Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Mga karapatan ng babae sa Islam

Aalamin natin sa Aralin na ito ang ilan sa mga karapatan ng babae sa Islam.

  • Ang paglilinaw sa pagkakaiba ng paggalang (pagpaparangal) ng Islam sa babae at panghahamak ng sinaunang mamamayan sa kanya.
  • Pagpapaliwanag sa pangkalahatang panuntunan sa pakikitungo ng islam sa usaping pakakapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian.
  • Pagpapakita sa ilang mga karapatan ng babae na Ginagarantiya ng batas ng Islam sa iba't ibang larangan.

Ang pangangalaga ng Islam sa babae

Inaalagaan ng tunay na relihiyong islam -sa pamamagitan ng mga makadiyos na turo at matuwid mga patnuay nito- ang babaeng muslim, At iniigatan ang kanyang dignidad, At tiniyak ang pagkamit ng kanyang karangalan at kaligayahan, at naghanda para sa kanya ng mga dahilan ng isang komportableng buhay, malayo sa mga lugar ng pagdududa, mga fitnah, mga kasamaan at katiwalian, at ang lahat ng ito ay mula sa kadakilaan ng habag ng Allah na espesyal sa babae, at pangkalahatan sa lipunan, at ang pag-aalagang ito ay may maraming mga larawan.

Ang pagpaparangal at mataas na katayuan

Ginagarantiyahan ng Islam sa babae ang kanyang dignidad at pagkatao, at ibinigay sa kanyang ang nababagay sa kanya na katayuan kahit saan man ang kanyang lugar; maging isang Ina, Asawa, anak na babae at iba pa. ipinag-utos ng Islam ang pagiging mabuti sa kanya at magandang pakikitungo sa kanya, at espesyal na pagpapahalaga sa kanya, gayundin na Nilabanan din niya ang mga tiwaling pamana sa relihiyon, intelektwal at panlipunan kung saan minamaliit ang kanyang katayuan, hinahamak o hinihiya.

Sinabi ni Umar bin Al-Khattãb -kaluguran siya ng Allah-: "Sumpaman sa Allah kami noon sa panahon ng kamangmangan ay hindi namin ibinibilang para sa mga babae ang anumang bagay, hanggang sa nagbaba ng kapahayagan ang Allah para sa kanila ng mga kapahayagan (tungkol sa magandang pakikitungo sa kanila at pagiging mabuti sa kanila), at nagbahagi para sa kanila ng mga bahagi (gaya ng paggastos sa kanila, at pagkakaroon nila ng karapatan sa mana)" (Al-Bukharie 4913, at Muslim 1479). Sumikat ang liwanag ng islam bago ang mahigit 1400 na tao, kaya umangat o itinaas ang katayuan ng babae, at inalis sa mula sa kanila ang maraming uri ng pang-aapi na ginagawa noon ng maraming mga tao at bansa (mamamayan). Isa na doon ang kawalan ng karapan magmamay-ari ng babae, ni ang pagmana, at ang babae noon ay minamana o sinusunog kapag namatay ang kanyang asawa, ganon din na ibinibenta at binibili sila, at nanatili ang kaugaliang ito na lumalaganap -Sa England bilang halimbawa- Hanggang sa simula ng ikadalawampung siglo.

Ang katarungan (hustisya) sa pagitan ng babae at lalaki

Ang islam ay relihiyon ng panginoon ng mga daigdig (sansinukob), Ang Nakaaalam sa Lahat, ang Matalino, ang Makatarungan, at isa sa pagiging makatarungan ng Allah at ang kanyang wagas na layunin ay ang hindi pagpapareho sa dalawang magakasalungat (o magkaiba), at ang hindi pagpapakaiba sa dalawang magkapareho, at dahil dito matatagpuan (nakikita) natin ang batas ng islam na panagpapantay-opantay ang pagitan ng lalaki at babae sa anumang bagay na magkatulad at magkapareho sila dito, at pinag-iba-iba sa pagitan nila sa anumang bagay na magkasalungat sila dito, kung saan ay ginawa ang mga karapatan at mga tungkulin na nababagay sa bawat isa sa kanila at sa kanilang mga pangangailangan at mga kakayahan, at sa kalikasan kung saan ganoon siya nilikha ng Allah. kaya ibinigay ng islam sa babae ang katayuan na nababagay sa kanya sa lahat ng larangan, at pinagpantay ang pagitan nila sa mga lalaki sa maraming mga aspeto, isa na doon:

Ang pinagmulan ng paglikha

Umabok ang panghahamak ng sinaunang mamamayan sa babae na alisin ito sa buong limitasyon ng sangkatauhan, Sinabi ni Aristotle: Ang babae ay isang lalaking hindi kompleto, at tunay na napag-iwanan siya ng kalikasan sa pinakailalim ng hagdan ng paglikha, at si Socrates ay Inihalintulad niya ito (ang babae) sa punong may lason, sa katunayan ay may ginanap sa roma na Malaking kumperensya Napagpasyahan nila dito na ang babae ay walang kaluluwa o imortalidad, At hindi siya magmamana ng buhay sa kabilang buhay, at siya ay karumaldumal (o kasuklamsuklam), at dapat sa kanya ay hindi kumain ng karne, hindi tumawa at hindi magsalita! at ang mga Pranses naman ay may ginanap silang kumperensya taong 586G para talakayin ang isang "mahalagang" usapin, ito ay ang: Ang babae ba ay kabilang sa tao o hindi tao?! at may kaluluwa ba siya o walang kaluluwa?! at kung mayroon naman siyang kaluluwa, Ito ba ay kaluluwa ng hayop o kaluluwa ng tao?! at kung siya naman ay tao, siya ba ay kapantay ng kaluluwa ng lalaki o mas mababa rito?! at sa huli, napagpasyahan nila na siya ay tao, ngunit nilikha siya para lamang magsilbi sa lalaki. Ngunit ang islam ay nagpasya ng pagkapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian sa pinagmulan ng paglikha, Sinabi ng Allah: {O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa nag-iisang kaluluwa, lumikha mula rito ng kabiyak nito, at nagkalat mula sa dalawang ito ng kalalakihang marami at kababaihan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh, na naghihilingan kayo sa pamamagitan Niya, at sa mga sinapupunan. Tunay na si Allāh laging sa inyo ay Mapagmasid} [An-Nisã': 1].

Ang pagkakapantay-pantay sa relihiyon

Pinagpantay ng islam ang pagitan ng lalaki at babae sa mga tungkulin sa Islam, at sa gantimpala at kabayaran sa kanya sa mundo at kabilang buhay, sinabi ng Allah: {Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa} [An-Nahl: 97]. at sinabi ng kataas-taasan at kapitapitagan: {Ang sinumang gumagawa ng mga maayos, na lalaki man o babae, habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Paraiso at hindi lalabagin sa katarungan nang kapiranggot} [An-Nisã': 24], at sa katunayan ay tinanong ang Sugo ng Allah ﷺ tungkol sa isang lalaking nakatagpo ng basa (sa kanyang pribadong bahagi) at wala siyang matandaan na nanaginip siya. sinabi niya (ng Sugo ﷺ): "Maligo siya", at tungkol sa lalaki na nanaginip ngunit wala siyang natagpuan na basa. sinabi niya: "Hindi niya kailangan maligo", kaya nagtanong si Umm Sulaim: Ang babae na may makitang ganoon (ang basa), kailangan ba niya maligo? sinabi niya (ang Sugo ﷺ): "Oo, dahil ang mga babae ay kapareho ng mga lalaki". (Abu Dãwod 236).

Ang unang nananiwala sa mensahe ng Sugo ﷺ ay babae, siya si Ina ng mga mananampalataya na si khadijah -kaluguran siya ng Allah-, at ang mga babae noon ay kasama sila sa grupo ng unang paglikas patungo sa Khabasha (Etheopia sa kasalukuyan), at kasama rin sila sa delegasyon na dumating mula sa yathrib (Madinah Munawwarah sa kasalukuyan) At nangako ng katapatan sa Propeta ﷺ.

At naiguhit o nangingibabaw ang babae sa kasaysayan ng islam bilang isang makinang na mga modelo, Nakilala siya dito sa kanyang magagandang katangian, at Sa kasaganaan (o lawak) ng kanyang kaalaman, at ang kanyang pag-unawa sa mensahe ng Islam, Sa halip, madalas siyang nangunguna sa larangang ito, kung saan nakuha ng mga muslim ang maraming bagay ng kanilang relihiyon sa mga modelo na mga babaeng muslim na maalam at nangunguna sa kaalaman at pagtuturo; pinaka-kilala sa kanila ay ang ina ng mga mananampalataya na si 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-.

At kasama ang babae sa lalaki sa mga sama-samang gawaing pagsamba, bilang pag-uubliga, o kanais-nais, o pagpapahintulot; gaya ng pag-Umrah at paghajj, sa pagdarasal ng Istisqa' (paghingi ng ulan) at dalawang Eid, at sa pagdarasal sa biyernes at sama-samang pagdarasal, at siya ay inutusan sa pag-aanyaya sa Islam, sa pag-utos ng kabutihan at pagbabawal ng masama, at iba pa na malinaw na mga larawan ng pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mga kasarian sa mga ubligasyon sa islam, at walang pagbubukod dito maliban sa anumang kaugnay sa pagitan ng pagkakaiba ng paglikha sa kanila.

Sa pagsang-ayun ng Islam sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay sa mga tungkolin, Gayunpaman, isinasaalang-alang niya ang pagkakaiba sa kalikasan sa pagitan ng mga kasarian, at anumang resulta nito na pagkakaiba sa mga gawain, kaya inaayos niya ang mga gawain na ito at inilagay ang bawat isa sa tamang lugar nito, Na humahantong sa integrasyon sa buhay, Ang lalaki ang may pananagutan sa paggastos sa babae at mga bata, at Dapat niya silang protektahan at pangalagaan ang lahat ng gawain ng pamilya. at ang babae ay may pananagutan sa kanyang bahay at mga anak, may tungkulin siya na dapat niyang gampanan.

Ginagarantiya ng Islam para sa babae ang kanyang mga karapatang sibil at panlipunan, at Mga karapatan sa personal na katayuan, at ang mga karapatan na ito ay ini-ingatan (o ginagarantiya) para sa babae simula pa noong nag-umpisa ang mensahe (ng islam-at pagsugo kay propeta Muhammad) mahigit 1400 taon na ang lumipas, at bago pa ito ipanawagan ng mga organisasyong sibil at pangkarapatan sa kasalukuyang panahon.

Mga karapatang sibil at panlipunan ng Babae

١
Ang karapatan ng babae sa pag-aaral at pagtuturo: Ang islam ay nanghihikayat sa (pananaliksik ng) kaalaman at pareho niyang hinihimok dito ang mga lalaki at mga babae.
٢
Ang karapatan ng babae sa Trabaho: Ang pangunahin (o orihinal) ay ang lalaki ang siyang nagtatrabaho at gumagasto, ngunit walang pagbabawal sa islam na magtrabaho ang babae kung kailangan niya ito, sa kundisyon na magaganap ito ayun sa mga tuntunin ng islam, mga turo nito at mga asal nito.
٣
Ang karapatan ng babae sa mana: Ang Aklat ng Allah (Qur'ãn) at ang Sunnah ng propeta at mga aklat ng fiqh (Jurisprudence) ay puno ng pagtalakay tungkol sa maraming mga larawan ng parehong pagmana ng lalaki at babae.
٤
Ang karapatan ng babae sa pagmamay-ari: Ang babae ay may ganap na karapatan sa pagmamay-ari, ito man ay sa kanyang kinita o minana, at may ganap siyang kalayaan sa paggalaw sa anumang pagmamay-ari niya, at mayroon siyang sariling pinansyal na pag-aari na para lang sa kanya, at hindi siya mapanghimasokan dito ng Ama, Asawa at iba pa.

Mga karapatan ng babae sa personal na katayuan at pag-aasawa

١
Ang kanyang karapatan sa pagpili ng mabuting asawa, at pagtanggap o pagtanggi sa sinumang mamanhikan sa kanya.
٢
Ang kanyang karapatan sa Mahr (dowry).
٣
Ang kanyang karapatan sa materyal na pag-aalaga at paggasto ng asawa sa kanya at sa kanyang mga anak.
٤
Ang kanyang karapatan sa magandang pakikisama sa kanya ng kanyang asawa, at sa pakikitungo sa kanya sa mabuting asal sa salita at gawa.
٥
Ang kanyang karapatan sa pagiging patas o makatarungan sa pakikitungo kanya sa pag-aasawa ng higit sa isa.
٦
Ang kanyang karapatan sa materyal na kalayaan, at materyal na pananagutan na Independent (o malaya mula) sa asawa.
٧
Ang kanyang karapatan sa paghiwalay, at kanyang karapatan sa paghiling ng diborsyo at pagkamit nito; kung natugunan niya ang mga kundisyon at mga karapatan.
٨
Ang kanyang karapatan sa pag-aalaga sa kanyang mga anak pagkatapos ng diborsyo hanggat hindi siya mag-asawa.

Ang mga nakaraan ay mga halimbawa lamang upang linawin ang ilan sa mga karapatan ng babae sa islam, sapagkat ang mga karapatan na ipinagkaloob ng batas ng islam sa babae ay napakarami.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit