Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Adhan (panawagan para sa Salah)

Itinakda ng Allah para sa mga Muslim ang Adhan upang tawagin ang mga tao para sa Salah at ipaalam sa kanila ang pagpasok ng oras nito. Malalaman mo sa aralin na ito ang pamamaraan ng Adhan at Iqamah.

  • Pag-alam sa pamamaraan ng Adhan.
  • Pag-alam sa pamamaraan ng Iqamah (panawagan para sa pag-umpisa ng Salah).
  • Ang pag-alam sa kabutihan ng pag-ulit sa mga binibigkas sa Adhan pagkatapos ng tagatawag.
  • Ang Adhan(panawagan para sa Salah)

    Itinakda ng Allah para sa mga Muslim ang Adhan upang tawagin ang mga tao para sa Salah at ipaalam sa kanila ang pagpasok ng oras nito.

    At itinakda ang Iqamah upang ipaalam sa kanila ang oras ng pagsisimula sa Salah at ang umpisa nito.

    Paano ipinag-utos ang Adhan?

    Ang mga Muslim noon -sa oras na dumating sila sa madinah- ay nagtitipon sila at naghihintay para sa Salah, at walang tumatawag para dito na isaman, kaya nag-usap sila isang araw tungkol doon, at ang ilan sa kanila ay nagsabi: Kumuha kayo ng isang kampana tulad ng kampana ng mga Kristiyano, at sinabi naman ng ilan sa kanila: Bagkus, isang trumpeta katulad ng trumpeta ng mga Hudyo. At si Omar ay nagsabi: Hindi ba kayo makahanap ng isang lalaki na manawagan para sa Salah? Kaya sinabi ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "O Bilal, tumayo ka at manawagan para sa Salah." (Al-Bukhari: 604 – Muslim: 377).

    Ang hatol sa Adhan at Iqamah

    Ubligado ang Adhan at ang Iqamah para sa sama-samang pagdarasal, hindi para sa nag-iisa lamang, at kapag sadyang iniwan nila ito, tanggap ang kanilang Salah nang may pagkakasala.

    Paano manawagan ang tagatawag ng Adhan para sa Salah?

    Ipinag-uutos ang pagbigkas sa Adhan sa pamamagitan ng isang magandang malakas na boses upang marinig ng mga tao at sila ay darating para sa Salah.

    Ang pormula ng Adhan

    Makinig para sa Adhan

    At magdagdag ang tagatawag ng Salah sa Adhan ng Fajr: "Assalatu khayrun minan nawm, assalatu khayrun minan nawm (Ang pagdarasal ay mas mabuti kaysa pagtulog, ang pagdarasal ay mas mabuti kaysa pagtulog)", pagkatapos ng "Hayya 'alal falah (Halina para sa tagumpay)".

    Ang pormula ng Iqamah

    Ang pag-ulit sa mga binibigkas sa Adhan pagkatapos ng tagatawag

    At kaaya-aya para sa sinumang nakarinig ng Adhan na ulitin ang binibigkas ng tagatawag nito, samakatuwid eksaktong bibigkasin niya ang tulad ng binibigkas ng tagatawag ng Adhan, maliban kapag binigkas ng tagatawag ang: "Hayya `alas salah" o "Hayya `alal falah", sa gayon ang kanyang bibigkasin ay: "La hawla wa la quwwata illa billah". Pagkatapos ay bibigkasin ng sinumang nakarinig ng Adhan pagkatapos itong ulitin: "Allahumma rabba hathihid da`wati attamati was salati alqaimati, ati muhammadan alwasilata wal fadhilata wab`athhu almaqamal mahmuda allathi wa `adtahu (O Allah! Panginoon ng ganap na panawagan na ito at ng Salah na isasagawa! Pagkalooban Mo si Muhammad ng karapatang mamagitan at pagkabukod-tangi at iangat siya sa kapuri-puri na katayuan na Iyong ipinangako sa kanya)".

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit