Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga partikular na kalagayan sa paglilinis

Isinabatas ng Islam ang pagpahid sa mga khuff (medyas na gawa sa balat) at mga medyas (na gawa sa tela) at sa sapin ng sugat, at isinabatas din ang pagtayammum sa mga partikolar na kalagayan; para sa pagpapadali at pagpapagaan sa mga may pananagutan. malalaman mo sa aralin na ito ang mga alituntunin ng pagpahid sa mga khuf (medyas na gawa sa balat) at mga medyas (na gawa sa tela) at sa sapin ng sugat, at malalaman mo ang pagtayammum at paraan nito.

  • Pag-alam sa mga kalagayan ng pagpahid sa mga khuff at mga medyas.
  • Pag-alam sa mga alituntunin ng pagpahid sa mga sapin ng sugat.
  • Ang pag-alam sa pagsasagawa ng Tayammum (paglilinis gamit ang buhangin), at pamamaraan nito.
  • Ang pagpahid sa mga khuff (medyas na gawa sa balat) at mga medyas.

    Kabilang sa pagpapaumanhin ng Islam, na ang isang Muslim ay maaaring magpahid gamit ang kanyang dalawang kamay na basa ng tubig sa ibabaw ng kanyang medyas o sapatos na nakatakip sa kabuuan ng paa sa halip na hugasan ang kanyang mga paa sa pagsasagawa ng Wudu'. at iyon ay may mga kondisyon.

    Kailan iniuutos ang pagpahid sa mga Khuff (medyas na gawa sa balat)?

    Iniuutos ang pagpahid sa mga Khuff (suot sa paa) at sa mga medyas sa pagsasagawa ng Wudu' kapag isinuot ang mga ito ng isang Muslim na nasa ganap na kalinisan mula sa dalawang hadath (ritwal na karumihan) ang malaki at ang maliit.

    Ang takdang panahon ng pagpahid sa mga khuff at mga medyas

    Isang araw at isang gabi (24 oras) para sa isang residente – hindi naglalakbay
    Tatlong araw at gabi (72 oras) para sa manlalakbay

    Tinatanggap ang pagpahid sa mga Khuff (suot sa paa na gawa sa balat) sa pagsasagawa ng Wudu', nguni't sa Ghusl (pagligo) mula sa Janabah (pakikipagtalik), ang dalawang paa ay dapat hugasan sa anumang kalagayan.

    Mag-uumpisa ang pagkalkula sa oras ng pagpahid sa mga Khuff (suot sa paa) at mga medyas simula sa unang pagpahid pagkatapos masira ng wudu

    Ang pagpahid sa bendahe

    At bendahe (sapin sa sugat) ito ay ang anumang inilalagay sa mga bahagi ng katawan kapag nagtamo ng isang bali o sugat upang makatulong sa pagbilis ng paggaling at maibsan ang mga sakit.

    Pinahihintulutan ang pagpahid ng basang kamay sa isang bendahe kung kinakailangan ito, maging ito man ay para sa Wudu' (paghuhugas) o sa Ghusl (pagligo) mula sa Janabah (pakikipagtalik).

    Paano magpunas sa bendahe?

    Kailangan niyang hugasan ang anumang lumalabas sa bahagi na binendahan at pupunasan niya gamit ang kanyang kamay na basa ng tubig ang anumang natatakpan dito ng bendahe.

    Ang takdang panahon ng pagpahid sa bendahe

    Mananatili siya sa pagpahid ng bendahe, kahit na tumagal ang panahon, hanggang kailangan niya ito, at dapat niyang tanggalin ang bendahe at hugasan ang bahagi kung kailan natapos na ang pangangailangan.

    Ang Tayammum (pagwudu gamit ang buhangin)

    Kapag hindi kaya ng isang Muslim na gumamit ng tubig para sa Wudu' (paghuhugas) o sa Ghusl (pagligo) dahil sa karamdaman o kawalan ng tubig, o walang mahanap na tubig kundi sapat lamang para sa pag-inom: Kung gayon itinalaga para sa kanya ang magsagawa ng Tayammum (paglilinis) gamit ang buhangin hanggang sa siya ay makahanap ng tubig at makayanan niyang gamitin ito.

    Ang pamamaraan sa pagsasagawa ng Tayammum (pagwudu gamit ang buhangin)

    Itatapik ng isang Muslim ang kanyang dalawang kamay sa lupa ng isang tapik.

    Ipapahid niya ang anumang nakadikit na buhangin sa kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.

    Pahiran niya ang likod ng kanyang kanang kamay gamit ang kaliwang kamay at ang kasalungat.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit