Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang pag-aayuno sa Ramadan
Ipinag-utos ng Allah sa mga Muslim na mag-ayuno ng isang buwan sa isang taon, na siyang pinagpalang buwan ng Ramadan, at ginawa itong ikaapat na haligi sa mga haligi ng Islam at ang mga dakilang gusali nito. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {O kayong mga naniwala, ipinag-utos sa inyo ang pag-aayuno, tulad ng pagka-utos sa mga yaong nauna sa inyo, baka sakaling magkaroon kayo ng takot}. (Al-Baqarah: 183).
Ang kahulugan ng pag-aayuno sa Islam: Ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil at pag-iwas sa pagkain, pag-inom, at pakikipagtalik, at iba pang mga bagay na nakasisira (sa pag-aayuno) mula sa pagsikat ng tunay na Fajr (bukang-liwayway) - na siyang oras ng pagtawag sa pagdarasal sa Fajr (pagdarasal sa madaling araw) - hanggang sa paglubog ng araw - na siyang oras ng pagtawag sa Maghrib (pagdarasal sa paglubog ng araw). -
Ang kabutihan ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan
Ang buwan ng Ramadan ay ang ikasiyam na buwan ng mga buwang lunar sa Islamikong kalendaryo, at ito ang pinakamabuting buwan ng taon. itinangi ito ng Allah sa maraming kabutihan kaysa sa iba pang mga buwan, at kabilang sa mga kabutihang iyon ay ang:
Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Ang buwan ng Ramadan kung saan ibinaba dito ang Qur’an, bilang patnubay para sa mga tao at malinaw na mga patunay ng patnubay at pamantayan, kaya sinuman ang nakasaksi sa inyo ng buwan ay kailangang pag-ayunuhan niya ito}. (Al-Baqarah: 185).
Sinabi niya ﷺ: "Kapag pumasok ang Ramadan, binuksan ang mga pintuan ng Paraiso, at isinara ang mga pintuan ng Impiyerno, at ikinadena ang mga demonyo." (Al-Bukhari: 3103 – Muslim: 1079). Sa katunayan, inihanda ito ng Allah para sa kanyang mga alipin na harapin siya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga gawaing pagsunod at pagtalikod sa mga kasamaan.
Sinabi ng Propeta ﷺ: "Sinuman ang nag-ayuno sa Ramadan nang may pananampalataya at pag-asa ng gantimpala, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan." (Al-Bukhari: 2104 – Muslim: 760). At sinabi pa niya: "Sinuman ang nagtataguyod sa Ramadan nang may pananampalataya at pag-asa ng gantimpala, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan." (Al-Bukhari: 2009 – Muslim: 759).
Ang Gabi kung saan ay ipinabatid ng Allah sa Kanyang Aklat na ang isang mabuting gawa dito ay higit na mabuti kaysa sa gawa sa loob ng sanlibong buwan, sinabi ng (Allah na) kataas-taasan: {Ang Gabi ng Pagpapasya ay higit na mainam kaysa sa isang libong buwan}. (Al-Qadr: 03). at ito ay isang gabi na hindi natukoy (kung anong saktong petsa nito) mula sa mga gabi ng huling sampung araw ng ramadhan, sinuman ang nagtaguyod nito nang may pananampalataya at pag-asa ng gantimpala, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan.
Ang kabutihan ng pag-aayuno
Ang pag-aayuno ay may maraming mga kabutihan na nabanggit sa relihiyong islam, kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Kapatawaran ng mga kasalanan
Sinuman ang nag-ayuno sa Ramadan bilang paniniwala sa Allah at sa pagpapatupad ng Kanyang mga utos, at pagpapatunay sa mga nabanggit tungkol sa kabutihan nito, nang may pag-asa sa gantimpala doon sa Allah, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan, tulad ng sinabi niya ﷺ: "Sinuman ang nag-ayuno sa Ramadan nang may pananampalataya at pag-asa ng gantimpala, patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang kasalanan." (Al-Bukhari: 2104 – Muslim: 760).
Tulad ng sinabi niya ﷺ: "Ang taong nag-aayuno ay may dalawang kagalakan: Isang kagalakan sa oras ng kanyang pagkain, at isang kagalakan sa oras na makaharap niya ang kanyang Panginoon." (Al-Bukhari: 1904 – Muslim: 1151).
3. Na may isang pintuan sa Paraiso na tinatawag itong Al-Rayyan, walang nakakapasok dito maliban sa mga nag-aayuno lamang
Sinabi niya ﷺ: "Katotohanan, sa Paraiso ay may isang pintuan na tinatawag itong Al-Rayyan, papasok dito ang mga nag-aayuno sa Araw ng Muling Pagbabangon, at walang sinuman ang papasok doon bukod sa kanila, sasabihin: Nasaan ang mga nag-aayuno? At sila ay magsisipagtayo, walang sinuman ang papasok doon bukod sa kanila, at kapag nakapasok na sila ay isasara ito, kaya walang sinuman ang makapasok dito." (Al-Bukhari: 1896 – Muslim: 1152).
4. Na iniugnay ng Allah ang gantimpala ng pag-aayuno at ang kabayaran para dito sa Kanya, Luwalhati sa Kanya
At sinuman ang kanyang kabayaran at gantimpala ay nasa pananagutan ng Isang Mapagbigay, Dakila, Mapagkaloob, Maawain, hayaang bigyan siya ng mabuting balita tungkol sa kung ano ang inihanda ng Allah para sa kanya. Siya ﷺ, ay nagsabi sa Hadith Qudsi na kanyang isinasalaysay mula sa kanyang Panginoon: "Ang bawa't gawa ng anak ni Adam ay para sa kanya maliban sa pag-aayuno, sapagka't ito ay para sa Akin at Ako ang gagantimpala nito." (Al-Bukhari: 1904 – Muslim: 1151).
Ang layunin sa pag-aayuno
Ipinag-utos ng Allah ang pag-aayuno para sa maraming mga layunin at sa iba't ibang mga pangkat sa relihiyon at mundo. At kabilang na doon ang:
At iyon ay dahil sa ang pag-aayuno ay isang gawain ng pagsamba kung saan ang alipin ay naglalapit sa kanyang Panginoon sa pamamagitan ng pagtalikod sa kanyang mga minamahal at pagsupil sa kanyang mga pagnanasa sa pinahihintulutang bagay. bilang pagsunod sa kautusan ng kanyang panginoon at pag-iwas sa mga ipinagbabawal niya.
Sapagka't ang pagpigil ng isang nag-aayuno sa mga bagay na pinahihintulutan bilang pagpapatupad sa utos ng Allah na Kataas-taasan, ay ginagawa siyang higit na may kakayahan sa pagpigil sa kanyang mga pagnanasa mula sa mga pagsuway at kasalanan.
At iyon ay dahil sa ang pag-aayuno ay mayroong pagsasanay dito na madama ang paghihirap dahil sa kawalan at gutom, at pag-alala sa mga mahihirap na nagdurusa sa kawalan sa kanilang buhay, kaya maaalala ng isang alipin ang kanyang mga kapatid na mahihirap at kung paano sila nagdurusa sa dalawang bagay ang labis na gutom at uhaw, kaya't magsisikap siya sa pagbibigay ng tulong at suporta sa kanila.