Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga oras na ipinagbabawal dito ang boluntaryong Salah
Ang mga oras na ipinagbabawal dito ang boluntaryong Salah
Lahat ng oras ay pinahihintulutan sa isang Muslim na magsagawa dito ng boluntaryong Salah ng walang pasubali, maliban sa mga oras na ipinagbabawal ng Islam ang pagsasagawa dito ng Salah; dahil ang mga ito ay oras ng pagsamba ng mga nagtatakwil ng Islam, at ilan dito ay oras na sinisindian dito ang Impiyerno, at ilan naman dito ay sumisikat ang araw sa pagitan ng dalawang sungay ng shaitan, at iba pa. kaya hindi siya dapat magsagawa ng Salah dito maliban sa pagbabayad ng mga ubligadong Salah na nakaligtaan o ang mga boluntaryong Salah na may dahilan tulad ng pagbati sa Masjid. At ito ay partikular sa Salah lamang, sapagka't ang paggunita sa Allah na Kataas-taasan at ang pananalangin sa Kanya ay itinatagubilin sa lahat ng oras at panahon.
Simula sa pagkatapos ng Salah sa Fajr hanggang sa pagsikat ng araw at pagtaas nito ng kaunti sa langit na itinakda sa Islam na kasing sukat ng sibat. At sa pangkaraniwang mga bansa, ang pagtaas na ito ay nagaganap pagkatapos ng pagsikat ng araw nang halos 20 minuto.
Kapag pumagitna ang araw sa kalangitan hanggang sa lumihis ito, at ito ay isang maikling panahon na nauuna bago ang pagpasok ng oras ng Dhuhr.
Simula sa pagkatapos ng Salah sa Asr hanggang sa paglubog ng araw.