Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang masamang kita at ang mga ipinagbabawal na transaksyong pinansyal
Ang kinikita ay mayroong kaaya-aya maganda at pinahihitulutan dito, at mayroong masama marumi at ipinagbabawal dito, sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, gumugol kayo mula sa mga kaaya-ayang bagay na kinamit ninyo at mula sa mga pinalabas Namin para sa inyo mula sa lupa.at Huwag kayong maglayon ng masamang uri mula roon para gugulin ninyo ...} [Al-Baqarah: 267].
At sa hadith ni Abi Hurairah -kaluguran siya ng Allah-, Na ang propeta ﷺ ay nagsabi: "Tiyak na darating sa mga tao ang panahon, Na hindi na mahalaga sa tao kung paano niya nakuha ang pera, kung ito ba ay galing sa halal o sa harãm", (Al-Bukharie 2083).
Ito ay ang pagkain ng yaman ng mga tao sa hindi makatarungan na paraan, o Ang paghanapbuhay sa paraan na ipinagbabawal ng islam.
Mga paraan ng masamang kita
Mga dahilan ng paggawa ng masamang kita
Mga pinsala ng masamang kita
Mga Uri ng mga ipinagbabawal sa mga transaksyong pinansyal
Ang mga ipinagbabawal mula sa mga bagay (na nakikita)
Lahat ng mismong bagay na ipinagbabawal (ibig sabihin yong mismong bagay na ang bawal): tulad ng Dugo, karne ng baboy, mga masama, mga marumi at katulad nito, at ito ay ang mga bagay kung saan likas ng inaayawan ng kaluluwa ng tao. sinabi ng Allah: {Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako nakatatagpo sa anumang ikinasi ni Allāh sa akin ng isang bagay na ipinagbabawal maliban sa namatay nang walang pagkakatay o dugong dumadaloy o laman ng baboy sapagkat tunay na ito ay isang kasalaulaang ipinagbabawal o ito ay kabilang sa kinatay sa hindi pangalan ni Allāh gaya ng kinatay para sa mga anito nila. Ngunit ang sinumang napilit ng pangangailangan sa pagkain ng mga ipinagbabawal na ito dahil sa tindi ng gutom nang hindi naghahangad ng pagpapasarap sa pagkain nito, hindi lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, ay walang kasalanan sa kanya roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay Mapagpatawad sa napipilitan kahit nakakain mula sa mga ito, Maawain sa kanya."} [Al-An-'Ãm: 145].
Lahat ng transaksyon na sumasalungat sa islam; gaya ng riba (pagpapatubo), pagpupustahan at pagsusugal, panlilinlang, pagmomonopolyo, pandaraya at anumang katulad niyon na may pandaraya sa mga tao, at ang pagkain ng yaman ng tao sa hindi makatarungan na paraan. at ito ay gugustohin ng mga kaluluwa, kaya kailangan nito ang hadlang at payo, at parusa na magpigil sa kanya para hindi mahulog sa paggawa nito, sinabi ng Allah: {Tunay na ang mga kumakain ng mga yaman ng mga ulila dala ng paglabag sa katarungan ay kumakain lamang sa mga tiyan nila ng apoy at masusunog sila sa isang liyab} [An-Nisã': 10], At sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya...} [Al-Baqarah: 278-279].