Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga binebenta
Ang kahulugan ng pagbenta
Ang pagbenta sa wika (ng arabik): pagpapalitan ng isang bagay sa isa pang bagay. at sa Istilah (kahulugan ng pagbenta sa islam): Pagpapalitan ng pera o pag-aari sa pera o pag-aari para sa pag-angkin at pagmamay-ari.
Ang hatol o alituntunin ng pagbebenta
Ang pagbebenta ay pinahihintulutan na kasunduan; sa Qur'ãn, Sunnah at napagkasunduan ng mga iskolar, sinabi ng Allah: {...Nagpahintulot si Allāh ng pagtitinda...} [Al-Baqarah: 275].
Ang layunin sa pagpapahintulot sa pagbebenta
1- Ang tao ay nangangailangan ng anumang pag-aari ng iba; mula sa pagkain, inumin, damit, tirahan at iba pa, at ang nagmamay-ari ng mga bagay na ito ay hindi niya iyon ipamimigay ng walang bayad, at sa pagbebenta ay isang paraan upang makamit ng bawat isa ang anumang gusto niya; ang makukuha ng nagbebenta ay ang halaga na paninda, at ang makukuha ng bumili ay ang paninda.
2- Pananatili ng buhay ng mga tao sa pinakamahusay na aspeto; dahil ang tao ay maaaring hindi niya makukuha ang kanyang kailangan maliban sa pagbili nito.
3- Pagpigil sa pagnanakaw. pang-aagaw at pandaraya at iba pa na maaaring makapinsala sa lipunan; dahil pwedeng makuha ng tao ang kanyang kailangan sa pamamagitan ng pagbili nito.