Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga ipinagbabawal sa naka-ihram
Mga ipinagbabawal sa naka-ihram
Ito ay ang bagay na ipinagbawal sa naka-ihram sa hajj o umrah
Ang mga ipinagbawala sa naka-ihram ay nahahati sa tatlo
Ilan sa mga ipinagbabawal sa naka-ihram na parehong bawal sa mga lalaki at mga babae
Ilan sa mga ipinagbabawal sa naka-ihram sa mga lalaki lamang
Ilan sa mga ipinagbabawal sa naka-ihram sa mga babae lamang
At ang sinumang nakagawa ng isa sa mga ipinagbabawal na ito dahil sa pagkalimot O hindi niya alam o pinilit, ay wala siyang pananagutan, batay sa sinabi ng Allah: {At Wala sa inyong maisisisi sa anumang nagkamali kayo subalit [mayroon] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo} Al-Ahzãb: 5], ngunit kung natandaan niya O nalaman niya ay dapat niyang iwan kaagad ang ipinagbabawal na iyon.
Ang sinumang nakagawa ng isa sa mga ipinagbabawal na iyon ng sinadya na may katanggap tanggap na dahilan, ubligado sa kanya na magfidyah (Ang fidyah: ito iyong kabayaran sa nagawang ipinagbabawal; tulad pag-aayuno, pagbibigay ng kawanggawa, O pagkatay ng tupa) at wala siyang kasalanan.
Sinabi ng Allah: {At Huwag kayong mag-ahit ng mga ulo ninyo hanggang sa umabot ang handog sa pinag-aalayan dito. Ang sinumang kabilang sa inyo ay maysakit o sa kanya ay may isang pinsala sa ulo niya ay [magbibigay ng] isang pantubos na pag-ayuno o isang kawanggawa o isang alay. Kung natiwasay kayo, ang sinumang nagsagawa ng `umrah na pinasusundan ng ḥajj ay [mag-aalay ng] anumang madaling nakamit na handog. Ngunit ang sinumang hindi nakatagpo ay [magsasagawa ng] pag-aayuno ng tatlong araw sa ḥajj at pitong [araw] kapag nakauwi kayo; iyon ay ganap na sampu. Iyon ay ukol sa sinumang ang mag-anak niya ay hindi nakatira sa [paligid ng] Masjid na Pinakababanal. Mangilag kayong magkasala kay Allāh at alamin ninyo na si Allāh ay matindi ang parusa.} [Al-Baqarah: 196]
Ang sinumang nakagawa ng isa sa mga ipinagbabawal na sinadya niya ng walang sapat na dahilan, Obligado sa kaniya na magfidyah at siya ay nagkasala