Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang paniniwala sa mga Anghel
Ang kahulugan ng paniniwala sa mga Anghel:
Ang matatag na paniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel, at ang mga ito ay isang metapisiko na mundo kaiba sa mundo ng mga tao at mundo ng mga jinn, at sila ay mararangal at maka-Diyos. Sinasamba nila ang Allah ng tunay na pagsamba, at itinataguyod nila ang pagpapatupad sa anumang iniuutos Niya sa kanila, at hindi nila kailanman sinusuway ang Allah, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Bagkus, sila ay mga lingkod na mararangal, sila ay hindi makapangunguna sa Kanya sa salita, at gumagawa sila ayon sa Kanyang pag-uutos}. (Al-Anbiya': 26-27)
Ang kahalagahan ng paniniwala sa mga anghel
Ang paniniwala sa mga anghel ay isa sa mga Haligi ng anim na paniniwala. Sinabi ng Kataas-taasan: {Naniwala ang Sugo sa anumang ibinaba sa kanya mula sa kanyang Panginoon at gayundin ang mga mananampalataya, lahat ay naniwala sa Allah, sa mga anghel, sa mga kasulatan at mga sugo}. (Al-Baqarah: 285). At nagsabi siya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - tungkol sa paniniwala: "Na ikaw ay maniwala sa Allah, sa mga anghel, sa mga kasulatan, sa mga sugo at sa huling araw, at maniwala ka sa tadhana, ang mabuti nito at masama." (Muslim: 08)
At ang paniniwala sa mga anghel ay isinasatungkulin sa bawat Muslim at sinuman ang nagtakwil nito, samakatuwid siya ay tunay na naliligaw at nalilihis. Sinabi ng Kataas-taasan: {At sinuman ang nagtatakwil sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Kasulatan, sa Kanyang mga Sugo at sa huling araw, sa katunayan siya ay naligaw ng pagkalayo-layong pagkaligaw}. An-Nisa': 136). Samakatuwid binansagan Niya ng kawalan ng pananampalataya ang sinumang nagtatwa ng mga Haliging ito.
Ipinabatid niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - na ang langit ay natigib ng sinumang naroroon, kaya walang isang pulgada na lugar dito malibang mayroon isang anghel na nakatayo, nakayuko o nakapatirapa.
Ano ang napaloloob sa paniniwala sa mga anghel?
Ilan sa mga katangian ng mga anghel na ating pinaniniwalaan
Inatasan ng Allah ang mga anghel ng isang bilang ng mga gawain, at ang ilan sa mga ito:
Madalas na pinagtatakahan natin ang isang tao na nakaligtas sa isang tiyak na aksidente..At hindi natin dapat kalimutan na ang isa sa mga gawain ng mga anghel ay ang pangangalaga sa mga anak ni Adam (Adan) mula sa mga kapahamakan ayon sa pag-uutos ng Allah