Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga Sunnah (kaaya-aya) sa kalikasan (ng tao)
Ang mga sunnah (kaaya-aya) ng kalikasan
Ito ay ang mga katangian na nilikha ng Allah sa mga tao, na kung saan ay nakukumpleto nito ang isang Muslim sa pamamagitan ng paggawa nito, kung kaya't siya ay nagkakaroon ng pinakamahusay na mga katangian at pinakamagandang mga anyo, dahil ang Islam ay pinangangalagaan ang estetika at komplementaryong mga aspeto ng isang Muslim upang matipon sa kanya ang kawastuhan ng panlabas at panloob.
Sinabi niya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ang kalikasan ay lima: Ang pagtutuli, pag-ahit sa ari, paggupit ng bigote, pagputol ng mga kuko, at pagbunot ng mga (balahibo sa) kilikili." (Al-Bukhari: 5891 – Muslim: 257). at sinabi niya ﷺ: "sampu mula sa kalikasan: pag-ahit ng bigote, pabayaan ang balbas (huwag putolin), pagsiwak (sipilyo), pagsinghot ng tubig (pagkatapos ay isinga), pagputol ng mga kuko, paghugas sa mga barajim (mga buko ng mga daliri sa kamay at paa), pagbunot ng buhok sa kilikili, pag-ahit sa buhok sa ari, at paghugas ng tubig sa maselang bahagi" [sinabi ng nag-ulat]: at nakalimutan ko ang ikasampu maliban sa ito ay ang pagmug-mug ng tubig. (Muslim 261).
Ang pagtutuli
Ito ay ang pagtanggal ng balat sa unahan ng ari ng lalaki (ang foreskin), at ito sa kadalasan ay ginagawa sa mga unang araw ng panganganak. At ito ay kabilang sa tiyak na mga mabubuting gawain at mga kaaya-ayang kalikasan para sa mga lalaki, at mayroon itong maraming benepisyo sa kalusugan.
Ang pag-ahit sa ari
At ito ay ang pagtanggal sa magaspang na buhok sa maselang bahagi sa pamamagitan ng pag-ahit nito o sa anumang iba pang paraan.
Pagputol ng bigote
At ang pagpapanatili ng bigote ay kabilang sa mga pinahihintulutan at hindi kanais-nais, nguni't kung ang isang Muslim ay pinanatili ito, dapat sa kanya na huwag pahabain ito sa labis na paraan at pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagputol at pagpapaikli.
Pagpapakapal ng balbas at pabayaan ito (ibig sabihin ay huwag ahitin)
Ipinanghihikayat ng Islam na pabayaan ang balbas, at ito ay ang buhok na tumutubo sa magkabilang pisngi at baba. At ang kahulugan ng pabayaan ito ay panatiliin ito at huwag ahitin, bilang pagsunod sa Sunnah (tradisyon) ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.
Ang Siwak (O sipilyo)
Ang ibig sabihin ay ang paggamit ng ugat ng arãk (ito ay parang halaman din) O bukod dito sa paglilinis ng mga ngipin, at ito ay isa sa mga kanais-nais.
Pagputol ng mga kuko
Nararapat sa Muslim na palagi niyang putolan ang kanyang mga kuko upang hindi maging lugar ng mga dumi at mga masasamang amoy.
Pagbunot ng (mga buhok sa) kilikili
At dapat sa Muslim na alisin ang buhok ng kilikili sa pamamagitan ng pagbunot nito O anumang ibang puweding makaalis niyaon, Upang matiyak na ang isang hindi kanais-nais na amoy ay hindi lalabas mula dito.
Paghugas ng barãjim (ang mga buko ng mga daliri sa kamay at paa)
Ang Barãjim ay ang mga buko at mga kasukasuan ng mga daliri, at ang paghuhugas ng mga ito ay kanais-nais.
Ang paghuhugas ng tubig (sa maselang bahagi ng katawan), pagmumog at pagsinghot ng tubig:
Ang paghuhugas ng tubig ay ang paglilinis sa maselang bahagi ng katawan. at nauna na ang pagpapaliwanag sa tatlong ito sa aralin na Mga kaugalian sa paghuhugas sa maselang bagahi at pagdumi, at sa aralin ng Wudu.