Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang boluntaryong pag-aayuno
Ipinag-utos ng Allah ang pag-aayuno ng isang buwan sa loob ng isang taon, nguni't ipinanghihikayat Niya ang pag-aayuno ng ibang mga araw sa sinumang nakatagpo sa kanyang sarili ng kakayahan at pagnanais na gawin ito bilang paghahangad ng karagdagang gantimpala at kabayaran, at kasama sa mga araw na iyon ay:
At ito ay ang ikasampung araw sa buwan ng Muharram, ang unang araw sa Islamikong kalendaryo, at ito ang araw na kung saan ay iniligtas dito ng Allah ang kanyang Propeta na si Musa (Moises -sumakanya ang kapayapaan-) mula kay Fir`aun (Paraon), kaya pinag-aayunuhan ito ng isang Muslim bilang pasasalamat sa Allah sa pagligtas kay Musa, at bilang pagsunod sa ating Propeta ﷺ, dahil pinag-ayunuhan niya ito, at nang siya ﷺ, ay tinanong tungkol sa pag-aayuno sa araw ng `Ashura', siya ay nagsabi: "Patatawarin ang (mga kasalanan sa) nakaraang taon." (Muslim: 1162). At kaaya-aya na pag-ayunuhan din ang unahan nito, ang ikasiyam na araw, sapagka't napatunayan mula sa Propeta ﷺ, na siya ay nagsabi: "Tiyak, kung ako ay nanatili sa susunod, talagang pag-aayunuhan ko ang ikasiyam." (Muslim: 1134).
At ito ay ang ikasiyam na araw sa buwan ng Dhul Hijjah, ang ikalabindalawang buwan sa Islamikong kalendaryo, at sa araw na iyan ay nagtitipon ang mga nagsasagawa ng Hajj sa Tahanan ng Allah, sa `Arafah, kaya nananalangin sila sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, at nagsusumamo sila sa Kanya, at ito ay kabilang sa pinakamabuting araw sa loob ng isang taon, at itinatagubilin sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj na pag-ayunuhan ito, sapagka't nang tinanong siya ﷺ, tungkol sa pag-aayuno sa araw ng Arafah, sinabi niya: "Patatawarin ang (mga kasalanan sa) nakaraang taon at sa susunod." (Muslim:1162).
At ang Shawwal ay ang ikasampung buwan sa islamikong kalendaryo, sinabi niya ﷺ: " Sinumang nag-ayuno ng Ramadan at pagkatapos ay sinundan niya ito ng anim na araw ng Shawwal, ito ay parang pag-aayuno ng isang taon." (Muslim: 1164)
Nag-ulat si Abu Hurairah, kalugdan siya ng Allah, kanyang sinabi: "Nagbilin sa akin ang matalik kong kaibigan ng tatlo, hindi ko makaligtaan ang mga ito hanggang sa mamatay ako: Ang pag-aayuno ng tatlong araw bawa't buwan, ang Salat Ad-Duha at ang pagtulog para sa Salat Witr." (Al-Bukhari: 1178 – Muslim: 721)