Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang katayuan ng pamilya sa Islam

Aalamin natin sa aralin na ito ang kahulugan ng pamilya sa islam, at ang katayuan nito dito.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng pamilya sa Islam.
  • Pagpapaliwanag sa katayuan ng pamilya sa Islam.
  • Ang pag-alam sa Mga pundasyon ng pagbuo ng pamilya sa Islam.

Ang kahulugan ng Ummah (mamamayan - o nasyon)

Nabubuo ang Isang bansa mula sa isang grupo ng mga indibidwal na may mga karaniwang denominador; tulad ng Pinagmulan, wika at kasaysayan, at ang pinakamalaki sa lahat ng iyon ay ang relihiyon. at ang mga indibidwal na iyon nanggagaling lamang sa mga tahanan ng mag-asawa, mula sa mga asawang lalaki at mga asawang babae, At sila sa kanilang mga tungkulin ay magsisimula ng mga bagong pamilya na maglabas ng mga anak na lalaki at mga anak na babae na magpapatuloy sa prusisyon, at dahil dito ay mananatili ang bansa at magtuloy-tuloy.

Ang magandang buhay may asawa ay siyang pinagmulan sa buhay ng mamamayan o isang bansa, at mula dito ay dapat na bigyang pansin ang pinagmulan, at iyon ay ang pamilya.

Bagama't ang tao ay likas na panlipunang nilalang, Hindi siya magiging Kumportable Maliban sa pamumuhay sa isang lipunan na mag-ugnayan sa kanya sa mga miyembro nito, maliban na kailangan niyang maglaan ng ilang mga damdamin at emosyon sa ilang tukoy na mga miyembro, sila ay ang miyembro ng pamilya. at ang pamilya sa islam ay ang isang kumunidad na nabubuo mula sa lalaki at babae na pinagtagpo ng kasal sa islam, at ang anumang lalabas mula sa kanila na mga supling.

At Siniguro ng Islam ang Pag-aalaga ng entidad na ito, Simula sa paghihimok sa isang tao sa pag-aasawa, dadaan sa pangangalaga sa karapatan ng mga kabataan, magtatapos sa pag-aayos ng relasyon sa pagitan ng lahat ng miyembro ng isang pamilya. at ang pagbuo ng pamilyang ito ay siyang maliwanag na larawan sa pagkatao ng tao na naaayun sa gusto ng Allah.

Ang katayuan ng pamilya sa Islam

١
Ang pamilya sa Islam ay siyang pinakapangunahing pundasyon sa pagbuo ng maayus at balansing lipunan ng tao.
٢
Ang pamilya ay siyang maliwanag at malinis na larawan kung saan lumalabas mula dito ang mga indibidwal at nabubuo sa lilim nito ang mga ugnayan.
٣
Ang pamilya sa islam ay siyang lugar kung saan nabubuo dito ang mga uri ng maayus na mga gawaing panlipunan sa tao, at dito malalaman ang anumang kanyang mga karapatan at anumang kanyang mga ubligasyon.
٤
Ang pamilya sa Islam ay siyang nag-aalaga sa kalikasan ng ama na pagkahilig na pahabain ang kanyang lahi, kaya matutupad ang hangganan ng layunin sa pag-aalaga sa uri ng tao.
٥
At isa sa mga magpapakita sa kadakilaan ng katayuan ng pamilya sa islam ay ibinilang ito ng Allah sa kabuoan ng maraming mga biyaya na ibinigay niya sa tao, sinabi ng Allah: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan} [An-Nisã': 1].

Ang pag-aasawa sa Islam

Nagtanim ang Allah na makapangyarihan sa lahat sa bawat lalaki at babae ng likas na pagkahilig sa isa't isa, at ginawa ang pag-aasawa na lehitimong paraan para tugunan ang pagkahilig na ito, at At para sa pagpaparami ng tao at pangangalaga sa uri nito, at ipinanghihikayat ng islam sa Banal na Qur'ãn at Sunnah ng Sugo ﷺ ang pag-aasawa.

Ang pagbuo ng islam na pamilya ay nakabatay sa dalawang pangunahing haligi (o pundasyon)

Ang sikolohikal na suporta

At napapaloob dito ang sikolohikal na kapanatagan, pagmamahal at awa na naitala sa sinabi ng Allah: {Kabilang sa mga tanda Niya ay na lumikha Siya para sa inyo, mula sa mga sarili ninyo, ng mga kabiyak upang mapanatag kayo sa kanila at naglagay Siya sa pagitan ninyo ng pagmamahal at awa. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip} [Ar-Rõm: 21].

Ang materyal na suporta

At Binubuo ito ng pagtupad sa mga kundisyon ng kasal, at sa pagsunot ng bawat isa sa mag-asawa sa mga ubligasayon nito; sa gastos, pag-aalaga, at pagtaguyod sa mga bagay sa bahay at ikabubuti ng mga bata.

Ang islam ay hinihimok ang dalawang mag-asawa sa pagsisikap sa pagbuo na ito, at sa pangangalaga nito; upang hindi gumuho at magkawatak-watak ang mga miyembro nito na sumisilong sa lilim nito, at dahil dyan ay ipinanghihikayat niya ang pagpapasesnsya, at pagpapatuloy sa ugnayan ng mag-asawa kahit na nawala pa ang pagmamahal sa pagintan ng dalawa.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit