Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Mga regulasyon ng ugnayan sa pagitan ng mga kasarian
Pinangangasiwaan ng islamikong batas ang pag-aayos ng mga gawain ng mga tao sa iba't ibang mga larangan, at isa na doon ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae, at Ang Allah nakataas-taasan ay nilikha ang lalaki at babae na likas na magkagusto sa isa't isa, at ang resulta ng pagkagusto na iyon ay magiging kapuri-puri sa pamamagitan ng lehitimong Kasal (sa islam), at ang maliban pa doon ay magiging dahilan ng kasamaan at fitnah na isa sa pinaka matinding fitnah, sinabi ng Sugo ﷺ: "Walang naiwan pagkatapos ko na fitnah na higit na nakakapinsala (maliban) sa mga lalaki at mga babae" (Al-Bukharie 5096, at Muslim 2741).
Ang pinaka mapanganib na maaaring hahantong dito ang ugnayan sa pagitan ng lalaki at babae ay ang pagkahulog sa zina (pangangalunya), at ang dalisay na relihiyon ay hindi lamang niya ipinagbabawal ang kahalayan na ito, bagkus pinaiiwasan niya kahit ang paglapit lang dito, at anumang pagmumulan nito, at anumang gawain na maaaring hahantong dito. sinabi ng Allah: {} [Al-Isrã': 32], at sinabi ng Propeta ﷺ: "Ang pangangalunya ng mga mata ay ang pagtingin, at ang pangangalunya ng mga tainga ay ang pakikinig, at pangangalunya ng dila ay ang pagsasalita, at ang kamay ang nangangalunya sa pamamagitan ng pang-aapi, at ang mga paa ay nangangalunya sa pamamagitan ng paghakbang, at Ang puso ay nagnanais at umaasa. at totohanin ito ng ari at pasinungalingan", (Al-Bukharie 6243, at Muslim 2657).
Bilang Pagsisikap ng dalisay na relihiyon (Islam) na hindi mahulog sa anumang paglihis o kamalian na maaaring humantong sa malubhang kahihinatnan, Naglagay ito ng maraming regulasyon sa pakikisalamuha o pakikitungo ng mga lalaki sa mga babae kung kinakailangan; tulad ng pagtitinda at pagbili at iba pang mga pinahihintulutang transaksyon, o sa anumang tawag ng papangailangan; tulad ng pagpagamot ng babae sa doctor na lalaki kung walang doctor na babae, at isa sa mga regulasyon na ito:
Ang pagbaba ng paningin
Sinabi ng Allah: {Sabihin mo sa mga lalaking mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila at mangalaga sila sa mga ari nila. Iyon ay higit na dalisay para sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagbatid sa anumang niyayari nila, at Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, at mangalaga sila sa mga ari nila} [An-Nõr: 30-31].
Ang pag-iwas ng paghawak o pakikipagkamay
Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- na sinabi niya bilang paglalarawan sa panunumpa ng mga babae ng katapatan sa Sugo ﷺ: "wala sumpaman sa Allah hindi kailanman nakahawak ang kamay ng Sugo ng Allah ﷺ nang kamay ng babae", (Al-Bukharie 5288, at Muslim 1866), at isinalaysay ni Ma'aqal bin yasãr -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Ang itusok sa ulo ng isa sa inyo ang isang karayom na bakal, ay mas mainam para sa kanya kaysa sa humak siya ng babaeng hindi pinahihintulutan sa kanya", (At-Tabarãnie sa Al-kabeer 486, at bineripika ito ni Al-Albãnie).
Ang ganap na pag-iwas sa pag-iisa (o pagsosolo kasama ang isang babae)
Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Huwag isama mag-isa ng lalaki ang isang babae maliban na kasama niya ang kanyang mahram (ama, kapatid na lalaki at iba pa na hindi pwedeng mapangasawa ng babae)", (Al-Bukharie 5233, at Muslim 1341), at sinabi niya ﷺ: "huwag isama mag-isa ng isa sa inyo ang isang babae, dahil si satanas ang ikalo nila", (Ahmad 115), ang pagsosolo kasama ang isang babae ay isang dahilan ng malaking kasamaan na sinasamantala ni satanas upang itulak ang lalaki at babae sa mga ipinagbabawal ng Allah.
May mga regulasyon na partikular sa babaeng muslim, ubligado sa kanya ang pagsunod nito kung kailangan niyang makipagtransaksyon sa mga lalaki.
Dapat na sundin ng babaeng muslim ang mga regulasyon ng kasuotan sa islam, Una bilang pagsunod sa utos ng Allah, sunod ay upang mapilitan ang mga lalaki na sa paggalang sa kanya at hindi siya mapinsala; sa pamamagitan ng gawa, salita o pagtitig, sinabi ng Allah: {Sabihin mo sa mga babaeng mananampalataya na magbaba sila ng mga paningin nila, mangalaga sila sa mga ari nila, huwag silang maglantad ng gayak nila maliban sa nakalitaw na mula rito, magpaabot sila ng mga belo nila sa mga dibdib nila} [An-Nõr: 31], at sinabi ng Allah: {O Propeta, sabihin mo sa mga maybahay mo, mga babaeng anak mo, at mga kababaihan ng mga mananampalataya na maglugay sila sa ibabaw nila mula sa bahagi ng mga balabal nila. Iyon ay higit na angkop na makilala sila para hindi sila pinsalain. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain} [Al-Ahzãb: 59].
Ang pag-iwas sa pagpapabango sa harap ng kalalakihan
Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Sinumang babae ang nagpabango at dumaan sa mga tao upang malanghap nila ang amoy nito, siya sa gayon ay (katulad ng) nangangalunya" (An-Nasa-e 5126).
Ang pagsasalita ng seryoso at hindi malambing na pananalita
Sinabi ng Allah: {O mga maybahay ng Propeta, hindi kayo gaya ng isa sa mga babae. Kung nangilag kayong magkasala ay huwag kayong magmalambot sa pagsasalita sapagkat baka magmithi ng pagpapaimbabaw at pagnanasa sa ipinagbabawal, [bagkus] magsabi kayo ng isang pananalitang nakabubuti} [Al-Ahzãb: 32].
Ang disente at mahinhin na paglalakad
Sinabi ng Allah tungkol sa anak na babae ni Shu'aib nong dumating siya kay musa (moises) -sumakanya ang kapayapaan- upang iparating ang mensahe ng kanyang ama: {Kaya dumating sa kanya ang isa sa dalawang babae, na naglalakad sa pagkahiya} [Al-Qasas: 25], at sinabi ng Allah bilang pangungusap sa kababaihan: {At Huwag silang magpadyak ng mga paa nila upang malaman ang ikinukubli nila mula sa gayak nila} An-Nõr: 31].