Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga kabutihan ng Propeta Muhammad ﷺ
Ang mga katangian ng Propeta Muhammad ﷺ
Si Propeta Muhammad ﷺ ang nagtataglay ng pinakamagagandang katangian at paglalarawan, sakatunayan Siya ay nagtataglay ng pinakamataas na marangal na katangian, at mabuting moralidad, at matas na pag-uugali, at ang sinumang nagmuni-muni sa kanyang mga kabutihan at katangian, Malalaman niya na siya ﷺ ang pinakadakilang tao na nakilala ng sangkatauhan.
Samakatuwid Siya ang pinakamahusay sa mga alipin ng Allah at ang pinakamamahal sa kanila ng Allah na Makapangyarihan sa lahat, kaibigan ng Allah at kanyang pinili at kinuha, pinakaganap sa mga alipin ng Allah ang pagsamba, at pinakadalisay ang ugali, pinakamalinis ang kaluluwa at pinakamabuti ang pikikitungo, pinakadakila sa kanila ang kaalaman tungkol sa Allah at pagpapatupad sa pagsamba sa kanya. pinili siya ng Allah upang maging kanyang Sugo at propeta sa kanyang nilalang, At isang tagapamagitan sa kanya at sa mga tao sa pagtukoy ng mabuti at pag-anyaya tungo sa patnubay.
Siya ay kanyang pinili mula sa pinakamahusay at pinakasinaunang angkan ng mga tao, at itinatangi niya siya sa pinakaganap na mga katangian ng tao sa ugali at pagkalikha. itinatangi niya ang mga ganap na katangian sa kanyang maluwalhating anyo, At ang ganda ng itsura niya, ang kanyang maliwanag na buhay, at ang kanyang mga paglalarawan na nakaangat ng mataas ﷺ, at ilan sa kanyang mga katangian ﷺ ay ang mga sumusunod:
1- paglalarawan sa tindig ng Sugo ﷺ
isinalaysay ni anas bin mãlik -kaluguran siya ng Allah- na inilarawan niya ang propeta ﷺ, sinabi niya: "Siya ay katamtaman sa mga tao, hindi sa matangkad at hindi rin mababa", Al-bukharie (3547).
2- paglalarawan sa kanyang banal na mukha ﷺ
Siya ﷺ ang pinakamahusay sa mga tao ang mukha, ang kanyang mukha ay bilugan, nang hindi naman masyadong bilog ang mukha niya. may pagkasimple ngunit napakaganda, malinaw ang aliwalas at ningning, Ito ay kumikinang na parang mukha ng buwan sa gabi ng kabilugan ng buwan, Naaaliw ang bawat sinumang nakakita sa kanya, Kapag siya ay nalulugod, ang mga lihim ng kanyang mukha ay lumiwanag, ito iyong mga guhit sa noo, ganap ang kanyang dalawang tainga.
mga katangian (o mga paglalarawan) sa kanyang mukha ﷺ
Ang kanyang balbas ﷺ ay makapal ang buhok, maitim na bilog, ang pagitan ng kanyang baba at ibabang labi ay prominente at mataas, Sa ilalim ng kanyang ibabang labi ay may buhok na sinupil sa buhok ng balbas, na para bang isa ito sa kanila.
3- Ang kulay ng balat ng Propeta ﷺ
Siya ﷺ ang pinakamahusay sa mga tao ang kulay, Ang kulay niya ay puti na may halong pula, maaliwalas ang mukha puti na lumiliwanag, isinalaysay ni mut'em mula kay ali bin abi tãlib: Na inilalarawan niya ang propeta ﷺ na kanyang sinabi: "Napakaganda niya, maputi na may pagkapula, makapal ang (kanyang) balbas". Musnad Ahmad (944).
4- Ang buhok ng propeta ﷺ
Siya ﷺ ay may makapal na buhok, ang kanyang buhok ay umaabot sa kalahati ng kanyang mga tainga pag pinaikli niya ito, pag humaba ay hinahayaan niya ito hanggang sa umabot sa kanyang balikat, Ang kanyang buhok ay hindi sa matuwid na nakalugay at hindi sa kulot; bagkus sa pagitan ng dalawa, minsan ay pinapalugay niya ito sa kanyang noo, at minsan naman ay hinahati niya ito sa ginta ng kanyang ulo. at wala siyang kahit kauting iniiwan sa kanyang noo.
isinalaysay ni Qatãdah, sinabi niya: Sinabi ko kay anas bin mãlik -kaluguran siya ng Allah-: paano ba ang buhok ng Sugo ng Allah ﷺ? sinabi niya (Anas): Ang buhok niya ay nakalugay, hindi kulot at hindi matuwid na nasa pagitan ng tenga at balikat niya ang haba", (Al-bukharie 5905, at Muslim 2338).
hindi umabot ang puting buhok niya sa ulo at sa balbas ng dalawampung buhok, ang karamihan nito ay sa kanyang balbas sa pagitan ng kanyang baba at ibabang labi, Tungkol naman sa kanyang puting buhok sa kanyang ulo, ay sa gitna ito ng kanyang ulo.
At ang propeta ﷺ ay sinusuklay niya ang kanyang buhok, nililinis at pinapaganda niya ito, Nang walang pagmamalabis sa karangyaan at pagpapalayaw, at nag-uumpisa siya sa kanang bahagi.
5- Ang paglalarawan ng mga balikat ng Propeta ﷺ at ang kanyang mga braso at mga kamay
Isinalaysay ni anas -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "wala akong nahawakan na sutla ni damit na seda na mas malambot kaysa sa palad ng propeta ﷺ", Al-bukharie (3561), at Muslim (2330).
6. Ang paglalarawan sa tatak ng propesiya
Sa kanyang kaliwang balikat ay ang selyo ng propesiya, ito ay kapirasong karne (laman) na nakaangat na katulad ng kulay ng kanyang katawan, singlaki ng itlog ng kalapati, napalibutan ito ng mga nunal, at may mga buhok,
Isinalaysay ni Jãbir bin samurah -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "...at nakita ko ang tatak (selyo) sa kanyang balikat na katulad ng itlog ng kalapati na kahawig (ng kulay) ng kanyang katawan", Muslim (2344).
7- Paglalarawan ng kanyang dibdib at tiyan ﷺ
8- Paglalarawan sa mga binti at mga paa ng propeta ﷺ
Ang kanyang pawis ay mas mabango kaysa sa amoy ng pabango, pag nakamayan siya ng sinuman ay nananatili buong araw ang bango nito, at siya ay gumagamit ng pabango sa karamihan sa kanyang mga oras.
Isinalaysay ni anas, sinabi niya: "at Hindi ako nakaamoy ng musk o ambergris na mas mabango kaysa sa amoy ng Sugo ng Allah ﷺ", Muslim (2330).
Isang salitang sumasaklaw sa lahat ng paglalarawan sa kanyang marangal na pag-uugali ﷺ
Sinabi ng Allah: {at Tunay na ikaw (O Muhammad) ay talagang nagtataglay ng mataas (at kapuri-puri) na pag-uugali} [Al-Qalam: 4], at nang dumating si anghel jibreel sa propeta ﷺ sa unang pagkakataon, tinamaan siya ng takot, at sinabi niya sa nanay ng mga mananampalataya na si khadijah -kaluguran siya ng Allah-: "tunay na ako ay nangangamba sa aking sarili", kaya sinabi niya sa kanya: Magalak ka, sumpaman sa Allah, hindi ka kailanman ipapahiya ng Allah. sumpaman sa Allah ikaw ay nagpapatuloy ng pagkakamag-anakan, tapat ang pananalita, pinapasan mo ang lahat ng pasanin, binibigyan mo ang mga nawalan, mabuti sa panauhin, at tumutulong ka sa mga tamang gawain. (Al-bukharie 4953, at Muslim 160).
1. Ang katapatan ng Propeta ﷺ
Ang Propeta ﷺ ay kilala sa kanyang katapatan, hanggang sa tinawag siya ng kanyang mamamayan bago ang misyon (propesiya) ng "Al-ameen" (mapagkatiwalaan), Sa kabila ng kanilang poot sa kanya pagkatapos ng misyon (propesiya) Gayunpaman, inilalagay nila sa kanya ang kanilang mga ipinagkatiwala.
2. Kanyang habag at awa ﷺ
Ang propeta ﷺ ay maawain at mahabagin sa kanyang pamayanan; sinabi ng Allah: {Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain} [At-Tawbah: 128], at sinabi pa ng kataas-taasan: {Kaya dahil nga sa awa mula kay Allāh ay nagbanayad ka sa kanila. Kung sakaling ikaw ay naging isang mabagsik na magaspang ang puso ay talaga sanang nagkahiwa-hiwalay sila mula sa paligid mo...} [Ãl 'Imrãn: 159].
3. Kanyang pagpapaumanhin at pagpapatawad ﷺ
Nang pinasok ng Sugo ng Allah ﷺ ang makkah nang nagtagumpay, Ang mga dakilang tao ng Makkah at ang mga matatag na tao nito ay tumayo sa harap niya, na nagpapakumbaba. matapos ang kanilang pangangaway at pananakit sa kanya, at pananakit sa kanyang mga kasamahan sa loob ng maraming taon, ay wala siyang ginawa maliban sa sinabi niya: "Walang panunumbat sa inyo sa araw na ito, humayo kayo at kayo ay malaya.
4. Ang kanyang pagpupursigi sa paggabay sa mga nilikha ﷺ
at tunay na umabot sa punto na ang kanyang kasipagan sa paggabay sa mga tao, na siya ay muntik nang mamatay dahil sa pag-alala sa kanila, sinabi ng Allah: {Kaya baka ikaw ay kikitil sa sarili mo dala ng dalamhati sa mga bakas nila kung hindi sila sumampalataya sa salaysay na ito} [Al-kahf: 6].
5. Ang kanyang katapangan at lakas ﷺ
Sinabi ni Ali -kaluguran siya ng Allah- (siya ay isa sa pinakamatapang sa mga matatapang) inilalarawan niya ang katapangan ng propeta ﷺ: "kami kapag matindi na ang situwasyon, at nagkasalubong na ng grupo ang isapang grupo, ay sa Sugo ng Allah ﷺ na kami nagtitiwala, at wala nang mas malapit pa sa amin sa kalaban maliban sa kanya". (Ahmad 1347).