Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Salat Al-Jumu`ah (Ang Salah sa Biyernes)

Ang Salah sa Jum`ah (Biyernes) ay kabilang sa pinakamahalagang mga ubligasyon ng isang Muslim at pinakamabigat nito, malalaman mo sa aralin na ito ang kabutihan ng pagdarasal sa biyernes at mga alituntunin nito.

  • Pag-alam sa kabutihan ng Salah sa Biyernes.
  • Ang pag-alam sa pamamaraan at mga alituntunin ng Salah sa Biyernes.
  • Ang pag-alam sa sinumang may dahilan na hindi dumalo sa Biyernes.
  • Salat Al-Jum`ah (pagdarasal sa Biyernes)

    Nagtakda ang Allah sa araw ng Biyernes sa oras ng Salah sa Dhuhr ng isang Salah, kung saan ito ang pinakadakila sa mga simbolo ng Islam at pinakamabigat sa mga ubligasyon nito, magtitipon dito ang mga Muslim ng isang beses sa isang linggo, at makikinig sila dito ng mga pangaral at tagubilin na siyang ipangaral sa kanila ng Imam (namumuno sa Salah) sa Biyernes, pagkatapos ay magsasagawa sila ng Salat Al-Jum`ah (pagdarasal sa Biyernes).

    Ang kabutihan ng araw ng Biyernes

    Ang araw ng Biyernes ay ang pinakadakila sa mga araw ng linggo at pinakamataas nito sa karangalan. Sa katunayan ay pinili ito ng Allah na Kataas-taasan sa iba pang mga araw, at higit na itinatangi ito kaysa sa ibang mga panahon, na may ilang kalamangan, kabilang dito ang:

    1- Katotohanan, itinangi ng Allah ang mamamayan ni Muhammad ﷺ sa pamamagitan nito (ang araw ng biyernes) ng higit kaysa sa iba pang mga mamamayan, tulad ng sinabi ng Sugo ng Allah ﷺ: " Iniligaw ng Allah mula sa Biyernes ang mga nauna sa atin, kaya ang naging para sa mga Hudyo ay ang araw ng Sabado, at ang naging para sa mga Kristiyano ay ang araw ng Linggo, at dinala tayo ng Allah at ginabayan para sa araw ng Biyernes." (Muslim: 856).

    2- Si Ãdam -sumakanya ang kapayapaan- ay nilikha sa araw ng biyernes, at dito darating ang Oras, tulad ng sinabi niya ﷺ: "Ang pinakamainam na maghapon na nasisikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes, dito nilikha si Adam, at dito siya ipinasok sa Paraiso, at dito siya pinalabas mula rito, at hindi darating ang Oras maliban sa araw ng Biyernes." (Muslim: 854).

    Sino ang ubligadong magsagawa ng Salah sa Biyernes?

    ١
    Isang lalaki: Samakatuwid hindi ubligado sa babae.
    ٢
    Isang responsable: Samakatuwid hindi ubligado sa isang baliw o sa isang paslit na wala sa tamang edad.
    ٣
    Isang residente: Kaya hindi ubligado sa isang manlalakbay, gayundin ang mga nakatira sa mga disyerto sa labas ng mga lungsod at baryo.

    Pamamaraan at mga alituntunin ng Salat Al-Jum`ah

    Ang paghahanda para sa Salat Al-Jum`ah

    Kaaya-aya para sa isang Muslim na maligo bago magsagawa ng Salat Al-Jum`ah, at maagang dumating sa Masjid bago magsimula ang Khutbah (sermon), paglagay ng pabango at pagsuot ng pinakamabuting damit.

    Khutbat Al-Jum`ah (ang sermon sa Biyernes)

    Nagtitipon ang mga Muslim sa isang pangkalahatang Masjid, at magpasimuno sa kanila ang isang Imam, at umakyat siya sa entablado, humarap siya sa mga nagdarasal at magbibigay sa kanila ng dalawang sermon, umupo siya nang saglit sa pagitan nito, ipaalala niya rito sa kanila ang pagkatakot sa Allah, at magbibigay siya sa kanila ng mga paalaala, mga pangaral at mga talata.

    Ubligado sa mga nagdarasal na makinig sa sermon, at ipinagbabawal sa kanila ang pagsasalita o ang pagiging abala sa pagkawala ng pakinabang nito, kahit na ito ay sa pamamagitan ng paglalaro sa mga karpet, maliliit na bato at lupa.

    Pagkatapos ay bumaba ang Imam mula sa entablado, at isasagawa ang Salah at pangungunahan niya ang mga tao sa Salah na dalawang Rak'ah, pinapalakas niya ang pagbigkas dito.

    Sino ang nalampasan ng Salat Al-Jum`ah

    Ang Salat Al-Jum`ah ay isinasagawa lamang sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga nagdarasal sa mga masjid (mosque). Kaya kung sino man ang nalampasan siya nito o hindi pumunta dito nang may dahilan, sa gayon ay magsasagawa siya ng Salah sa Dhuhr bilang kapalit nito, at hindi matatanggap sa kanya ang Salat Al-Jum`ah.

    Ang sinumang nahuli sa Salat Al-Jum`ah

    Ang sinumang nahuli sa Salat Al-Jum`ah at hindi niya naabutan na kasama ang imam maliban sa mas mababa sa isang rak’ah, ay kumpletuhin niya ang Salah bilang Dhuhr.

    Lahat ng hindi ubligado sa kanya ang Salat Al-Jum`ah sa Biyernes, tulad ng isang babae at manlalakbay ay tinatanggap sa kanya ito kapag isinagawa niya ito kasama ng isang pangkat ng mga Muslim, at sa pamamagitan nito ay mapapawalang-bisa para sa kanya ang Salat Ad-Dhuhr.

    Ang pagiging ubligado ng pagdalo sa Salah sa Biyernes

    Pinagtibay ng Batas ang pagiging ubligado ng pagdalo sa Salah sa Biyernes para sa sinumang ubligado sa kanila na gawin ito, at nagbabala laban sa pagiging abala dito dahil sa mga karangyaan ng buhay sa mundo, sapagka't sinabi ng Kataas-taasan: {O kayong mga naniwala, kapag tumawag ng Salah sa araw ng Biyernes, magmadali kayong tumungo sa pag-alaala sa Allah at iwanan ninyo ang pagbebenta, iyon ang pinakamabuti para sa inyo, kung nalalaman ninyo ito}. (Al-Jum`ah: 09).

    Ano ang ibinabanta ng Allah sa sinumang lumiban ng Salat Al-Jumu`ah?

    Binantaan niya ang sinumang lumiban dito nang walang lehitimong dahilan na tatakan ang kanyang puso, sapagka't sinabi niya ﷺ: "Ang sinumang mag-iwan ng tatlong Biyernes bilang kapabayaan nang walang dahilan, tatakan ng Allah ang kanyang puso." (Abu Daud: 1052 – Ahmad: 15498). ang kahulugan ng tatakan ng Allah ang kanyang puso ay: takpan niya ito at balutin at ipasok niya dito ang kamang-mangan at pagkaligaw, tulad ng mga puso ng mga munãfiq (mapagkunwari) at ng mga masuwayin.

    Ano ang pinahihintulutang dahilan sa pagliban ng Salat Al-Jum`ah?

    Ang pinahihintulutang dahilan sa pagliban ng Salat Al-Jum`ah para sa sinumang ubligado sa kanya ito ay: Ang lahat ng nangyayari na magdudulot ng matinding paghihirap na hindi pangkaraniwan, o kinatatakutan dito ang matinding pinsala sa kabuhayan ng isang muslim at kalusugan.

    Ang pagpasok ba sa gawain at trabaho ay isang dahilan sa pagliban ng Salat Al-Jum`ah?

    Hindi itinuturing na isang dahilan ang permanente at paulit-ulit na trabaho para lumiban sa Salat Al-Jum`ah sa sinumang ubligado sa kanya ito, maliban sa dalawang kalagayan:

    1. Na ang trabaho ay may malaking kapakanan na hindi makakamit maliban sa pamamagitan ng pananatili niya sa trabaho at pagliban niya sa Salat Al-Jum`ah, at sa pagliban niya sa kanyang trabaho ay may magaganap na malaking kasiraan, at walang mahanap na papalit sa kanya sa trabahong iyon.

    Mga halimbawa

    ١
    Ang doktor sa ambulansya na gumagamot ng mga agarang kalagayan at pinsala.
    ٢
    Ang guwardiya at pulis na nagpoprotekta sa mga kayamanan ng mga tao at ng kanilang mga tahanan sa pagnanakaw at mga gawaing kriminal.
    ٣
    Sinumang sumusubaybay sa mga gawain ng malalaking pabrika at mga katulad nito, na kailangang masubaybayan kaagad at hindi maaaring patigilin ang mga ito.

    2. Kapag ang trabaho na ito ang siyang nag-iisang pinagkukunan ng kanyang kabuhayan at walang pumupuno sa kanyang pinaka-kailangan na gastusin, mula sa pagkain, inumin at mga bagay na kailangan talaga para sa kanya at sa kanyang pamilya maliban sa trabahong iyon, sa gayon ay pinahihintulutan siyang manatili sa trabaho at lumiban siya sa Salah sa Biyernes sanhi ng pangangailangan hanggang sa makahanap siya ng ibang trabaho, o makatagpo ng pupuno sa kanyang pangangailangan tulad ng pagkain, inumin at mga kailangang bagay na sasapat para sa kanya at sa sinumang umaasa sa kanya, gayunpaman kailangan niya ang tuloy-tuloy na paghahanap ng trabaho at ibang pinagkukunan ng kabuhayan.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit