumamo sa Allah sa pagsisisi. At tunay na ginawa nila ang mga dahilan na humahatak sa Habag ng Allah; tulad ng paghingi ng kapatawaran, pagsauli sa mga kinamkam na karapatan, pagbibigay ng kawanggawa, paggawa ng kabutihan sa mga tao, at iba pa.
Ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Salah Al-Istisqa'
Ang Salah Al-Istisqa' (pagdarasal sa paghingi ng ulan) ay tulad ng Salah sa Eid, binubuo ng dalawang Rak'ah na pinapalakas ang pagbigkas dito ng Imam sa pagbasa, at itinatagubilin dito ang pagdaragdag sa Takbeer sa simula ng bawat Rak’ah, kaya't magbibigkas siya ng Takbeer sa unang Rak’ah bago ang pagbasa (ng surah Al-fatihah) ng anim na Takbeer bukod sa Takbiratul Ihram, at magbibigkas siya sa pangalawang Rak'ah ng limang Takbeer bukod sa Takbeer para sa pagtayo mula sa pagpapatirapa. Magbibigay siya pagkatapos nito ng dalawang sermon kung saan ay paramihin niya dito ang paghingi ng kapatawaran at pagpupunyagi sa Allah sa panalangin.
At ito ang Salah na itinagubilin para sa isang Muslim kapag siya ay nagdisisyon sa (o naisip niyang gawin ang) isang bagay na pinahihintulutan at hindi niya alam kung ito ay mabuti para sa kanya o hindi.
Ang pagkalehitimo nito
Kapag nakapagdisisyon ang isang Muslim tungkol sa isang bagay na pinahihintulutan at hindi niya alam kung ito ay mabuti para sa kanya o hindi. Kaaya-aya para sa kanya sa oras na iyon na magsagawa ng Salah na binubuo ng dalawang Rak'ah, manalangin siya pagkatapos nito sa pamamagitan ng napatunayang Du`a na itinuro ng Sugo ng Allah ﷺ, sa kanyang mga kasamahan: "Allahumma inni astakhiruka bi ilmika, wa astaqdiruka bi qudratika, wa as-aluka min fadh-lika al-`adheem, fa innaka taqdiru wa la aqdiru, wa ta`lamu wa la a`lam, wa anta `allamul ghuyubi. Allahumma in kunta ta`lamu anna hathal amra [Banggitin mo ang iyong hangarin] khayrun li fi dini wa ma`ashi, wa aqibati amri [O di kaya ay banggitin mo ang] - `ajilihi wa ajilihi. Faqdurhu li wa yassirhu li thumma barik li fihi. Wa in kunta ta`lamu anna hathal amra sharrun li fi dini wa ma`ashi wa `aqibati amri, `ajilihi wa ajilihi, fasrifhu `anni wasrifni `anhu, wa qaddir li al-khaira haythu ka-na thumma ardini bihi", (O Allah, hinihiling ko ang Iyong payo sa pamamagitan ng Iyong kaalaman, at sa pamamagitan ng Iyong Kapangyarihan ay hinahangad ko ang lakas at hinihingi ko mula sa Iyong walang hangang kagandahang-loob dahil katotohanan Ikaw ang may Kakayahan at ako ay wala, Ikaw ang Lubos na nakakaalam sa mga bagay na nakalingid. O Allah, kung alam Mo ang pangyayaring ito (banggitin mo ang iyong hinahangad) na makabubuti sa akin ayon sa kaugnayan nito sa aking relihiyon, buhay at katapusan, ay kung maaari ay ipagkaloob Mo sa akin sa lalong madaling panahon, at pagpalain ako sa pamamagitan nito. At kung sa akala Mo ay hindi makabubuti sa akin ang hangaring ito at sa aking relihiyon, buhay at katapusan, ay kung maaari ay alisin (o ilayo) Mo sa akin at ako’y ilayo mo sa kanya. At ipagkaloob Mo sa akin ang anumang kabutihan at makamit ang anumang kasiyahang maipagkakaloob nito)." (Al-Bukhari: 6382).
At ito ay kabilang sa mga kaaya-ayang Salah na nabanggit sa kabutihan nito ang malaking gantimpala, at ang pinakamababang bilang ng Rak'ah nito ay dalawa, at ang oras nito ay mag-uumpisa simula sa pagtaas ng araw pagkatapos ng pagsikat nito, ng kasing haba ng isang sibat, hanggang bago ang paglihis ng araw sa tugatog nito at pagpasok ng oras ng Salah sa Dhuhr (tanghali).
Ang eklipse ay isang kosmikong kalagayan na hindi pangkaraniwan, nawawala dito ang liwanag ng araw at buwan nang ganap o bahagya. At ito ay isa sa mga palatandaan ng Allah na nagpapahiwatig ng Kanyang kapangyarihan at Kanyang kaharian, at pinapapaalerto (binabalaan) nito ang tao at ginigising ito mula sa kanyang kapabayaan upang matakot siya sa parusa ng Allah at umasa sa Kanyang gantimpala.
Sinabi niya ﷺ: "Tunay na ang araw at ang buwan ay hindi naglalaho (eklipse) dahil sa pagkamatay ng sinuman sa mga tao, nguni't ang mga ito ay dalawa sa mga tanda ng Allah. At kapag nakita ninyo ang mga ito, tumayo kayo at magsagawa kayo ng Salah." (Al-Bukhari: 1041).
Ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Salah Al-Kusuf (pagdarasal dahil sa eklipse)
Ang Salah ng eklipse ay binubuo ng dalawang Rak'ah, maliban na itinatagubilin dito na ulitin ang mga Ruku (pagyuko)', at iyon ay sa kadahilanang ang isang nagdarasal, pagkatapos umangat mula sa pagyuko sa unang Rak'ah, muli niyang uulitin ang pagbigkas sa Al-Fatihah at anumang maaari mula sa Qur'an, pagkatapos ay yuyuko siya at aangat mula sa pagyuko, pagkatapos ay magpapatirapa at uupo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa, kaya ito ay isang ganap na Rak’ah, at pagkatapos na siya ay bumangon mula sa pagpapatirapa, gagawin niya sa pangalawang Rak'ah ang tulad ng ginawa niya sa una.