Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Mga karapatan ng mga magulang
Ginagalang ng islam ang mga magulang nang dakilang paggalang, at ini-ugnay ang pagiging mabuti sa kanila sa pinakadakilang bagay sa islam at iyon ay ang tawheed o pagbubukod tangi sa Allah na kataas-taasan at kapitapitagan, sinabi ng Allah: {Nagtadhana ang Panginoon mo na huwag kayong sumamba maliban sa Kanya at sa mga magulang ay [mag-ukol ng] paggawa ng maganda} [Al-Isrã': 23]. sapagkat ginawa ng maluwalhating Allah ang mga magulang na dahilan na pag-iral ng mga anak na lalaki at babae, at kahit gaano pa magsikap ang mga anak ay hinding hindi nila makakayang ibalik ang kabutihan ng kanilang mga magulang sa kanila, ni gantimpalaan sila sa mga naranasan nilang paghihirap, pagod at pinsala, pagpupuyat at pagbangon, at kakulangan sa pahinga, alang-alang sa kaginhawaan ng kanilang mga anak, sa pag-aalaga at pag-aaruga sa kanila.
At kasama sa pagiging makatarungan ng Allah na nagtakda siya para sa mga magulang ng mga karapatan sa kanilang mga anak, bilang kabayaran para sa kanila sa magandang pagsisikap nila na inilaan at ilalaan pa nila sa pag-aalaga sa kanila. sinabi ng Allah: {Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at gumawa siya ng maganda sa kanilang dalawa} [Al-'Ankabõt: 8], at sinabi niya: {At pakisamahan mo silang dalawa sa mundo ng mabuti} [Luqmãn: 15]. at Nang tanungin ng isang Shahaba ang Propeta ﷺ: O Sugo ng Allah, Sino ba ang pinaka karapat-dapat na tao sa mabuting pakikisama ko? sinabi niya: "Ang iyong ina" nagsabi ulit ang shahaba: pagkatapos ay sino pa? sinabi niya: "Ang iyong Ina" nagtanong ulit: pagkatapos Sino pa? sinabi niya: "Ang iyong Ina", nag tanong ulit: pagkatapos sino pa? sinabi niya: "Ang iyong Ama", (Al-Bukharie 5971,at Muslim 2548).
Ang kabutihan ng pagiging mabuti sa mga magulang
Ang pagiging mabuti sa mga magulang ay Ubligasyon at tungkulin ng mga anak, at sa pagiging mabuti sa kanila ay may malaking kabayaran at dakilang gantimpala, at iyon ay isang dahilan ng pagpapala at biyaya, at pangkalahatang kabutihan sa mundo, at isang dahilan sa pagpasok sa paraiso sa kabilang buhay, sapagkat sinabi ng Propeta ﷺ: "isinubsob niya ang kanyang sarili, pagkatapos ay isinubsob niya ang kanyang sarili, pagkatapos ay isinubsob niya ang kanyang sarili". may nagsabi: sino O Sugo ng Allah? sinabi niya: "Ang sinumang naabutan niya ang kanyang mga magulang sa pagtanda, ng isa sa kanila, o silang dalawa, pagkatapos ay hindi siya nakapasok sa paraiso". (Muslim 2551).
At ang pagpapakabuti sa mga magulang ay isa sa pinakamahusay na mga gawain at pinaka kaibig-ibig sa Allah; Tinanong ni Abdullah bin mas'od -kaluguran siya ng Allah- ang Propeta ﷺ: Aling gawain ang higit na kaibig-ibig sa Allah? sinabi niya: "Ang pagdarasal sa takdang Oras nito (sa takdang oras ng pagdarasal)", sinabi niya: pagkatapos ay ano pa? sinabi niya: "pagkatapos ay ang pagpapakabuti sa mga magulang", sinabi niya: pagkatapos ano pa? sinabi niya: "Ang pakikipaglaban sa landas ng Allah", (Al-Bukharie 527, at Muslim 85).
Kaya ang pagpapakabuti sa mga magulang ay mas mahusay kaysa sa boluntaryong pakikipaglaban sa landas ng Allah, sa katunayan ay may dumating na isang lalaki sa Propeta ﷺ at sinabi niya: Makikipaglaban ba ako sa landas ng Allah? sinabi ng Sugo: "may mga magulang kapa ba?', sinabi niya: Oo, Sabi ng Sugo: "sa kanilang dalawa ka makikipaglaban (ibig sabihin mas mainam na samahan mo muna sila kaisa sa pagpunta sa laban)", (Al-Bukharie 5972, at Muslim 2549).
Ang pagsuway sa mga magulang
Ang pagsuway sa mga magulang ay isa sa pinakamalaking mga kasalanan at pinakamalaking pagkakasala, ayun sa hadith na ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Ang pinakamalaki sa mga malalaking kasalanan: Ang pagtatambal sa Allah, at pagsuway sa mga magulang... Ang hadith". (Al-Bukharie 6919, at Muslim 87).