Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Salah ng isang manlalakbay at may karamdaman

Ang islam ay relihiyon ng kadalian at pag-alis ng paghihirap, at kasama doon ang pagpapagaan sa ilang mga alituntunin ng salah (pagdarasal) sa kalagayan ng may karamdaman at naglalakbay. malalaman mo sa aralin na ito ang mga alituntunin ng salah (pagdarasal) ng naglalakbay at ang may karamdaman.

  • Pag-alam sa mga alituntunin ng Salah ng isang naglalakbay.
  • Pag-alam sa mga alituntunin ng Salah ng isang may karamdaman.
  • Ang Salah ay ubligado sa isang Muslim sa lahat ng kanyang kalagayan hangga't umiiral ang kanyang isipan at kamalayan, gayunpaman isinasaalang-alang ng Islam ang bagay na kung saan ay nagkakaiba rito ang mga kalagayan ng mga tao at kanilang mga pangangailangan, at nabibilang doon ang kalagayan ng may karamdaman at ang manlalakbay.

    Ano ang mga Sunnah (mabubuting gawain) para sa isang manlalakbay?

    Nakabubuti para sa isang manlalakbay habang nasa kalagayan ng kanyang paglipat o pansamantalang pagtigil nang hindi bababa sa apat na araw na paikliin ang Salah na binubuo ng apat na Rak'ah sa dalawang Rak'ah. Kaya magsasagawa siya ng Salat Ad-Dhuhr, Asr at `Isha' ng dalawang Rak'ah sa bawa't isa kapalit ng apat na Rak'ah maliban kung isasagawa niya ito na kasama ang Imam na nakadestino, sa gayon kailangan niyang sumunod sa Salah niya at magsagawa siya ng Salah na apat na Rak'ah na katulad niya.

    Itinatagubilin sa isang manlalakbay na iwan ang mga As-Sunan Al-Ratibah (Kusang-loob na pagdarasal na magkakasunod) maliban sa Sunnah ng Fajr. at itinatagubilin sa kanya ang pagpapanatili sa pagdarasal ng wit'r at qiyamu-llayl (pagdarasal sa gabi).

    Pinahihintulutan siyang pag-isahin ang Dhuhr at Asr, ang Maghrib at `Isha' sa oras ng isa sa dalawa, lalo na kung iyon ay nasa kalagayan ng kanyang paglipat at paglalakbay, bilang pagpapagaan, habag at pag-aalis ng pahirap.

    Ang Salah ng may karamdaman

    Mawawala ang pagka-ubligado ng pagtayo sa Salah para sa isang may karamdaman na hindi kayang tumayo, o ang pagtayo ay nagpapahirap sa kanya, o nagpapabagal sa kanyang paggamot. At siya ay magsasagawa ng Salah na nakaupo, at kung hindi niya kaya ay tumagilid siya. Sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Magsagawa ka ng Salah na nakatayo, at kung hindi mo kaya ay umupo, at kung hindi mo pa rin kaya ay tumagilid." (Al-Bukhari: 1066).

    Ang mga alituntunin na partikular lamang para sa Salah ng may karamdaman

    ١
    Ang sinumang hindi kayang yumuko o magpatirapa, siya ay tumungo sa abot kaya niya.
    ٢
    Ang sinumang nahihirapan sa pag-upo sa lupa, siya ay umupo sa silya o sa tulad nito.
    ٣
    Ang sinumang nahirapan sa paglilinis sa bawa't Salah dahil sa kanyang karamdaman, magkagayon pinahihintulutan siyang pag-isahin ang Dhuhr at Asr, ang Maghrib at `Isha'.
    ٤
    Ang sinumang nahihirapan sa paggamit ng tubig dahil sa kanyang karamdaman, siya ay pinahihintulutang magsagawa ng Tayammum (paglilinis sa pamamagitan ng buhangin) para magsagawa ng Salah.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit