Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang mga kayamanan na ubligadong patawan ng Zakat (kawanggawa)

Ubligado ang zakat sa mga partikular na uri ng mga kayamanan upang ito ay linisin. Sa aralin na ito ay matututuhan mo ang mga kayamanan na ubligadong kuhanan ng Zakat.

Pag-alam sa mga kayamanan na ubligadong patawan ng Zakat

Anong mga kayamanan ang ubligadong patawan ng Zakat?

Hindi ubligado ang Zakat sa anumang pagmamay-ari ng isang Muslim para sa sarili niyang kapakinabangan, tulad ng bahay na tinitirhan niya, gaano man kamahal ang halaga nito, at sa kanyang sasakyan na kanyang ginagamit, kahit na ito ay marangya, at gayundin ang kanyang mga damit, pagkain at inumin.

Ipinag-utos ng Allah ang Zakat sa mga uri ng mga kayamanan na natural na lumalago at nadaragdagan at ito ay:

1. Ang ginto at pilak na hindi ginagamit sa kasuotan at palamuti

At hindi ubligado ang Zakat sa dalawang ito (ginto't pilak) maliban kung ito ay umabot sa itinakdang halaga o sukat ng Islam (Nisab) at lumipas dito ang isang buong lunar na taon at ang bilang nito ay 354 na araw.

Ang Nisab (takdang halaga, sukat o bilang) ng Zakat sa ginto at pilak ay tulad ng sumusunod:

١
Ang ginto ay humigit-kumulang 85 gramo
٢
Ang pilak ay 595 gramo

Kaya kapag ang isang Muslim ay nagmamay-ari ng sukat na ito -o mas marami- mula sa ginto o pilak, at lumipas ang isang taon, sa gayon dapat niyang ilabas ang Zakat nito na katumbas ng 2.5% mula sa halaga nito.

-

2. Ang mga kayamanan

At nasasaklawan nito ang mga pera sa lahat ng mga uri nito, maging ang mga ito ay nasa ilalim ng kanyang kamay o mga balanse sa mga bangko

Paraan kung paano mag zakat ng mga kayamanan

Kinukuwenta ng isang muslim ang Nisab ng mga kayamanan at pera ayon sa katumbas nito sa ginto, kaya kapag siya ay may kayamanan na katumbas ng Nisab ng ginto, at ito ay humigit-kumulang 85 gramo o higit pa dito sa oras ng pagka-ubligado ng Zakat, at lumampas sa kayamanan ang isang buong lunar na taon habang ito ay nasa kanyang pag-aari, ay maglalabas siya mula dito ng 2.5% mula sa halaga ng kayamanan.

Isang halimbawa para sa pagkuwenta sa Nisab ng Zakat ng kayamanan:

Kung ipagpalagay natin na ang presyo ng isang gramo ng ginto sa oras ng pagka-ubligado ng Zakat ay katumbas ng (25) dolyar, kung gayon ang Nisab ng pera ay ang sumusunod: 25 (ang presyo ng isang gramo ng ginto, at ito ay paiba-iba) x 85 (ang bilang ng mga gramo, at ito ay permanente) = 2125 dolyar, ang siyang Nisab ng pera.

3. Mga kinita sa kalakalan (kasama ang kapital)

At ang tinutukoy nito ay: Lahat ng anumang inilaan para sa kalakalan mula sa mga puhunan o (ari-arian), tulad ng real estate, mga bahay at mga gusali, o mga bagay na ibebenta tulad ng mga pagkain at mga konsumo.

Paraan kung paano ang pagzakat sa mga kinita sa kalakalan

Kinukuwenta ng isang tao ang halaga ng lahat ng kinita niya sa kalakalan kapag lumipas dito ang isang buong taon, at ang pagkalkula ay nasa presyo sa palengke sa araw na iyon kung saan nais niyang magbigay ng Zakat, at kapag umabot iyon sa Nisab ng pera, ilalabas niya dito ang ikaapat na bahagi ng ikasampung bahagi (ng pera) 2,5% mula sa halaga nito.

4. Ang mga produkto mula ng lupa mula sa mga pananim, mga prutas at mga butil

Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {O kayong mga naniwala, gumugol kayo mula sa mga mabubuting bagay na inyong kinita at mula sa anumang Aming inilabas para sa inyo mula sa lupa}. (Al-Baqarah: 267).

Ubligado ang Zakat sa mga ilang (takdang) uri ng mga pananim at hindi sa lahat ng mga ito, sa kondisyon na umabot ang mga ito sa isang takdang sukat o halaga sa Shariah.

At pinag-iiba ang pagitan ng kung ano ang nadidiligan sa pamamagitan ng ulan at mga ilog at kung ano ang nadidiligan sa pamamagitan ng gastos at trabaho (o gawa) sa halagang nararapat sa zakat, bilang pagsaalang-alang sa mga kalagayan ng mga tao.

Mga kondisyon sa pagka-ubligado ng Zakat sa mga pananim at mga bunga

1. Na umabot ang produkto sa Nisab (itinakdang halaga o timbang)

At sa katunayan, nilimitahan ng Propeta ﷺ, ang Nisab na karapat-dapat dito ang Zakat, at hindi ubligado ito sa mas mababa kaysa rito, kaya siya ay nagsabi: "Walang kawanggawa ang mas mababa sa limang Wasq ng datiles." (Al-Bukhari: 1447 – Muslim: 979). At ito ang sukat ng tinitimbang, nguni't tinatantya na ang bigat ng trigo at mabigat na bigas sa 612kg, at walang Zakat ang mas mababa kaysa roon.

2. Na ang mga pananim ay mula sa mga uri na ubligado dito ang Zakat

At hindi ubligado ang Zakat maliban sa mga pananim na pang-agrikultura na maaaring itabi (itago) at maiimbak nang hindi nasisira, tulad ng trigo, barley, pasas, datiles, palay at mais, tungkol naman sa mga uri ng mga prutas at gulay na hindi maaaring itabi, hindi ubligado dito ang Zakat, tulad ng mga melon, granada, litsugas, patatas at iba pa.

3. Na maging ganap ang pag-ani nito

Kaya ubligado ang Zakat sa mga pananim at prutas kapag ito ay inani at ginapas, at hindi ito nakasalalay sa paglipas ng taon. Kaya kapag ang ani ay ginagapas ng dalawang beses sa isang taon, ang Zakat ay dapat ibigay sa bawa't pag-aani at ganyan yan, at kapag naibigay niya ang Zakat nito at pagkatapos ay inimbak niya ito at itinabi ng maraming taon, kung gayon hindi niya kailangang magbigay pa ng Zakat dito sa mga taong iyon.

5. Ang mga kayamanang hayop

Ang ibig sabihin ng mga kayamanang hayop ay ang mga pinakikinabangan ng tao mula sa mga hayop, at ito ay partikular lamang sa: kamelyo, baka at tupa.

At tunay na nagbigay ng kagandahang-loob ang Allah sa kanyang mga alipin sa pamamagitan ng paglikha Niya sa mga hayop na iyon upang ang mga tao ay makakain ng laman nito at makapagsuot sila ng balahibo nito, at upang madala sila at mabuhat ang kanilang mga mabibigat na dalahin sa paglalakbay at pamamasyal. Sinabi ng Kataas-taasan: {At ang mga hayop ay nilikha Niya ang mga ito para sa inyo, mayroon dito na panlaban (sa lamig) at mga benepisyo, at ang iba pa niyan ay maaari ninyong kainin. At mayroon kayo dito na palamuti, sa oras na inyo nang iuuwi ang mga ito sa gabi at sa oras na inyo nang ilalabas ang mga ito sa umaga. At dinadala ng mga ito ang inyong mabibigat na dalahin sa bayan na hindi ninyo nanarating maliban sa pamamagitan ng matinding paghihirap sa inyong sarili. Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Puspos ng Kabaitan, Pinakamaawain}. (An-Nahl: 05-07).

Ang pangkalahatang mga kondisyon para sa Zakat ng mga hayop

١
Na umabot ang mga hayop sa Nisab na lehitimo; sapagka't hindi ito ubligado maliban sa mga mayayaman, at tungkol naman sa mga nagmamay-ari ng maliit na bilang nito para sa kanilang mga pangangailangan, ay walang Zakat dito; At ang Nisab sa mga kamelyo ay lima, at sa tupa ay apatnapung tupa, at sa baka ay tatlumpung baka, at sa mas mababa pa rito, ay walang Zakat dito.
٢
Na malagpasan ang mga hayop ng isang buong lunar na taon sa may-ari nito.
٣
Na ang mga hayop ay malayang manginain ng damo, at ito ay ang mga inaalagaan sa mga damuhan at hindi gumagastos ang may-ari nito para sa mga ito ng panustos ng pastulan sa halos buong taon.
٤
Na ang mga ito ay hindi pinapatrabaho, at ito ay ang mga ginagamit ng may-ari nito sa pag-aararo ng lupa, o sa pagdadala ng mga kagamitan, o pagdadala ng mga mabibigat na karga, at walang Zakat dito.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit