Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang kahulugan ng Surah Al-Fatihah
Ang pagbigkas sa Surah Al-Fatihah ay isa sa mga pinakamahalagang mga haligi ng Salah na hindi magaganap ang Salah maliban sa pamamagitan nito
Pinupuri ko ang Allah sa lahat ng Kanyang mga Katangian at mga Gawa, at sa Kanyang mga biyaya na nakikita at nakalingid, nang may pagmamahal at pagdakila sa Kanya. At ang Rabb (Panginoon) ay ang Tagapaglikha, ang Nagmamay-ari, ang May Kalayaan sa paggawa, at ang Tagapagkaloob ng biyaya. At ang 'ãlamin (mga daigdig) ito ay ang lahat maliban sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, mula sa mga daigdig ng mga tao, mga jinn, mga anghel, mga hayop, at iba pa.
Dalawang pangalan mula sa mga Pangalan ng Allah, kaya ang Al-Rahman ay nangangahulugan ng may pangkalahatang habag na sumaklaw sa lahat ng bagay, at ang Al-Raheem ay Kanyang awa na umaabot sa kanyang mga lingkod na mananampalataya.
Ibig sabihin, ang Nagmamay-ari, ang May layang gumawa sa Araw ng paggantimpala at pagtutuos, at iyon ay may pagpapaalala sa isang Muslim sa Huling Araw at paghihimok sa kanya sa matuwid na gawa.
Kami ay nakatutok lamang sa Iyo, O aming Panginoon, sa pagsamba, hindi kami nagtatambal sa Iyo ng iba pa sa anumang mga uri ng pagsamba, at kami ay humihingi ng tulong mula sa Iyo lamang sa lahat ng aming mga gawain, sapagka't ang lahat ng bagay ay nasa Iyong kamay, walang sinumang nagtataglay nito kahit kasing bigat ng isang atom.
Akayin Mo kami, gabayan Mo kami, at patnubayan Mo kami sa daan na matuwid, at patatagin Mo kami dito hanggang sa makatagpo Ka namin. At ang landas na matuwid ay ang malinaw na relihiyon ng Islam na humahantong sa Kaluguran ng Allah at sa Kanyang Paraiso, na siyang ipinahiwatig ng sagka ng mga propeta at mga sugo, si Muhammad ﷺ, at walang paraan sa kaligayahan ng isang alipin maliban sa pagiging matuwid dito.
Ibig sabihin, ang landas ng sinumang biniyayaan Mo ng patnubay at katatagan mula sa mga propeta at matutuwid na nakaalam ng katotohanan at sumunod dito. At ilayo Mo kami at iligtas Mo kami mula sa landas ng Iyong mga kinagalitan sila at Iyong kinasusuklaman, dahil alam nila ang katotohanan at hindi sila gumawa ayon dito, at ilayo Mo kami mula sa landas ng mga naliligaw, at sila yaong mga hindi napatnubayan sa katotohanan dahil sa kanilang kamangmangan.