Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa mga Sugo

Ang paniniwala sa mga Sugo ay isa sa anim na mga haligi ng pananampalataya (paniniwala). matututunan mo sa aralin na ito ang kahulugan ng paniniwala sa mga Sugo at kahalagahan nito, ang kanilang mga katangian at ilan sa kanilang mga himala (na ibinigay sa kanila ng Allah).

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng paniniwala sa mga Sugo.
  • Ang pag-alam sa mga katangian ng mga propeta at ng mga Sugo.
  • Ang pag-alam sa ilan sa kanilang mga himala.
  • Ang pag-alam sa mga bunga ng paniniwala sa kanila.
  • Ang kahulugan ng paniniwala sa mga Sugo

    Ito ay ang matibay na paniniwala na ang Allah ay nagpadala sa bawat pamayanan ng isang Sugo mula sa kanila na nag-aanyaya sa kanila sa pagsamba sa Allah lamang, nang walang pagtatambal sa Kanya, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {At tunay na nagpadala Kami sa bawat pamayanan ng isang Sugo na [nagsasabing:] Sambahin ninyo ang Allah at iwasan ninyo ang mga Thagut (diyos-diyosan)}. (An-Nahl: 36)

    Naniniwala tayo na ang mga Sugo, silang lahat ay mga tapat at pinaniniwalaan, mga banal na pinagkakatiwalaan, mga gabay na napapatnubayan, at tunay na sila ay naihatid nila ang lahat ng isinugo sa kanila ng Allah, kaya wala silang itinago at wala silang binago, at wala silang idinagdag dito mula sa kanilang sarili ng isang titik at wala silang binawas dito, katulad ng sinabi ng Maluwalhati: {Itong mga propeta ay] ang mga nagpapaabot ng mga pasugo (mensahe) ni Allāh at natatakot sa Kanya at hindi natatakot sa isa man maliban kay Allāh. Nakasapat si Allāh bilang Mapagtuos.}. (Al-ahzãb: 39).

    Ang pangangailangan ng mga tao sa mensahe:

    Dapat para sa mga tao na magkaroon ng isang banal na mensahe na nagpapaliwanag sa kanila ng mga batas at gumagabay sa kanila sa tama at katotohanan, sapagkat ang mensahe ay kaluluwa ng mundo, liwanag at buhay nito, samakatuwid ano ang buti ng mundo kapag nawala ang kaluluwa, buhay at liwanag?

    At dahilan dito tinawag ng Allah ang Kanyang mensahe na isang kaluluwa, at kapag nawala ang kaluluwa ay nawala rin ang buhay. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {at gayundin namang Aming ipinahayag sa iyo ang isang diwa mula sa Aming pag-uutos na kung saan ay hindi mo alam kung ano ang aklat at ang pananampalataya, ngunit ginawa Namin ito bilang isang liwanag na sa pamamagitan nito ay papatnubayan Namin ang sinumang nais Namin mula sa Aming mga lingkod}. (Al-Shura: 52). Ito ay sapagkat ang talino, kahit na alam nito ang mabuti mula sa kasamaan sa pangkalahatan, datapuwa't hindi nito kayang malaman ang mga detalye ng iyon at ng mga bahagi nito, at ang pagsasagawa sa mga pagsamba at mga pamamaraan nito ay hindi nalalaman maliban sa pamamagitan ng kapahayagan at mensahe.

    Kaya walang paraan tungo sa kaligayahan at kaunlaran sa dalawang tahanan maliban sa pamamagitan ng mga kamay ng mga Sugo, at walang paraan upang malaman nang eksakto ang mabuti at masama maliban sa pamamagitan ng kanilang landas, at sinumang tumalikod sa mensahe ay dadapuan siya ng pagkalito, pagkabalisa at pagdurusa sa sukat ng pagtutol niya rito at pagtalikod niya rito. Sinabi ng Kataas-taasan: {Kami ay nagsabi: Magsibaba kayong lahat mula rito (sa Paraiso), at kung kailanma’t dumating sa inyo ang Patnubay mula sa Akin, magkagayon ang sinumang sumunod sa Aking Patnubay, samakatuwid sa kanila ay walang pangamba at hindi sila malulungkot, datapuwa’t sa mga yaong nagsitakwil ng pananampalataya at nagpabulaan sa Aming mga Tanda, sila yaong mga maninirahan sa Apoy [ng Impiyerno], sila ay mananatili roon}. (Al-Baqarah: 38-39).

    Isa sa mga haligi ng Pananampalataya:

    Ang paniniwala sa mga Sugo ay isa sa anim na mga haligi ng Pananampalataya. Sinabi ng Maluwalhati: {Naniwala ang Sugo sa anumang ibinaba sa Kanya mula sa kanyang Panginoon at ang mga mananampalataya, bawa't isa ay naniwala sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat at sa Kanyang mga Sugo, hindi namin pinagkaiba ang pagitan ng alinman sa Kanyang mga Sugo}. (Al-Baqarah: 285). Samakatuwid ipinahiwatig ng talata ang obligasyong maniwala sa lahat ng mga Sugo - sumakanila ang pagpapala at kapayapaan - nang walang pagkakaiba, kaya hindi iilan lang ang paniniwalaan namin sa mga Sugo at itatakwil ang ilan, tulad ng kalagayan ng mga Hudyo at Kristiyano.

    Siya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ay nagsabi tungkol sa Pananampalataya: "Na ikaw ay maniwala sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo at sa huling araw, at ikaw ay maniwala sa tadhana, ang mabuti at masama nito." (Muslim: 08)

    Ang mga tanda ng mga Sugo at ang kanilang mga himala

    Sinuportahan ng Allah na Kataas-taasan, ang Kanyang mga Sugo, sumakanila ang kapayapaan, na may iba't ibang mga katibayan at patotoo ng kanilang katapatan at pagiging propeta, at bukod dun ay sinuportahan din sila ng mga himala at maliwanag na mga palatandaan na wala sa kapangyarihan ng tao; upang matanto ang kanilang katapatan at mapatunayan ang kanilang pagiging propeta. At ang ibig sabihin ng mga himala: Ang mga ito ay pambihirang bagay na ipinapakita ng Allah na Kataas-taasan sa mga kamay ng Kanyang mga propeta at mga Sugo sa paraang hindi kaya ng tao na gumawa ng tulad nito.

    Ang ilan sa mga himala ng mga Propeta, sumakanila ang kapayapaan

    ١
    Ang pagbabago ng tungkod ni Musa (Moises), sumakanya ang kapayapaan, sa isang ahas.
    ٢
    Ang pagbalita ni Isa (Hesus), sumakanya ang kapayapaan, sa kanyang mga tao tungkol sa kung ano ang kinakain nila at kung ano ang iniimbak nila sa kanilang mga tahanan.
    ٣
    Ang paghahati ng buwan para sa ating Propeta Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

    Ano ang napapaloob sa paniniwala sa mga Sugo?

    1- Ang paniniwala na ang kanilang mensahe ay totoong mula sa Allah na Kataas-taasan, at na ang mga mensahe ay nagkaisa sa paanyaya nito sa pagsamba sa Allah lamang nang walang pagtatambal sa Kanya

    Sinabi ng Maluwalhati: {At sa katotohanan, Kami ay nagpadala sa bawa't pamayanan ng isang Sugo na [nagsasabing]: Sambahin ninyo ang Allah at iwasan ninyo ang mga Thagut (Diyos-diyosan)}. (An-Nahl: 36).

    At maaaring magkakaiba ang mga batas ng mga Propeta sa mga sangay ng kung ano ang pinahihintulutan at kung ano ang ipinagbabawal na umaangkop sa mga pamayanang iyon, tulad ng sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Sa bawa’t isa sa inyo ay nagtalaga Kami ng Batas at panuntunan}. (Al-Maidah: 48).

    2- ang paniniwala sa lahat ng mga Propeta at mga Sugo

    Ang paniniwala sa lahat ng mga Propeta at mga Sugo, kaya naniniwala kami sa sinumang pinangalanan ng Allah mula sa mga Propeta, tulad ni: Muhammad, Ibrahim (Abraham), Musa (Moises), Isa (Hesus) at Nuh (Noah), sumakanila ang pagpapala at kapayapaan, at para sa sinumang hindi natin alam ang kanyang pangalan sa kanila, sa gayon naniniwala kami sa kanya sa pangkalahatan, at sinumang nagtakwil sa mensahe ng isa sa kanila, samakatuwid kanyang itinakwil ang lahat.

    3- ang paniniwala sa anumang napatunayan mula sa kanilang mga kuwento at mga himala

    Ang paniniwala sa anumang napatunayan mula sa mga balita ng mga Sugo at sa kanilang mga himala sa Qur'an at Sunnah, tulad ng kuwento ng pagkahiwa ng dagat kay Musa (Moises), sumakanya ang kapayapaan.

    4 - Ang pagpapatupad sa batas ng Sugo na ipinadala sa amin/atin, at siya ang pinakamabuti at sagka o huli sa kanila: Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan.

    Ang ilan sa mga katangian ng mga Sugo:

    1- Sila ay tunay na mga tao

    At ang pagkakaiba sa pagitan nila at ng iba pa sa kanila, sila ay pinili ng Allah para sa paghahayag at mensahe. Sinabi ng Kataas-taasan: {At hindi Kami nagpadala bago sa iyo malibang sa mga lalaki na naghahayag Kami sa kanila}. (Al-Anbiya': 07). at sinabi ng kataas-taasan: {Sabihin mo (o muhammad): "Ako ay tao lamang tulad ninyo. Inihahayag sa akin na ang Diyos ninyo ay Diyos na nag-iisa lamang} [Al-kahf: 110] Kaya wala silang mga katangian ng pagiging panginoon o pagka-Diyos ni bahagya, nguni't sila ay mga tao na nakamit ang pagiging perpekto sa panglabas na pagkakalikha, narating din nila ang tuktok ng pagiging perpekto ng moralidad, at sila rin ang pinakamabuti sa mga tao sa angkan, at mayroon silang matalinong mga isipan at malinaw na dila na nagbibigay sa kanila ng kwalipikadong magdala ng mga kahihinatnan ng mensahe at pagsakatuparan sa mga pasanin ng pagkapropeta, at ang tanging dahilan ng pagtalaga ng Allah sa mga Sugo mula sa mga tao ay upang maging huwaran sila mula sa kanilang sariling uri, at sa sandaling iyon, ang pagsunod sa Sugo at pagtulad sa kanya ay nasa kanilang kakayahan at nasa loob ng mga hangganan ng kanilang kapasidad.

    2- Pinili sila ng Allah para sa mensahe

    Kaya't pinili sila ng Allah sa paghahayag bukod sa iba pang mga tao, tulad ng sinabi ng Maluwalhati: {Si Allāh ay humihirang mula sa mga anghel ng mga sugo at mula sa mga tao. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Nakakikita} [Al-hajj: 75]. Samakatuwid ang propesiya at mensahe ay hindi nakukuha sa pamamagitan ng espiritwal na kadalisayan, katalinuhan at makatuwiran na lohika, datapuwat isang maka-Diyos na pagpili at paghirang, sapagkat pinili ng Allah ang mga Sugo at hinirang sila mula sa lahat ng mga tao, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Ang Allah ang higit na nakaaalam kung saan Niya itatalaga ang Kanyang mensahe}. (Al-An'am: 124).

    3- Tunay na sila ay hindi nagkakamali sa kanilang mga ipinarating mula sa Allah

    kaya hindi sila nagkakamali sa pagpapalaganap tungkol sa Allah, at hindi rin sila nagkakamali sa pagpapatupad sa kung ano ang ipinahayag ng Allah sa kanila.

    4- Ang katapatan

    Kaya ang mga Sugo, sumakanila ang kapayapaan, ay mga tapat sa kanilang mga salita at mga gawa. Sinabi ng Kataas-taasan: {Iyan ang ipinangako ng Mahabagin at nagsabi ng katotohanan ang mga Sugo}. (Ya-sin: 52)

    5- Ang pagtitiis

    At tunay na sila ay nag-anyaya tungo sa Allah na Kataas-taasan bilang mga tagapaghatid ng mabuting balita at tagababala, at sa katunayan dumanas sila ng lahat ng uri ng pinsala at paghihirap, kaya't sila ay nagtiis at nagtiyaga sa landas upang itaas ang Salita ng Allah. Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya magtiis ka tulad ng pagtiis ng mga may masidhing pagpapasiya sa mga Sugo}. (Al-Ahqaf: 35).

    Ang paniniwala sa mga Sugo ay may magagandang bunga, ang ilan dito:

    ١
    Ang pagkaalam sa habag ng Allah na Kataas-taasan at sa pag-iingat Niya sa Kanyang mga lingkod, kung saan Siya ay nagpadala ng mga Sugo sa kanila upang gabayan sila tungo sa wastong landas, at ipaliwanag sa kanila kung paano nila sambahin ang Allah; sapagka't ang kaisipan ng tao ay hindi malaya sa pagkaalam noon. Siya na Kataas-taasan ay nagsabi tungkol sa ating Propeta Muhammad, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: {At hindi ka Namin isinugo kundi bilang isang habag sa lahat ng nilalang}. (Al-Anbiya': 107).
    ٢
    Ang pagpapasalamat sa Kanya na Kataas-taasan sa mga malalaking biyaya na ito.
    ٣
    Ang pagmamahal sa mga Sugo, sumakanila ang pagpapala at kapayapaan, ang pagdakila sa kanila at ang pagpupuri sa kanila ayon sa naaangkop sa kanila; Sapagkat itinaguyod nila ang pagsamba sa Allah at ibinahagi nila ang Kanyang mensahe at nagbigay ng payo sa Kanyang mga lingkod.
    ٤
    Ang pagsunod sa mensahe na dinala ng mga Sugo mula sa Allah, at ito ay ang pagsamba sa Allah lamang, nang walang pagtatambal sa Kanya, at ang paggawa batay dito, kaya dumarating sa mga mananampalataya sa kanilang buhay ang kabutihan, patnubay at kaligayahan sa dalawang tahananan (sa mundo at sa kabilang buhay).

    Sinabi ng Kataas-taasan: {Kaya sinuman ang sumunod sa Aking patnubay ay hindi maliligaw at hindi magdurusa, at sinuman ang tumalikod sa Aking paalaala, siya ay magkaroon ng masaklap na buhay}. (Ta Ha: 123-124).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit