Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Mga karapatan ng mag-asawa
Binigyan ng Islam ang bawat isa sa mag-asawa ng maraming mga karapatan na naaangkop sa mga ubligasyon na ipinagkatiwala sa kanya, at upang maipatupad ng bawat isa sa mag-asawa ang mga ubligasyong ito, at hindi maipagkait na bawat isa sa kanila ang karapatan ng kanyang kasama, Inaayos ng islam ang relasyon sa pagitan nila, at inaalagaan sa kanila ang kanilang dangal. at magtatatag ng isang matagumpay na pamilya, na may kakayahang makamit ang layunin na kung saan ay nilikha ng Allah alang-alang dito si Ãdam at ang kanyang mga supling.
Mga karapatan ng lalaki sa kanyang asawa
Na Sumunod siya sa pamamahala ng lalaki sa pamilya
Sinabi ng Allah: {Ang mga lalaki ay mga tagapagpanatili ng mga babae dahil nagtangi si Allāh sa iba sa kanila higit sa iba at dahil gumugol sila mula sa mga yaman nila} [An-Nisã': 34]. at napapaloob nito na dapat sa sa lalaki na gawin ang pamamahala sa magandang paraan, nang walang pagmamataas at paniniil, at ubligasyon ng babae na sundin siya sa mabuti, kaya hindi niya dapat agawin ang katayuan na ibinigay ng Allah sa kanya (lalaki) sa kanyang pagiging patas at karunungan.
Na protektahan niya ang kanyang pera o kayamanan at huwag siyang magpabaya dito
Kaya hindi niya gagastusin ang kanyang pera maliban na ipahintulot niya ito, ngunit kung nagkukulang siya sa paggastos sa bahay na may kakayahan din siya dito, ay may karapatan ang babae na kumuha mula sa kanyang pera ng anuman sasapat sa kanya at sa kanilang mga anak nang walang pahintulot, nang walang pagmamalabis o pagsasayang.
Na Pangalagaan niya siya sa kanyang kawalan (kahit wala sa bahay ang asawa ay pangalagaan niya ang kanyang puri)
Kaya hindi siya papayag na may lalaking pumasok sa kanyang bahay na hindi niya mahram kung wala ang kanyang asawa sa bahay, walang pagkakaiba dito ang kaanak ng babae at kaanak ng lalaki at iba pa.
Na pangalagaan niya siya sa kanyang mga anak
Kaya tutulongan niya ang kanyang asawa sa kanyang tungkulin na magandang pagpapalaki sa mga bata, lalo na sa mga unang taon pa lang ng kanilang mga edad; dahil ang mga bata ay madalas na namumuhay kasama siya, at mas marami silang matututunan sa mula sa kanya kaysa sa ama.
Na itataguyod niya ang mga gawaing bahay at mga bata
Sa pamamahala nito at pagsasaayus sa lahat ng mga gawain nito, at gagawin niya ang lahat ng kaya niyang gawain sa bahay.
Mga karapatan ng babae sa kanyang Asawa
Ang Mah'r (Dowry) o dote
At ito ay karapatan ng asawang babae, ibibigay ito sa kanya ng lalaki bilang tungkuling regalo; upang mapalapit ang kanyang puso, at ipadama sa kanya ang kanyang pagmamahal at pagkagusto sa kanya. Sinabi ng Allah: {Magbigay kayo sa mga babae ng mga bigay-kaya sa kanila bilang tungkuling regalo} {An-Nisã':4].
Ang paggastos sa asawang babae, bahay at pamilya (mga anak)
At yaon ay sa lahat ng anumang kakailanganin nila; Sa pagkain, inumin, damit at tirahan, sa naaangkop sa kanilang kalagayan, at sa abot ng kanyang kakayahan kapasidad, nang walang pagmamalabis at hindi rin titinitipid, sinabi ng Allah: {Gumugol ang may kaluwagan mula sa kaluwagan niya. Ang sinumang pinakapos ang panustos sa kanya ay gumugol siya mula sa ibinigay sa kanya ni Allāh. Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa ibinigay Niya rito. Gagawa si Allāh, matapos ng isang hirap, ng isang ginhawa} [At-Talãq: 7].
Ang pagsasama sa kabutihan (magandang pakikisama)
Ibig sabihin ay dapat maging maganda ang ugali, mabait ang pakikisama sa kanya sa salita at gawa, hindi bastos at mabagsik, at na magtimpi siya sa kanyang asawa, at hindi niya dapat suklian ang lahat ng alitan sa pag-iwan o pagkasuklam, sinabi ng Allah: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan} [An-Nisã': 19], at sinabi ng Propeta ﷺ: "huwag pagalitan ng isang lalaking mu'min ang isang babaeng mu'min (ibig sabihin ay ang mag-asawang mga muslim), kung kinamumuhian niya sa kanya ang isang ugali, ay magugustuhan naman niya ang iba pa" (Muslim 1469),