Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang mga haligi ng Salah, mga ubligado nito, mga nakakasira nito, at mga kinamumuhian nito.

Ang salah (pagdarasal) ay may mga haligi at mga ubligado na hindi magaganap (ang salah) maliban sa pamamagitan nito, at may (mga bagay na) papasok dito na makakasira nito. malalaman mo sa aralin na ito ang mga haligi ng salah at mga ubligado nito, at mga nakakasira nito at mga kinamumuhian nito.

  • Pag-alam sa mga haligi ng Salah.
  • Pag-alam sa mga ubligado ng Salah.
  • Pag-alam sa mga nakakasira ng Salah.
  • Ang pag-alam sa Sujood As-Sahwu (pagpapatirapa dahil sa pagkakamali).
  • Pag-alam sa mga kinamumuhian sa Salah.
  • Ang mga haligi ng Salah.

    Ito ay ang mga pangunahing bahagi ng Salah na nakakasira sa Salah dahil sa sadyang pag-iwan nito, at kailangan palitan kung ito ay naiwan sanhi ng pagkalimot, at kung hindi iyon palitan; sa gayon ay masisira din ang salah.

    Ang mga haligi ng Salah

    ١
    Ang Takbiratul Ihram (ang unang Takbeer - Allahu Akbar)
    ٢
    Ang pagtayo nang may kakayahan
    ٣
    Ang pagbigkas ng Al-Fatihah
    ٤
    Ang pagyuko
    ٥
    Ang pag-angat mula rito (mula sa pagyuko) at matuwid na pagtayo sa may kakayahan.
    ٦
    Ang pagpapatirapa
    ٧
    Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
    ٨
    Ang huling Tashahhud at ang pag-upo para dito
    ٩
    Ang kapanatagan
    ١٠
    Ang Salam o pagsasagawa ng Tasleem (Assalamu alaikum wa rahmatullah)
    ١١
    Ang (maayus na) pagkakasunod ng mga haligi

    Ang mga ubligado sa Salah

    At ito ay ang mga ubligadong bahagi sa Salah na nakakasira sa Salah dahil sa sadyang pag-iwan nito. At kapag naiwan niya ito dahil sa pagkakamali, kukumpletuhin niya ang kanyang Salah, pagkatapos ay magpapatirapa siya para sa pagkakamali sa hulihan ng Salah

    Ang mga ubligado sa Salah

    ١
    Ang lahat ng mga Takbeer (Allahu Akbar) maliban sa Takbiratul Ihram (unang Takbeer)
    ٢
    Ang pagbigkas ng: "Subhana rabbiyal `adheem", ng isang beses
    ٣
    Ang pagbigkas ng: "Sami`Allahu liman hamidah", para sa nag-iisa at sa Imam (namumuno sa pagdarasal)
    ٤
    Ang pagbigkas ng: "Rabbana wa lakal hamd", para sa lahat
    ٥
    Ang pagbigkas ng: "Subhana rabbiyal a`la", ng isang beses sa pagpapatirapa
    ٦
    Ang pagbigkas ng: "Rabbi-ghfir li", ng isang beses sa pag-upo sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa
    ٧
    Ang unang Tashahhud at ang pag-upo para dito

    Ang mga ubligadong ito ay hindi na kailangang isagawa (o palitan) kung naiwan dahil sa pagkakamali, at napupunuan ang mga ito ng Sujood As-Sahu (dalawang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali)

    Ang mga kaaya-aya sa Salah

    Ang lahat ng hindi kabilang sa mga haligi ng Salah at mga ubligado nito na mga salita at mga gawa na nakapaloob sa pamamaraan ng Salah, ang mga ito ay Sunnah (kaaya-aya maaaring isagawa o hindi) na nakakakumpleto sa Salah na dapat pangalagaan, nguni't ang Salah ay hindi nasisira dahil sa pag-iwan nito.

    Ang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali

    At ito ay dalawang pagpapatirapa na ipinag-utos ng Allah para mapunuan ang mga pagkukulang at pagkakamali sa Salah.

    Kailan ipinag-uutos ang pagpapatirapa ng dahil sa pagkakamali?

    ١
    Kapag nakapagdagdag siya sa Salah ng isang pagyuko, o pagpapatirapa, o pagtayo o pag-upo dahil sa pagkalimot at pagkakamali, siya ay magpapatirapa para sa pagkakamali.
    ٢
    Kapag nabawasan niya ang alinman sa mga saligan, kailangan niyang isagawa ang saligan na nabawas, at magpapatirapa siya para sa pagkakamali sa hulihan ng kanyang Salah.
    ٣
    Kapag nakapag-iwan siya ng isa sa mga ubligado ng Salah, tulad ng unang Tashahhud, dahil sa pagkakamali o pagkalimot, siya ay magpapatirapa para sa pagkakamali.
    ٤
    Kapag siya ay nag-alinlangan sa bilang ng mga Rak'ah, kailangan niyang bumatay sa katiyakan, at ito ay ang pinakamaliit, at magpapatirapa siya para sa pagkakamali.

    Ang pamamaraan ng pagpapatirapa dahil sa pagkakamali

    Ang Sujud sahwu (pagpapatirapa dahil sa pagkakamali) ay may dalawang oras at malaya siyang gawin kung alin sa dalawa ang nais niya:

    ١
    Bago ang pagbigkas ng Salam (Assalamu alaikum wa rahmatullah) at pagkatapos ng huling Tashahhud, siya ay magpapatirapa at pagkatapos ay bibigkasin niya ang Salam.
    ٢
    Pagkatapos niyang magbigkas ng Salam (Assalamu alaikum wa rahmatullah) sa Salah, siya ay magpapatirapa ng dalawang pagpapatirapa dahil sa pagkakamali at pagkatapos ay magbibigkas siya muli ng Salam.

    Ang mga nakakasira sa Salah

    Ito ang mga bagay na nagdudulot sa Salah ng kawalang-bisa at kailangan niyang ulitin ito

    Ang mga nakakasira sa Salah

    ١
    Pag-iwan ng isang haligi o kundisyon na kaya niya itong isagawa nang sinasadya; o pagkakamali sa kalagayang iniwan ang pagpalit nito pagkatapos niyang matandaan.
    ٢
    Sadyang pag-iwan ng isa sa mga ubligado ng Salah
    ٣
    Sadyang pagsasalita
    ٤
    Ang paghalakhak, at ito ay pagtawa ng may boses.
    ٥
    Ang paggalaw, kapag ito ay maraming sunod-sunod na hindi naman kinakailangan.

    Ang mga kinamumuhian sa Salah

    At ito ay ang mga gawa na nakakabawas sa gantimpala ng Salah at nag-aalis ng kataimtiman at reputasyon nito

    Ang madalas na paglingon sa Salah

    Dahil ang Propeta ﷺ, ay tinanong tungkol sa paglingon habang nagdarasal, At sinabi niya: "Ito ay isang pagnanakaw na ninanakaw ni Satanas mula sa Salah ng isang alipin." (Al-Bukhari: 751).

    Ang paglalaro sa kamay at mukha at iba pa

    At ang paglagay ng kamay sa bewang, pagsalikop ng kanyang mga daliri at pagpapalagutok nito.

    Na pumasok sa Salah habang ang kanyang puso ay abala dito

    Dahil sa pangangailangan niya sa banyo o pangangailangan niya sa pagkain sa oras na paglapag nito, tulad ng sinabi ng Propeta ﷺ: "Walang Salah sa paglapag ng pagkain, o kapag itinataboy siya ng dalawang masama (ang pag-ihi o ang pagdumi)." (Muslim: 560).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit