Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang malaking Hadath (ritwal na karumihan) at ang pagligo
Ang mga bagay na nagpapa-obliga ng pagligo
At ito ay ang mga bagay na kapag nangyari ito sa isang Muslim, ubligado sa kanya ang maligo bago magsagawa ng Salah (pagdarasal) at Tawaf (pag-ikot sa palibot ng Ka`bah), at siya ay inilarawan bago siya maligo, na siya ay nagkaroon ng malaking Hadath (ritwal na karumihan).
1. Ang paglabas ng semilya
Ang paglabas ng semilya nang bulwak sa pamamagitan ng pagsasaya sa anumang paraan ito, at sa lahat ng kalagayan, gising o tulog. At ang semilya: Ito ay ang makapal na puting likido na lumalabas sa sandaling tumaas ang pagnanasa at kasiyahan.
2. Ang pakikipagtalik
At ang tinutukoy na pagtatalik: ay ang pagpasok ng ari ng lalaki sa ari ng babae, at kahit walang lumabas at bumulwak na semilya, bagkus sapat na para maging obligado ang pagligo ang pagpasok ng ulo ng ari ng lalaki. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {At kung kayo ay nasa kalagayan ng Junub (pakikipagtalik), magkagayon kailangang ninyong maglinis}. (Al-Maidah: 06).
3. Ang paglabas ng dugo ng babaeng dinatnan ng regla at bagong panganak
At ang Hayd (regla): Ito ay ang normal na dugo na lumalabas sa isang babae buwan-buwan, at ito ay tumatagal ng pitong araw, nadadagdagan o nababawasan ayon sa pagkakaiba ng kalikasan ng mga babae. At ang Nifas (bagong panganak): Ito ay ang dugong lumalabas mula sa isang babae dahil sa kanyang panganganak at tumatagal ito ng ilang araw.
Pinapagaan ang hatol sa babaeng nagreregla at bagong panganak habang nasa panahon ng paglabas ng dugo, kaya hindi ubligado para sa kanila ang pagdarasal at pag-aayuno, subali't babayaran niya ang pag-aayuno at hindi niya babayaran ang pagdarasal pagkatapos ng kanyang kalinisan.
Ang pakikipagtalik sa babaeng nagreregla at bagong panganak
Hindi pinahihintulutan sa mga lalaki na makipagtalik sa kanilang mga asawa sa panahong ng regla at bagong panganak, nguni't pinahihintulutan na magsaya nang mas mababa kaysa sa pakikipagtalik, at kailangan nilang magsagawa ng Ghusl (paligo) sa oras na huminto na ang dugo. Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya't iwasan ninyo ang mga kababaihan sa pagreregla, at huwag kayong lumapit sa kanila hanggang sa sila ay ganap na nakapaglilinis, at kapag sila ay nakapaglinis na, sa gayon makipagtalik kayo sa kanila ayon sa kung ano ang ipinag-utos sa inyo ng Allah}. (Al-Baqarah: 222). At ang kahulugan ng nakapaglinis ay ibig sabihin: Kapag sila ay naligo na.
Sapat na para sa isang Muslim na hangarin ang paglilinis at hugasan niya ang kanyang buong katawan gamit ang tubig.
Nguni't ang pinakaganap pagligo, ay maligo ng tulad ng pagligo ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, kaya kapag nais niyang maligo mula sa Janabah, hinuhugasan niya ang kanyang dalawang kamay, pagkatapos ay hinuhugasan niya ang kanyang ari at ang mga narumihan ng Janabah, pagkatapos ay magsagawa siya ng Wudu' na kumpleto, pagkatapos ay hinuhugasan niya ang kanyang ulo ng tubig ng tatlong beses, pagkatapos ay hugasan niya ang natitirang bahagi ng kanyang katawan
Kapag naligo ang isang Muslim mula sa Janabah (pakikipagtalik), samakatuwid iyon ay sapat na para sa kanya sa Wudu', at hindi na niya kailangang magsagawa pa ng Wudu' kasama ng Ghusl (paligo), nguni't ang mas mainam ay ang pagligo na kasama ang Wudu', tulad ng Sunnah ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.