Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Diborsyo
Nagsisikap ang islam sa pag-aalaga sa buhay pamilya, at pinrotektahan ang ugnayan ng mag-asawa sa pamamagitan ng isang kasunduan na inilarawan niya sa banal na Qur'ãn na ito ay mahigpit. at ang mahigpit na kasunduan na ito ay ang kasal.
At bilang pagtiyak ng islam sa pag-aalaga sa ugnayang mag-asawa, tinuruan nito ang mga asawang lalaki na magtimpi sa kanilang mga asawa at huwag silang hiwalayan kahit na nasusuklam sila sa kanila o may mga bagay silang kinasusuklaman sa kanila, sinabi ng Allah: {Makitungo kayo sa kanila ayon sa nakabubuti sapagkat kung nasuklam kayo sa kanila ay marahil nasusuklam kayo sa isang bagay at gumagawa naman si Allāh dito ng maraming kabutihan} [An-Nisã': 19], at upang hindi malagay ang mahigpit na kasunduan sa pagkahiwalay, Nagbabala ang islam nang matinding babala mula sa tangkang pagsira sa pagitan ng mag-asawa: sa pamamagitan ng pagsira sa babae laban sa kanyang asawa, Isinalaysay ni Abi hurairah -kaluguran siya ng Allah-, Na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: "Hindi kasama sa amin ang sinumang sumisira o manlinlang ng babae laban sa kanyang asawa", (Abu Dãwod 2175). Ibig sabihin ng Kabbaba ay: Nilinlang at sinira.
Ang katotohanan ng Islam
Bagama't ang islam ay nagsisikap sa pagpapatuloy ng relasyong mag-asawa, Gayunpaman, ito ay isang makatotohanang relihiyon. hindi ito nagparating ng anumang sumasalungat sa kalikasan ng tao, magkait sa mga gusto nila at magpapasikip nito sa kanila, Sa halip, isinasaalang-alang niya ang kanilang mga kalagayan, damdamin, at pangangailangan. at ang Allah na kataas-taasan ay alam niya Na ang pagpapatuloy ng relasyong mag-asawa ay maaaring higit na makakapinsala kaysa sa pagtapos o pagtigil nito sa maraming mga kalagayan, at alam niya na ang diborsyo ay maaaring maging kailangan, o kakailanganin sa ibang mga panahon; at dahil diyan ang pagpapahintulot sa diborsyo ay may dakilang layunin, at kaluwagan sa mga tao, para sa anumang maaaring may kalupitan at pinsala.
Ang pagkalehitimo ng diborsyo (sa islam)
Naitala sa pagkalehitimo ng diborsyo ang maraming mga talata sa banal na Qur'ãn at sa Sunnah ng propeta, at ang mga talata at mga hadith ay dumating sa pag-ayos sa mga alituntunin nito at pagpapaliwanag sa mga Asal nito, at sa katunayan ay tinawag ang isa sa mga surah ng Qur'ãn ng Surah At-Talãq (Surah ng diborsyo).
Ang diborsyo sa wika (ng arabic)
Ito ay ang pagpakawala at pagpapalaya.
Ang diborsyo sa islam
Ito ay ang agarang pagbuwag ng buklod ng kasal sa pamamagitan ng isang natatanging salita; at ang natatanging salita ay: Ang prangka; tulad ng salitang diborsyo, at ang eupemismo; tulad ng salitang Bã'en (salitang hindi na mababawi), ipinagbabawal, pagpapalaya at katulad nito, at tumatayo sa katayuan ng salita: ang sulat o sinyas na naiintindihan, at maisasama sa salita ng diborsyo ang salitang: "al-khula' -paghiwalay-", at salita ng judge na: "hiniwalayan mo na" sa pagpahiwalay.
Ilan sa mga benepisyo ng diborsyo
Ilan sa mga pinsala ng diborsyo
Mga uri ng Diborsyo
Ang Diborsyo na maaaring bawiin (pwedeng magbalikan ng walang kasal)
Ito ay ang diborsyong ginawa ng lalaki sa kanyang asawa sa una at ikalawang beses, at may karapatan siya na balikan siya hanggat hindi pa tapos ang eddah (panahon ng paghihintay), na hindi na kailangan ang pahintulot ng babae, at hindi rin kailangan ang panibagong kasal.
Ang Diborsyo na hindi na maaaring bawiin, maliit na baynonah (ibig sabihin: maaari pa magbalikan sa pamamagitan ng panibagong kasal dahil lagpas na sa panahon ng paghihintay).
Ito ay mangyayari sa una o ikalawang beses ngunit pagkatapos pa ng eddah (panahon ng paghihintay ng babae), at dito ay hindi na pinahihintulutan ang lalaki na bawiin ang diborsyo, ngunit maaari niya itong balikan sa pamamagitan ng panibagong kasal.
Ang Diborsyo na hindi na mababawi (dahil lagpas na sa tatlong beses ang kanilang diborsyo), malaking baynonah,
Ito ay ang deborsyo sa ikatlong beses, at wala nang karapatan ang lalaki dito na balikan ang kanyang asawa maliban sa pamamagitan ng panibagong kasal at mahr (dowry) pagkatapos na makapag-asawa ng babae ng ibang lalaki, pagkatapos ay naghiwalay (nagdiborsyo) sila -nang walang naunang kasunduan na para magbalikan lang sila nong unang asawa- o dikaya ay namatay ang bagong asawa.
Ipinapakita ng mga alituntunin na kaugnay sa pakikipagbalikan, maliit na baynonah at malaking baynonah ang malinaw na pagpapakita sa mga kabutihan ng islamikong batas: sapagkat ang diborsyo ay hindi pa katapusan ng lahat, at sa panahon ng diborsyo na maaaring bawiin, o sa maliit na baynonah ay may pagkakataon pa ang mag-asawa na malawak na oras upang magbalik tanaw at magnilay-nilay sa mga kahahantungan. nang mahinahon at malayo sa pressure ng mga problema, at gayundin pagkatapos na magkahiwalay ang babae sa ikalawang asawa niya sa malaking baynonah, maaari parin makita ng bawat panig na pwede pa magbalikan at na ito ay magandang disisyon, sa halip karaniwan na ganitong karanasan ay nagiging dahilan ng muling pagbuo ng buhay mag-asawa sa matatag at matibay na pundasyon.
Ang 'Eddah (panahon ng paghihintay ng babae)
Ito ay panahon na itinakda ng batas ng islam pagkatapos ng paghihiwalay -sa pagkamatay ng asawa o sa diborsyo- na ubligado sa babae ang paghihintay sa loob nito ng hindi mag-aasawa hanggang sa matapos ang takdang panahon.
At may karapatan ang babae na isagawa ang panahon ng paghihintay ('Eddah) sa bahay ng kanyang asawa, at siya parin ang magsustento sa kanya. gayun din na may karapatan parin siya sa mana kung sakaling mamatay ang lalaki hanggat hindi pa tapos ang 'Eddah (panahon ng paghihintay). at bawal din sa babae na tumanggap ng pamamanhikan ng ibang mga lalaki sa panahon ng kanyang eddah.