Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Eid Al-Fitr at Ang Eid Al-Adh'hã

Dumarating Ang Eid Al-Fitr sa unang araw sa buwan ng Shawwal, pagkatapos ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan. at Dumarating ang Eid Al-Adh'hã sa ikasampu mula sa buwan ng Zul-hijja, sa sumunod na araw sa pananatili ng mga nagha-hajj sa 'arafah. matututunan mo sa aralin na ito ang dalawang Eid na ito at kung ano ang mga ipinag-utos na gawin dito.

  • Ang pag-alam sa dalawang eid ng mga muslim; eidul fitr at eidul adh'hã.
  • Ang pag-alam sa kung ano ang ipinag-utos na gawin sa dalawang eid na ito.
  • Ang pag-alam sa mga alituntunin ng Zakãtul fitr (Ang kawanggawa pagkatapos ng ramadhan).
  • Ang pag-alam sa mga alituntunin ng Udh-hiyah (kinakatay na hayup bilang pag-aalay).
  • Ang Eid Al-Fitr

    At ito ay ang unang araw sa buwan ng Shawwal, ang ikasampung buwan sa kalendaryong islamiko, at dumarating ito pagkatapos ng huling araw sa buwan ng Ramadan, at dahil diyan tinawag itong Eid Al-Fitr, at iyon ay dahil sumasamba ang mga tao sa Allah sa pamamagitan ng pagtigil sa pag-aayuno sa araw na ito tulad ng pagsamba nila sa Allah sa pamamagitan ng pag-aayuno sa Ramadan, kaya't sila ay nagdiriwang dahil sa Eid bilang pasasalamat sa pagkumpleto ng biyaya ng Allah at sa Kanyang kagandahang-loob sa pagpapadali para sa kanila na matapos ang pag-aayuno sa mapagpalang buwan ng Ramadan, sinabi ng Kataas-taasan: {At upang makumpleto ninyo ang mga bilang, at upang dakilain Ninyo ang Allah sa pagpatnubay Niya sa inyo, at baka sakaling kayo ay magpasalamat}. (Al-Baqarah: 185).

    Ano ang iniuutos sa araw ng Eid Al-Fitr?

    Ang Salat (pagdarasal sa) Al-Eid
    Ang Zakat Al-Fitr bago ang pagdarasal ng Eid.
    Ang pagpapalaganap ng saya at kaligayahan sa pamilya at sa mga kamag-anak at mga kapit bahay at sa lahat ng mga muslim.
    Ang Takbeer

    Ang Zakat Al-Fitr

    Ang Allah ay nag-utos sa sinumang nagmamay-ari nang higit sa kanyang pangangailangan sa araw at gabi ng Eid na pagkain na magbigay ng isang Saa' (apat na dakot ng isang lalaki) mula sa pagkain ng mamamayan ng isang bansa, tulad ng bigas, trigo o datiles para sa mga dukha at mahihirap na mga Muslim, hanggang sa wala nang matira na isang nangangailangan sa araw ng Eid.

    Ang oras ng Zakat Al-Fitr

    Mula sa Maghrib, sa huling araw ng Ramadan, hanggang sa Salat (pagdarasal ng) Al-Eid, at pinahihintulutang ibigay ito ng isa o dalawang gabi bago ang Eid.

    Ang sukat o halaga ng Zakat Al-fitr

    Isang Saa' mula pangunahing pagkain ng mamamayan ng isang bansa, tulad ng trigo, bigas, datiles, at mga katulad nito, at ang Saa' ay sukat ng pagtimbang, nguni't ang pagtatantya nito sa timbang ay mas madaling itakda ayon sa mga modernong panukat, at ito ay tumutumbas sa bigat na humigit-kumulang 3 kilo grams.

    Sino ang dapat magbigay ng Zakat Al-Fitr?

    Ito ay ubligado sa sinumang nagmamay-ari nang higit sa kanyang pangangailangan sa araw at gabi ng Eid mula sa pagkain para sa kanyang sarili at sa sinumang kailangan niyang tustusan, tulad ng kanyang asawa at mga anak, at kaaya-aya na ibigay ito para sa isang sanggol sa sinapupunan ng ina, kaya ibibigay para sa bawa't may buhay ang isang Saa' ng pangunahing pagkain sa bayan, ibig sabihin, humigit-kumulang 3 kilo.

    Ang layunin sa Zakat Al-Fitr

    Ito ay iniutos ng Sugo ng Allah ﷺ, bilang isang paglilinis para sa taong nag-aayuno mula sa walang kabuluhang pananalita at kahalayan (Ibig sabihin: Bilang paglilinis sa taong nag-aayuno mula sa pagkakamali at mga kamalian, at bilang pagkumpleto ng kakulangan sa mga kagandahang-asal ng pag-aayuno).

    Ang Eid Al-Adha

    At ito ang pangalawang Eid para sa mga Muslim at ito ay dumarating sa ikasampung araw ng buwan ng Dhul Hijjah (ang ikalabindalawang buwan sa kalendaryong Islamiko), at tinipon dito ang maraming mga kabutihan, kabilang dito ang:

    1. Isa ito sa pinakamabuting mga araw ng taon

    At ang pinakamabuting mga araw ng taon ay ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul Hijjah, tulad ng sinabi niya ﷺ: "Walang mga araw na ang matuwid na gawain dito ay higit na pinakamamahal sa Allah kaysa sa sampung araw na ito." Sinabi nila: Maging ang pakikipaglaban sa Landas ng Allah? Sinabi niya: "At maging ang pakikipaglaban sa Landas ng Allah, maliban sa isang lalaki na lumabas sa sarili niya mismo at kanyang kayamanan, at pagkatapos ay walang nakabalik sa mga iyon kahit maliit na bagay." (Al-Bukhari: 969 – At-Tirmidhi: 757).

    2. Ito ang araw ng Pinakadakilang Hajj

    Sapagka't sa loob nito ang pinakadakila, pinakamahalaga at pinakamarangal na mga gawain ng Hajj, tulad ng pag-ikot sa Ka'bah, pagkatay ng hayop bilang alay, at pagbabato ng Jamrat Al-Aqabah.

    Ano ang iniuutos sa Eid Al-Adha?

    Iniuutos sa araw ng Eid Al-Adha para sa hindi nagsasagawa ng Hajj ang lahat ng iniuutos sa pinagpalang Eid Al-Fitr, maliban sa Zakat Al-Fitr, sapagka't ito ay partikular lamang para sa Eid Al-Fitr. At naiiba ang Eid Al-Adha dahil sa pagiging kaaya-aya ng Udhiyah bilang pagpapalapit sa Allah.

    Ang Udhiyah

    Ito ay ang kinakatay na kamelyo, baka o tupa bilang pagpapalapit sa Allah sa araw ng Eid Al-Adha simula pagkatapos ng Salat Al-Eid hanggang sa paglubog ng araw sa ikalabintatlong araw ng buwan ng Dhul Hijjah. Sinabi ng Kataas-taasan: {At magsagawa ka ng Salah para sa iyong Panginoon at magkatay}. (Al-Kawthar: 02), at ipinaliwanag na ito ay ang Salat Al-Eid at Udhiyah.

    Ang hatol nito (ng udhhiya)

    Isang pinagtibay na Sunnah para sa may kakayahang gawin ito, kaya ang isang Muslim ay nagsasakripisyo (nagkatay ng Udhhiya) para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.

    At iniuutos sa sinumang nagnanais ng Udhiyah (magkatay ng hayup bilang alay) na huwag pumutol ng anuman mula sa kanyang buhok, kuko o balat, simula sa tiyak na pagtanaw sa buwan sa unang araw ng buwan ng Dhul-Hijjah hanggang sa pagkatay ng Udhiyah.

    Ang mga kondisyon ng hayop na isinasakripisyo

    Isinasakundisyon na ito ay mula sa kawan ng mga hayop

    At ito ay ang tupa, baka o kamelyo, at hindi tinatanggap ang Udhiyah bukod sa mga ito mula sa mga hayop o ibon. At nakasasapat na ang isang tupa o kambing para sa isang lalaki at sa kanyang pamilya, at pinahihintulutan na magsama-sama ang pito sa isang baka o isang kamelyo.

    Pag-abot ng mga ito sa edad na kinakailangan

    At ang edad na kinakailangan: Anim na buwan sa tupa, isang taon sa kambing, dalawang taon sa baka, at limang taon sa kamelyo.

    Kaligtasan ng hayop mula sa maliwanag na mga kapintasan

    Siya, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, ay nagsabi: "Apat ang hindi pinahihintulutan sa mga Udhiyah: Ang bulag na malinaw ang pagkabulag, ang may sakit na malinaw ang sakit, ang pilay na malinaw ang bali, at ang payat na walang laman (at ito ay ang napakahina)." (Al-Nasa'i 4371, Al-Tirmidhi 1497).

    Ano ang ginagawa sa Udhiyah?

    ١
    Ipinagbabawal ang pagbebenta ng anuman mula sa Udhiyah, at hindi ibinibigay sa magkakatay ang kanyang sahod mula rito.
    ٢
    Kaaya-aya na hatiin ang karne nito sa tatlong bahagi, kinakain ang ikatlong bahagi nito, ipinamimigay ang ikatlong bahagi nito bilang handog, at ibinibigay ang natitirang ikatlong bahagi bilang kawanggawa sa mga mahihirap.
    ٣
    Pinahihintulutan ang isang tao na magtalaga ng ibang tao at ibigay ang pera sa mga pinagkakatiwalaang organisasyong pangkawanggawa na kumakatawan sa pagkatay ng Udhiyah at pamamahagi nito sa mga nangangailangan.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit