Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang taglamig at ang paglilinis
Ang tubig ng Ulan ay malinis at nakakalinis, batay sa sinabi ng kataas-taasan (Alla): {Nagpababa Kami mula sa langit ng tubig na naipandadalisay (naipanglinis)} [Al-Furqãn: 48], Gayundin, ang anumang sumabit sa damit at sapatos ng mga nagdarasal mula sa mga bakas ng tubig sa lupa o aspaltong mga kalsada ay dalisay (malinis).
Ang pagpapasakto ng Wudu (ablosyon) sa lamig ng taglamig:
Ang pagpapasakto ng Wudo -kahit na malamig ang tubig O mainit- ay isang (gawaing) pagpapalapit (sa Allah) mula sa mga (Gawaing) pagpapalapit, sinabi niya ﷺ: "Hindi ko ba ituro sa inyo kung ano ang nakakabura ng mga kasalanan at nakatataas ng antas?" sinabi nila: bakit hindi O Sugo ng Allah, sinabi Niya: "ang pagpapaabot ng Wudo sa mga kinamumuhian (ibig sabihin: sa mga ayaw ng tao na mabasa dahil sa lamig), ang maraming hakbang papunta sa mga musque, at ang paghihintay ng (Oras ng susunod na) pagdarasal pagkatapos ng (isa pang) pagdarasal, iyan ang pagbabantay sa landas ng Allah", (Muslim 251). At ang ibig sabihin ng pagpapaabot ng Wudu ay ang pagpasakto nito.
At ilan sa mga kamalian ay ang pagsasawalang bahala sa paghugas ng mga bahagi ng katawan sa pag-iwas sa lamig ng tubig halimbawa, kaya makikita mo ang ilang mga tao na hindi nila kinukompleto ang paghugas ng kanyang mukha O dikaya ay kontento na siya sa pagpahit lang nito (nang tubig), O hindi niya kinokompleto ang paghugas ng kamay O paa, at iyan ay hindi puwedi, At Ang Obligado ay ang isakto niya ang kanyang Wudu kung kaya niya ito, at kung hindi ay magpatulong siya sa pamamagitan ng pagpapainit nito at katulad nito.
pinapahintulutan ang pagpapainit ng tubig sa taglamig, at hindi iyon nakakabawas ng gantimpala, kagaya ng pagpapahintulut na punasan ang mga bahagi ng katawan pagkatapos ng Wudu, at hindi nito mababawasan ang gantimpala, At kung ang pag-iwan niyon ay makakasira (sa Wudu) O magkulang ang pagiging sakto ng Wudu, ay hindi niya ito dapat iwanan.
Ang tayammum ay Ang pagpalo ng tao sa lupa sa kanyang dalawang (palad ng) kamay, pagkatapos ay ipahid niya ito sa kanyang mukha, pagkatapos ay pahiran niya ang kanang kamay niya sa kanyang kaliwang kamay, pagkatapos ay pahiran niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang kanang kamay.
Ipinag-utos ang pagtayammum sa ganap na kawalan ng tubig, O sa oras na kakaunti lang ang tubig at kailangan niya ito (sa ibang bagay) at walang malapit na pagkukunan ng tubig, O subrang hirap ng paggamit ng tubig sa pagWudu; dahil sa matinding lamig O sakit.
Ang pagpahid sa khuffayn (dalawang medyas): ito ay ang Nakasuot ng Khuff (sapatus na gawa sa balat na natatakpan nito ang dalawang paa) O medyas O katulad nila na nakakatakip ng buong paa, na malinis mula sa dalawang hadath (ritwal na karumihan) Ang maliit at ang malaki (ibig sibihin nakapagWudu muna bago sinuot), kapag napahiran na niya ang kanyang ulo at tainga sa kanyang Wudu. hindi na niya kailangan na hubarin ang kanyang Khuff para hugasan ang kanyang dalawang paa, bagkus pahiran lang niya ang ibabaw ng kanyang dalawang paa mula sa itaas ng Khuffayn (medyas na gawa sa balat).
Kinakailangan para maging tama ang pagpahid sa Khuffayn O medyas
Tagal ng (pananatili sa) pagpupunas sa Khuffayn
Mag-uumpisa ang pagbilang sa Oras ng pagpahid sa Khuffayn sa unang pagpahid pagkatapos masira ng Wudu,
Hindi pinahihintulutan ang pagpahid sa Khuffayn sa sinumang nagsuot nito ng hindi ganap na nakapaglinis, at hindi rin pinahihintulutan sa sinumang natapos na ang takdang oras ng pagpahid nito, at hindi rin pinahihintulutan sa sinumang Obligadong maligo -nang dahil sa pakikipagtalik O katulad nito- At ang nararapt dito ay paghubad nito at paglilinis kasama ang paghugas ng dalawang paa.