Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Sugo ﷺ bilang asawa

Aalamin natin sa aralin na ito ang Isa sa aspeto ng buhay ng Sugo ﷺ sa kanyang bahay at pagtrato niya sa kanyang mga asawa.

  • Ang pag-alam sa kalagayan ng Propeta ﷺ sa kanyang bahay.
  • Ang pag-alam sa magagandang ugali na ginagawa ng Propeta ﷺ sa pakikitungo sa kanyang pamilya (sambahayan).
  • Ang pagsunod sa halimbawa ng Propeta ﷺ sa pakikitungo sa mga asawa.

Isa sa wagas na karunungan ng Allah na kataas-taasan Na ginawa niya ang kanyang mga Sugo na tao; Upang maging isang katuwiran laban sa mga tao sa pagsunod sa kanilang mga halimbawa, at paggaya sa kanilang mga Ugali, at paggawa katulad ng kanilang mga ginawa. at nakasalalay ang kaligayahan ng Muslim sa kanyang buhay sa mundo at sa kabilang buhay sa pagsunod sa Aklat ng Allah (Qur'ãn) at sunnah ng kanyang Propeta ﷺ, at pagsunod sa kanyang mga yapak; at dahil dyan kailangan sa isang muslim ang pagsisikap sa pag-alam sa talambuhay ng Propeta ﷺ at ang kanyang Sunnah; upang maging masigasig sa pagsunod nito sa lahat ng kanyang kalagayan.

Ang buhay ng Propeta ﷺ sa kanyang bahay at kasama ng kanyang mga asawa ang Siyang pinakamataas na halimbawa sa buong sangkatauhan, at siya ﷺ ang halimbawa na kailangan tularan ng lahat ng asawa na nais niya sa kanyang pamilya ang ang magandang buhay sa mundo, at pagkamit ng paraiso sa kabilang buhay, sinabi ng Allah: {Talaga ngang nagkaroon kayo sa Sugo ni Allāh ng isang huwarang maganda para sa sinumang naging nag-aasam kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alaala kay Allāh nang madalas} [Al-Ahzãb: 21].

Isa sa dakilang mga ugali ng Sugo ﷺ kasama ng kanyang mga asawa

Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-, Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Ang pinakamabuti sa inyo ay ang pinakamabuti sa inyo sa kanyang pamilya (Asawa), at ako ang pinakamabuti sa inyo sa aking pamilya (asawa)", (At-Tirmizie 3895), Inutusan ng Propeta ﷺ ang mga lalaki sa kanyang Ummah (mamamayan) na maging mabuti sila sa kanilang maybahay, at pinupuri niya ang sinumang gumawa niyon, pagkatapos ay sinabi niya na siya ang kanilang huwaran dito.

Ang pagiging interesado ng Propeta ﷺ sa pag-aliw sa kanyang mga maybahay at pagtugon sa kanilang mga kagustuhan na pinahihintulutan sa Islam

Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: "Nakita ko ang Propeta ﷺ na tinatakpan niya ako ng kanyang pang-itaas na suot (damit), habang pinapanuod ko ang mga Abyssinian na naglalaro sa mosque. hanggang sa nagsawa ako, kaya isaalang-alang ninyo ang babaeng nasa murang edad, na mahilig magsaya", (Al-Bukharie 5236, at Muslim 892). at isa sa pagtulad sa Sugo ﷺ na maging matalino ang Asawa na lalaki, interesado sa mga gusto ng kanyang asawa, isasaalang-alang niya ang mga pisikal na pangangailangan niya na pinahihintulutan ng islam at tutuparin niya ito para sa kanya.

At itinuring ng Sugo ng Allah ﷺ ang pakikipaglaro ng lalaki sa kanyang asawa na kabilang sa mga pinahihintulutan na pagsasaya, ah hindi niya ito itinuring na kasama sa masamang pagsasaya, sinabi niya ﷺ: "lahat ng bagay na nagsasaya nito ang mga anak ni adam ay walang kabuluhan, maliban sa tatlo: Ang pana mula sa kanyang busog, ang pagdisiplina niya sa kanyang kabayo, at pakikipaglaro niya sa kanyang asawa, dahil ang mga yon ay tama", (Ahmad 17337).

At napatuyan mula kay 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- na kasama niya noon ang Propeta ﷺ sa isang paglalakbay, sinabi niya: ...hinabol ko siya at naunahan ko siya gamit aking mga paa (sa pagtakbo: ibig sabihin hindi sumakay sa kabayo), at nang tumaba ako hinabol ko siya at naunahan niya ako, at sinabi niya: "ito yong pag-una mo saakin dati", (Abu Dãwod 2578), at ang Propeta ﷺ ay nakikipaglaro sa kanyang mga asawa at nakikipagbiruan sa kanila, para hindi manatili ang buhay mag-asawa nang nakakainip at walang panibago (o pagrerefresh).

Ang karunungan ng Propeta ﷺ sa pagharap o pakikitungo sa mga problema sa pamilya

Hindi mawawala sa isang tahanan mula sa mga tahanan na mangyari ang ilang mga problema sa pagitan ng mga membro o indibidwal nito, at nagbigay sa atin ang Propeta ﷺ ng napakahusay na mga halimbawa sa paraan ng pagharap sa ganitong mga problema; isinalaysay ni Anas -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Ang Propeta ﷺ noon ay nasa ilan sa kanyang mga asawa, kaya nagpadala ang isa sa kanyang mga asawa ng isang plato na may laman na pagkain, at pinalo ng kanyang asawa -kung saan nandoon siya- ang kamay ng katulong (na nagdala ng pagkain), kaya nahuloh ang plato at nabasag, kaya tinipun ng Propeta ﷺ ang basag ng plato, pagkatapos ay inilagay niya ulit dito ang pagkain na laman ng plato, at sinabi niya: "Nagselos ang inyong ina (Ang kanyang asawa)" pagkatapos ay hindi muna niya pinalabas ang katulong hanggang sa nabigyan niya ito ng plato muna sa asawa niya kung saan nandoon siya sa bahay nito, at ibinalik niya ang maayos na plato sa may ari ng nabasag n plato, at itinago niya ang basag na plato sa bahay ng nakabasag nito. (Al-Bukharie 5225).

At hindi naging masikip ang dibdib ng Propeta ﷺ sa mga kilos na lumilitaw dahil sa natural na kalikasang damdamin sa kanyang mga asawa o sa kanyang pamilya, at pinakikitunguan niya ang lahat ng sitwasyon nang may taktika at karunungan, kahit pa ang sitwasyon ay may pagtatalo at away, at binabago niya ﷺ ang sitwasyon nang may karunungan at walang pagdaramdam at galit, at pinapagaan niya ang Stress, at patas siya sa lahat ng panig.

At tinatanggap niya ﷺ na magalit sa kanya ang kanyang asawa at ipakita niya yon, at sinasalubong niya iyon ng pagiging mabuti at awa, isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: sinabi sa akin ng Sugo ng Allah ﷺ: "Nalalaman ko kung ikaw ay nalulugod o nasisiyahan sa akin, at kung ikaw ay galit sa akin" sinabi niya: sinabi ko: saan mo yon nalalaman? sinabi niya: "kung ikaw ay nalulugod sa akin, sinasabi mo: hindi sumpaman sa panginoon ni Muhammad, at kung galit ka sa akin, sinasabi mo: hindi sumpaman sa panginoon ni ibrahim", sinabi niya: sinabi ko: tama o Sugo ng Allah, wala akong iiwan maliban sa pangalan mo. (Al-Bukharie 5228, at Muslim 2439).

Ang mabuting pakikitungo (pakikisama) ng Propeta ﷺ sa kanyang mga asawa

Ang Propeta ﷺ ay tumutulong sa kanyang mga asawa sa mga bagay at mga gawaing bahay; Bilang awa at pagpapagaan sa kanila, at isa sa kanyang mga ugali ﷺ ay siya mismo ang gumagawa sa kanyang mga sariling gawain.

Tinanong si 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-: kung ano ang ginagawa ng Sugo ng Allah ﷺ sa loob kanyang bahay? sinabi niya: "Siya ay tumutulong sa gawain ng kanyang asawa -ibig niyang sabihin pinagsisilbihan niya ang kanyang asawa- at kapag dumating ang oras ng pagdarasal ay lumalabas siya para sa pagdarasal", (Al-Bukharie 676). at sinabi pa niya (ni 'Ãisha) sa ibang hadith: "Ang Sugo ng Allah ﷺ ay tinatahi niya ang kanyang tsinilas, at ang kanyang damit, at nagtatrabaho siya sa loob ng kanyang bahay, katulad ng ginagawa ng isa sa inyo sa kanyang bahay". (Ahmad 25341).

Ilan sa mga larawan ng pagmamahal (paglalambing) sa mga asawa

١
Ang pagtawag sa kanila ng Salita ng pagmamahal (o paglalambing).
٢
Pagpapakain sa kanila ng pagkain.
٣
Pagsabi sa kanila ng pagmamahal sa kanila.
٤
Ang pakikinig sa mga sinasabi nila at pagiging interesado dito.

Ang pagtawag sa mga asawa sa mga salita ng pagmamahal (paglalambing)

Ayun sa hadith na sinabi niya ﷺ kay 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-: "O 'Ãish, ito si (anghel) jibreel bumabati saiyo ng Salaam" (Al-Bukharie 3768), at tinatawag din niya siya ng "al-humairã' yon ay maikli ng salitang Al-hamrã', Ibig sabihin ay Maputi.

Ang pagpapakain ng asawang lalaki sa kanyang asawang babae

Ayon sa hadith na isinalaysay ni Sa'ad bin abi waqãs -kaluguran siya ng Allah- na sinabi sa kanya ng Sugo ng Allah ﷺ: "katotohanan na kahit anuman ang ginastos (ginugol) mo na mga gastos (para sa iyong asawa), yon ay isang kawanggawa, kahit ang isang subo na i-abot mo sa bibig ng iyong asawa" (Al-Bukharie 2742).

Pagsabi (paghahayag) ng lalaki sa pagmamahal niya sa kanyang asawa

Isinalaysay ni 'Amr bin Al-'Ãsh -kaluguran siya ng Allah-, Na ipinadala siya ng Propeta ﷺ bilang pinuno ng isang hukbo sa that as-salãsil, sinabi niya: lumapit ako sa kanya at sinabi ko: Sino sa mga tao ang pinakamamahal mo? sinabi niya: "si 'Ãisha", (Al-Bukharie 3662,at Muslim 2384).

Ang pakikinig sa kanilang mga sinasabi at pagiging interesato dito

At isa sa magpapatunay nito ay ang hadith na ini-ulat ni Umm zara' at-tawil, at dito ay ikinuwento ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- ang kuwento ng labing-isang mga babae, kung saan nagpulong sila at ang bawat isa sa kanila ay nagkukuwento ng kanyang kalagayan kasama ng kanyang asawa, at nanatiling nakikinig ang Propeta ﷺ kay 'Ãisha hanggang sa natapos niyang ikuwento ang lahat ng ginawa nila.

Ang paglalagay ng Propeta ﷺ ng palamuti at pagpapagwapo niya para sa kanyang mga asawa

May nagtanong kay 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-: "tungkol sa kung anong bagay ang unang ginagawa ng Propeta ﷺ kapag pumasok siya sa kanyang bahay? sinabi niya: Ang pagsisiwak (o sipilyo)", (Muslim 253), at napatunayan mula sa kanya (mula kay 'Ãisha) -kaluguran siya ng Allah- na sinabi niya: "Nilalagyan ko ng pabango ang Propeta ﷺ na pinakamahusay na pabango, hanggang sa nakikita ko ang epekto ng pabango sa kanyang ulo at balbas" (Al-Bukharie 5923).

Ang katapatan ng Propeta ﷺ sa kanyang mga asawa

Isa sa pinakamalinaw na larawan ng katapatan na ito, ay ang katapatan ng Propeta ﷺ sa kanyang asawang si Khadijah -kaluguran siya ng Allah- makaraan ang kanyang pagkamatay ng ilang taon, at isa doon si zainab na anak ng Propeta ﷺ Nang gusto niyang tubusin si Aba Al-Aas -Napangasawa niya ito bago pa nag-umpisa ang paanyaya ng propeta sa islam at naging bihag sa digmaan sa badr- nang kuwintas ni Khadijah -kaluguran siya ng Allah-, nakadama ng awa ang Propeta ﷺ nong makita niya ang kuwintas na matinding awa, at sinabi niya: "kung gusto niyo na pakawalan para sa kanya (kay zainab) ang awasa niyang nabihag, at ibalik niyo sa kanya ang kanya kuwintas" (Abu Dãwod 2692). at umabot ang katapatan niya kay khadijah sa nagselos si 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sa kanya, na hindi naman niya ito naabutan o nakasama, Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah- sinabi niya: Wala akong pinagselosan ni isa sa mga asawa ng Propeta ﷺ na higit pa sa pagselos ko kay khadijah, kahit diko siya nakita, ngunit ang Propeta ﷺ ay madalas niya siyang binabanggit, kumatay pa siya ng Tupa pagkatapos ay pinutol-putol niya ang mga bahagi nito, at ipinadala niya ito sa mga kaibigan at kaanak ni khadijah, at sinabi ko sa kanya: parang wala nang ibang babae sa mundo maliban kay khadijah, at sinabi niya: "Siya ay naging..., at siya ay naging, at may mga anak ako sa kanya" (Al-Bukharie 3818, at Muslim 2435).

Ang pagpapakita sa pagiging patas o makatarungan ng propeta ﷺ sa kanyang mga asawa

١
Ang pagiging patas sa paninirahan at pananatili, hinati-hati niya ang mga gabi sa kanila ng pantay-pantay, at umiikot siya sa kanilang lahat ng walang lamangan, at kapag may biglaang dumating na kinakailangan maiba yaon ay nagpapaalam siya sa kanila, isinalaysayn ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-, sinabi niya: noong bumigat na sa Propeta ﷺ at tumindi na ang kanyang karamdaman, nagpaalam siya sa kanyang mga asawa na doon na siya maaalagaan o babantayan sa aking bahay, at pumayag sila. (Al-Bukharie 198, at Muslim 418).
٢
Ang kanyang pagiging patas sa pagitan nila sa paglalakbay, kung saan ay gumagawa siya ng bunotan ng pangalan sa kanyang mga asawa, at kung sinuman ang lumabas ang kanyang pangalan ay siya ang makakasama sa kanya.
٣
Kapag nakapag-asawa siya ng deborsyado ay titira siya dito ng tatlong gabi para pasahin siya, pagkatapos ay hahatian na siya ng gabi na katulad ng mga asawa niya.
٤
Ang Propeta ﷺ ay patas sa pagitan ng kanyang mga asawa sa paghati-hati sa lahat kanyang makakaya sa paggastos at pera.

Pagpapahalaga ng Propeta ﷺ sa kanyang mga asawa at pagkunsulta sa kanila

At wala nang mas maliwanag na halimbawa doon kaysa sa pagkunsulta ng Propeta ﷺ sa kanyang asawang si Ummo Salamah -kaluguran siya ng Allah- sa araw ng (pakikipagkasundo sa ceasefire sa) hudaibiyyah, noong hiniling niya sa mga muslim na magkatay at mag-ahit at walang ni isang gumawa, kaya pumasok siya kay Ummi salamah at binanggit niya sa kanya ang nakita niya sa mga tao. Sinabi sa kanya ni Ummo salama: O Propeta ng Allah, gusto mo ba yaon? lumabas ka pagkatapos ay huwang mong kausapin ang ni isa sa kanila kahit isang salita, hanggang sa makatay mo ang iyong kamelyo, at tawagin mo ang iyong taga ahit nang maahitan ka niya. At lumabas siya at wala siyang kinausap ni isa sa kanila hanggang sa nagawa niya yaon; kinatay niya ang kanyang kamelyo at tinawag niya ang taga-ahit at nagpaahit siya, at noong nakita nila yaon tumayo sila at nagkatay sila, at nag-aahitan sila sa isa't isa" (Al-Bukharie 2731).

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit