Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang mga nakakasira sa pag-aayuno
Ang mga nakakasira sa pag-aayuno
At ito ay ang mga bagay na dapat iwasan ng isang nag-aayuno, sapagka't ang mga ito ay nakakasira sa pag-aayuno
Sinabi ng Kataas-taasan: {At kumain kayo at uminom hanggang sa lumitaw sa inyo ang puting guhit mula sa maitim na guhit sa madaling araw, pagkatapos ay kumpletuhin ninyo ang pag-aayuno hanggang gabi}. (Al-Baqarah: 187).
Sinuman ang kumain o uminom sanhi ng pagkalimot; ang kanyang pag-aayuno ay wasto at wala siyang kasalanan, tulad ng sinabi ng Propeta ﷺ: "Sinuman ang nakalimot habang siya ay nag-aayuno at siya ay kumain o uminom, kailangan niyang kumpletuhin ang kanyang pag-aayuno, sapagka't siya ay pinakain ng Allah at pinainom." (Al-Bukhari: 1933 – Muslim: 1155).
2. Ang anumang nasa kahulugan ng pagkain at pag-inom
3. Ang pakikipagtalik sa pamamagitan ng pagpasok ng ulo ng ari ng lalaki sa ari ng babae, lumabas man ang semilya ng lalaki o hindi.
4. Ang pagpalabas ng lalaki sa kanyang semilya sa kagustuhan niya, sa pamamagitan ng pakikipagtalik, o masturbesyon, at katulad nito.
Tungkol naman (paglabas ng semilya dahil) sa panaginip na nangyayari sa pagtulog, ito ay hindi nakasisira sa pag-aayuno. At pinahihintulutan sa isang lalaki na humalik sa kanyang asawa kung kaya niyang pigilan ang kanyang sarili, at kung hindi ay bawal sa kanya iyon upang hindi niya masira ang kanyang pag-aayuno.
5. Ang pagsusuka na sinadya
Tungkol naman sa isang sumuka nang hindi niya kagustohan, wala siyang anumang pananagutan. Sinabi niya ﷺ: "Sinuman ang sumuka habang siya ay nag-aayuno, hindi niya kailangang magbayad para dito, at sinuman ang sinadya ang pagsuka, kailangan siyang magbayad." (At-Tirmidhi: 720 – Abu Daud: 2380).
6. Ang paglabas ng dugo ng regla at panganganak
Kaya't kung kailan nagkaroon ng dugo ng regla o ng panganganak sa anumang bahagi ng maghapon, samakatuwid ay nasira na ang pag-aayuno ng babae, at kahit na siya ay nagreregla at naging malinis siya pagkatapos ng pagsikat ng bukang-liwayway, ang kanyang pag-aayuno ay hindi wasto sa araw na iyon, batay sa sinabi ng Propeta ﷺ: "Hindi ba kapag siya ay may regla, siya ay hindi nagdarasal at hindi nag-aayuno." (Al-Bukhari: 1951).
Tungkol naman sa dugong lumalabas sa isang babae dahil sa isang karamdaman, at hindi ito ang karaniwang regla para sa mga tiyak na araw sa loob ng isang buwan, at hindi rin dugo ng bagong panganak na lumalabas pagkatapos ng panganganak, hindi ito pumipigil sa pag-aayuno.