Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Ipinagkatiwalang bagay (Ang bagay na Iniwan ng may-ari sa ibang tao para tingnan o pangalagaan)

Aalamin natin sa aralin na ito ang konsepto ng Ipinagkatiwala sa islamikong batas at anumang kaugnay nito na mga alituntunin.

  • Ang pag-alam sa konsepto ng Ipinagkatiwalang bagay at ang layunin dito.
  • Pag-alam sa mga islamikong batas na kaugnay sa Ipinagkatiwalang bagay.
  • Ang kahulugan ng Ipinagkatiwala

    Ito ay ang yaman o pag-aari na itinago sa iba upang pangalagaan ito ng walang kapalit; Tulad ng Pag-iwan ng isang tao sa iba ng isang relo, o sasakyan, o pera (para ipatago o paalagaan sa kanya).

    Ang hatol sa pag-iwan ng isang bagay para ipagkatiwala

    Ang Pag-iwan ng isang bagay upang ipagkatiwala ay isang kasunduan na pwede at pinahihintulutan, at ang bawat isa sa dalawang nagkasundo ay may karapatan na ipawalang bisa ang kasunduan kung kailan nila gusto, Kapag hiningi na ito ng may-ari ay kailangan na itong ibalik, at kapag isinauli ito ng pinagkatiwalaan ay kailangan itong tanggapin ng may-ari nito, at ito ay kasama sa pagtutulungan sa kabutihan at takot sa Allah.

    Ang layunin sa pagsasabatas (o pagkalehitimo) ng Pagkatiwala

    Maaaring may biglaang mga pangyayari na dumating sa tao na magiging dahilan ito para hindi niya mapangalagaan ang kanyang ari-arian -Maaaring dahil sa kawalan ng tamang lugar, o kawalan ng kakayahan; sanhi ng kahinaan o sakit o takot- at ang ibang tao ang may kakayahan na pangalagaan ang kanyang ari-arian o kayamanan para sa kanya.

    At dahil dito; ipinahintulot ng Allah ang Pagtitiwala (o pag-iwan ng isang bagay); Upang mapangalagaan ang kayamanan sa kabilang banda, at makamit ng pinagkatiwalaan ang gantimpala kabilang banda naman, at napapaloob din dito ang pagpapadali sa mga tao, at pagtulong sa kanila sa pagtugon ng kanilang mga pangangailangan.

    Ang Paghahabilin (pagtitiwala) ay lehitimo, at ang pangunahing hatol sa pagkalehitimo nito ay nabanggit sa Qur'ãn at Hadith, sa napagkasunduan ng mga pantas sa islam, at sa Pagbabasi. Sinabi ng Allah: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na iparating ninyo ang bawat ipinagkatiwala sa inyo sa mga kinauukulan nito} [An-Nisã': 58].

    Isinalaysay ni Abi Hurairah -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: "Tuparin ang Ipinagkatiwala sa sinumang nagtitiwala saiyo, at huwang mong pagtaksilan ang sinumang nagtaksil saiyo". (Abu Dãwod 3535).

    Ang Hatol sa pagtanggap ng ipinagkatiwala

    Kanais-nais ang pagtanggap ng Ipinagkatiwala sa sinumang alam na may kakayahan na pangalagaan ito; ayun sa napapaloob nito na pagtutulungan sa kabutihan at takot sa Allah, at pagkamit ng gantimpala sa pag-aalaga nito.

    Ang mga haligi ng Pagtitiwala (paghahabilin)

    ١
    Ang Nagtitiwala (naghahabilin): at ito ay ang may-ari ng ipinagkatiwala.
    ٢
    Ang Pinagkakatiwalaan: At ito ay ang nag-aalaga sa ipinagkatiwala.
    ٣
    Ang Ipinagkatiwala: at ito ay ang Bagay na Iniwan o ipinagkatiwala.
    ٤
    Ang paraan O salita: at ito ay ang pag-alok at pagtanggap mula sa magkabilang panig.

    Ang mga kalagayan kung saan dito ay magagarantiya (pananagutan) ng pinagkatiwalaan ang ipinagkatiwala

    ١
    Ang pagpabaya sa pag-aalaga (pag-iingat) ng ipinagkatiwala.
    ٢
    Ang pag-iwan nito sa iba sa kanya nang walang pahintulot ang nag-iwan o nagtitiwala (ang may-ari).
    ٣
    Ang paggamit sa ipinagkatiwala, o ang pakikialam dito.

    Mga kalagayan ng pagbago ng Ipinagkatiwala Mula sa pagiging ipinagkatiwala ay mapunta sa Garantiya

    ١
    Paghalo nito sa ibang bagay nang hindi na matukoy ang pagkaiba nito.
    ٢
    Ang pagsalungat sa paraan ng pag-aalaga sa ipinagkatiwala.
    ٣
    Ang paglipat nito sa lugar na hindi nababatayan ang gaya niya (ibig sabihin: alisin niya ito sa dapat na lagayan nito na mahirap makuha).

    Kapag nasira ang Ipinagkatiwala sa habang nasa pinagkatiwalaan ito at hindi niya ito sinadya at hindi pinabayaan ay hindi niya ito pananagutan, at dapat niya itong pangalagaan at ilagay sa lugar na dapat lagyan ng katulad niya, at kapag ipinahintulot ng nagtiwala sa pinagkatiwalaan na pakialaman ito ay magiging utang ito na dapat magarantiya.

    At kung may nangyaring nakakatakot at gusto ng pinagkatiwalaan na maglakbay, sa gayun ay kailangan niyang ibalik ang ipinagkatiwala sa kanya sa may-ari nito o sa kanyang pinagkakatiwalaan, at kung hindi siya panatag ay ibigay niya ito sa opisyal sa bayan kung ito ay matuwid o patas, at kung hindi parin siya panatag ay iwan niya ito sa isang mapagkakatiwalaan upang maibalik niya sa may-ari nito.

    Kung sinuman ang pinagkatiwalaan o iniwanan ng pera pagkatapos ay inilabas niya ito sa kanyang safety (pag-iingat), o di kaya ay inihalo niya ito sa iba nang hindi matukoy, pagkatapos ay nawala ito lahato nasira, pananagutan niya ito.

    Ang Iniwanan ay mapagkakatiwalaan, hindi niya pananagtan ang ipinagkatiwala sa kanyan maliban lang kung sinadya niya o pinabayaan niya, at tinatanggap ang salita ng pinagkatiwalaan kasama ang kanyang panunumpa sa pagsauli ng ipinagkatiwala sa kanya, o pagkasira nito, at ang hindi niya pagpabaya, hanggat walang malinaw na batayan.

    Ang Hatol sa pagsauli sa ipinagkatiwala

    Ang Iniwanang bagay ay ipinagkatiwala sa iniiwanan nito, ubligado ang pagsauli nito pag hiningi ng may-ari, at kung hindi niya ito ibalik pagkatapos hingin ng may-ari ng walang sapat na dahilan pagkatapos ay nasira, pananagutan niya ito, sinabi ng Allah: {Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa inyo na iparating ninyo ang bawat ipinagkatiwala sa inyo sa mga kinauukulan nito} [An-Nisã': 58].

    At kung ang ipinagkatiwala ay pagmamay-ari ng higit sa isang tao, at hiningi ng isa sa kanila ang kanyang bahagi mula sa bagay na sinusukat o tinitimbang, o nabibilang na maaariing hatiin, ay ibibigay ito sa kanya.

    Ang mga kalagayan na matatapos dito ang kasunduan ng Ipinagkatiwala

    ١
    Ang pagpabalik sa ipinagkatiwala o pagsauli nito.
    ٢
    Paglipat ng pagmamay-ari sa ipinagatiwala ibang tao sa pamamagitan ng pagbinta nito o pagbigay nito.
    ٣
    Ang pagkawala ng kakayahan ng nag-iwan ng ipinagkatwala o ng pinagkatiwalaan.
    ٤
    Pagkamatay ng nag-iwan o ng pinagkatiwalaan.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit