Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Sino ang mga pinasensyahan ng Allah sa pag-aayuno?
Ang mga pinahintulutan ng Allah sa pagtigil sa pag-aayuno?
Nagbigay ng pahintulot ang Allah sa ilang uri ng mga tao na itigil ang kanilang pag-aayuno sa Ramadan bilang pagpapagaan, habag at pagpapadali sa kanila, at sila ay katulad ng mga sumusunod:
Kaya pinahihintulutan siyang itigil ang pag-aayuno, at babayaran niya ang hindi niya napag-ayunuhan pagkatapos ng Ramadan kung siya ay kabilang sa mga may pag-asa pang gumaling.
Dahil sa katandaan o karamdaman na wala nang pag-asang gumaling, kaya pinahihintulutan siyang itigil ang pag-aayuno, at magpapakain siya sa bawa't araw ng isang mahirap, ibibigay niya sa kanya ang halaga nito na isa't kalahating kilo mula sa pangunahing pagkain ng bansa.
Ipinagbabawal sa kanilang dalawa ang pag-aayuno at hindi tatanggapin sa kanila, at kailangan nilang magbayad pagkatapos ng Ramadan
Kapag natatakot ang buntis o nagpapasuso (breastfeeding) na makapinsala (ang pag-aayuno) sa kanilang sarili o sa bata, sila ay titigil sa pag-aayuno at magbayad sila. Naiulat ni Anas bin Malik, kalugdan siya ng Allah, na ang Sugo ng Allah ﷺ, ay nagsabi: "Maupo ka, ako ay magsasalaysay sa iyo tungkol sa Sawm o Siyam (pag-aayuno), katotohanan na ang Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, ay pinalampas ang kalahati ng Salah para sa isang manlalakbay, at ang Sawm o Siyam (pag-aayuno) para sa isang manlalakbay, buntis at nagpapasuso." (Sunan Ibnu Majah 1667).
Habang nasa kanyang paglalakbay at pansamantalang pagtigil na mas mababa sa apat na araw, Pinahihintulutan siyang itigil ang pag-aayuno at babayaran niya iyon pagkatapos ng Ramadan.
Sinabi ng Kataas-taasan: {At sinuman ang nagkataong may karamdaman o nasa paglalakbay, magkagayon, ang bilang ng mga araw (na hindi niya napag-ayunuhan) ay dapat niyang palitan sa ibang mga araw. Nais ng Allah para sa inyo ang madali, at hindi Niya nais sa inyo ang pagpapahirap}. (Al-Baqarah: 185).
Ano ang hatol sa isang taong itinigil ang kanyang pag-aayuno sa Ramadan nang walang dahilan?
Lahat ng tumigil sa kanyang pag-aayuno nang walang dahilan, dapat siyang magbalik-loob sa pagsisisi sa Allah dahil sa nagawa niyang malaking pagkakasala at pagsuway sa kautusan ng Tagapaglikha, luwalhati sa Kanya at Kataas-taasan, at kailangan niyang bayaran ang araw na iyon lamang, maliban sa isang tao na tumigil sa kanyang pag-aayuno dahil sa pakikipagtalik, dahil magbabalik loob siya sa pagsisisi at babayaran niya ang araw na iyon, at kailangan niya kasama niyon na magbayad-sala sa pagsuway na iyon sa pamamagitan ng pagpapalaya ng isang alipin, ibig sabihin ay bibili siya ng isang alipin na Muslim at palalayain niya, at ang Islam ay pinagtibay ang kahalagahan ng Kalayaan ng tao mula sa pagiging alipin at busabos sa lahat ng okasyon o pagkakataon, at kapag hindi nahanap iyon tulad ng kalagayan sa ngayon, siya ay mag-aayuno ng dalawang buwan na magkakasunod, at kung hindi niya nakaya, siya ay magpapakain ng animnapung mahihirap.