Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Pangkalahatang mga alituntunin na madalas sa taglamig
dapat patayin ang apoy na madalas sinisindihan sa taglamig Bago matulog. at kagaya nito ang mga pampainit na puweding dahilan ng sunog, batay sa salaysay ni abi musa al-ash-ari -kaluguran nawa siya ng Allah- na sinabi niya: nasunog ang isang bahay sa madinah sa may-ari nito sa gabi, at nabanggit ang nangyari sa kanila sa propeta ﷺ, at sinabi niya: "tunay na ang apoy na iyan ay kaaway ninyo, kaya kung matutulog kayo ay patayin ninyo ito". Al-bukharie (6294), at Muslim (2016), at sa ibang hadith: "huwag ninyong iwanan ang apoy sa mga bahay ninyo habang kayo ay natutulog". Al-bukharie (6293), at Muslim (2015).
1- Alalahanin ang kakayahan ng Allah sa pagpapagalaw ng hanging; mainit at malamig. mahina at malakas, hilaga at timog, sinusunod ng ulan at pagtigil nito, at ibapa bukod dito, sinabi ng Allah: {Tunay na sa pagkalikha sa mga langit at lupa, sa pagsasalit-salitan ng gabi at maghapon, sa mga sasakyang-dagat na naglalayag sa dagat kalakip ng ipinakikinabang nito sa mga tao, sa anumang pinababa ni Allāh mula sa langit na tubig saka nagbigay-buhay Siya sa pamamagitan nito sa lupa matapos ng kamatayan nito at nagkalat Siya rito ng bawat gumagalaw na nilalang, at sa pagpihit sa mga hangin at mga ulap na pinagsisilbi sa pagitan ng langit at lupa ay talagang mga tanda para sa mga taong nakapag-uunawa} [Al-baqarah: 164).
2- Ang pagkatakot na maging parusa ito mula sa Allah; dahil isinalaysay ni 'Ãisha na asawa ng propeta ﷺ Na sinabi niya: Hindi ko nakita ang Sugo ng Allah -ﷺ- kailnman na labis na tumawa hanggang sa makita ang kanyang tilao, Bagkus siya ay ngumingiti lang, Sinabi niya: At kung nakakita siya ng ulap o hangin, malalaman iyon sa kanyang mukha, kaya sinabi niya: O Sugo ng Allah, Nakikita ko ang mga tao, na kapag nakakita sila ng mga ulap, nagsasaya sila, umaasa sila na magkakaroon ng ulan, At nakita kita na kapag nikita mo ito ay nalalaman ko sa mukha mo ang pagkamuhi! Sinabi niya (ni 'ãisha): kaya sinabi niya (ng Propeta ﷺ): "O 'Ãisha hindi mawawala sa akin ang pangamba na maging parusa ito, sa pagkat pinarusahan ang isang (sinaunang) pamayanan sa pamamagitan ng Hangin, at nakita ng mamamayan ang parusa kaya sinabi nila: {"Ito ay isang ulap na magpapaulan sa atin"} Muslim (899).
3- Ang hilingin sa Allah ang kabutihan nito, ayun sa salaysay ni 'Ãisha -kaluguran nawa siya ng Allah- na sinabi niya: "Ang Propeta, ﷺ, kapag umihip noon ang hangin, ay nagsasabi: "Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bihi" (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito) Muslim (899).
4- Ang Iwasan na isumpa ito; ayun sa isinalaysay ni ibn Abbãs -kaluguran nawa siya ng Allah- Na isinumpa ng isang lalaki ang hangin sa harapan ng Propeta ﷺ, kaya sinabi niya: "Huwag mong sumpain ang hangin, sapagkat ito ay inutosan, At sinumang sumpain ang isang bagay ng walang karapatan, ang sumpa ay babalik sa kanya". At-tirmizie (1978). at sa ibang hadith: "Huwag niyong sumpain ang hangin...". At-tirmizie (2252), Sinabi ni As-Shãfi'e: "hindi nararapat sa sinuman na sumpain ang hangin sapagkat ito ay nilikha ng Allah na masunorin, at kawal mula sa mga kawal niya na gagawin niyang habag at sumpa kung nanaisin niya".
Sa salaysay ni Abdullah bin Zubair: Kung narinig niya ang kulog, iiwan niya ang pag-uusap, at sinasabi niya: "luwalhati sa kanya na nagluluwalhati ang kulog sa pagpuri sa kanya, at ang mga anghel dahil sa takot sa kanya", at ang salita na ito ay sa Qur'ãn: {Nagluluwalhati ang kulog kalakip ng pagpupuri sa Kanya at ang mga anghel dahil sa pangagamba sa Kanya. at Nagpapadala Siya ng mga kidlat at papatamaan niya ang sinumang kanyang maibigan habang sila ay nakikipagtalo hinggil kay Allāh gayong Siya ay matindi ang kapangyarihan} [Ar-Ra'd: 13].
Inilarawan ng Makapangyarihang Allah ang ulan bilang pinagpala, sinabi ng kataas-taasan at kapitaptagan (Allah): {Nagbaba Kami mula sa langit ng isang tubig na puno ng biyaya} [Qãf: 9], at ilan sa mga gagawin sa sandaling pagbagsak nito ay: 1- maglabas ang tao ng isang bahagi ng kanyang katawan upang matamaan ito ng ulan, ayun sa isinalaysay ni anas -kaluguran nawa siya ng Allah- na sinabi niya: inabutan kami ng ulan kasama ng Sugo ng Allah ﷺ, sinabi niya: at binuksan ng Sugo ng Allah ﷺ ang kanyang damit upang matamaan siya ng ulan, kaya sinabi namin: O Sugo ng Allah, bakit mo iyan ginawa? sinabi niya: "dahil ito ay kagagaling lang sa kanyang panginoon", Muslim (898).
2- Ang pananalangin, at napatunayan sa ilang mga kasabihan na ito ay lugar(panahon) ng pagtanggap.
ang mga panalangin habang umuulan at pagkatapos nito
Isinalaysay ni 'Ãisha -kaluguran siya ng Allah-, na sinasabi ng propeta ﷺ kapag nakita niya ang ulan: "Allãhomma Shayyiban nãfi'an". (O Allah (gawin mong) malakas na ulan na kapaki-pakinabang) Al-bukharie (1032), at ang ibig sabihin ng Shayyiban: Ay ang maraming ulan na sunod-sunod.
At manalangin na maging (kapaki-pakinabang) ang ulan; sapagkat ang ulan ay maaaring marami ngunit wala itong pakinabang, at nabanggit sa hadith: "ang As-sanah (tagtuyot) ay hindi ang di-pag-ulan, bagkus ang tagtuyot ay ang umulan ng umulan ngunit walang kahit kaunting tumutubo sa luba", (Muslim: 2904) at ang ibig sabihin ng As-sanah ay: Ang matinting tagtuyot.
3- At sunnah na sabihin ang "rahmah" (habag) sa pagbagsak ng ulan; batay sa salaysay ni 'Ãisha asawa ng propeta ﷺ, sinabi niya: Ang Sugo ng Allah ﷺ kapag maulap at mahangin na araw, nalalaman ito sa kanyang mukha, at paikot-ikot(pabalik-balik) siya (nababalisa), at kapag umulan na ay sasaya siya nito, at maalis sa kaniya iyon (ang pagkabalisa), sinabi ni 'Ãisha: kaya tinanong ko siya, at sinabi niya: "nangangamba ako na maging parusa ang idudulot nito sa aking Ummah (pamayanan)", at sinabi niya kapag nakita niya ang ulan: "rahmah" (habag). (Muslim :899).
4- At sunnah na sabihin pag-umulan atpagkatapos nito: (Motirnã bifadlillãhi warahmatihi) -inulanan tayo sa awa at habag ng Allah- , batay sa salaysay ni zaid bin khalid al-juhanie sinabi niya: Nagdasal (nag-imam) sa amin ang sugo ng Allah ﷺ ng pagdarasal sa madaling araw (subh) sa hudaybiyah na katatapos lang ng ulan sa gabing iyon, at nang natapos ang pagdarasal, humarap siya sa mga tao at sinabi niya: "Alam niyo ba kung ano ang sinabi ng inyong panginoon?", sinabi nila: ang Allah at ang kanyang sugo ang nakakaalam, sinabi niya: "sinabi (ng Allah): inumaga ang ilan sa aking mga alipin ang nananampalataya sa akin at ang walang pananampalataya, at ang sinumang nagsabi ng: mutirnã bifadlillahi warahmatihi (inulanan kami dahil sa habag at awa ng Allah), iyon ang nananampalataya sa akin at nagtakwil sa mga planeta, At ang sinumang nagsabi ng: mutirnã binaw-e kaza wa kaza (inulan kami dahil sa bituin na ganito ganyan), iyon ang walang pananampalataya sa akin at nananampalataya sa mga palaneta". (Al-Bukharie 846, at Muslim 71).
Kapag lumakas ang Ulan at natatakot na makapinsala ito, kanais-nais na manalangin na nakataas ang dalawang kamay, at ilan sa mga napatunayang mga panalangin: "Allãhoma hawãlaynã wa lã alaynã, Allãhomma alal ãkãmi waz-zirãbi, wabutõnil awdiyati, wamanãbiti-s Shajari", (Al-bukharie 1014, at Muslim 897). (“O Allah! hayaang (bumuhos) ang ulan sa aming kapaligiran at huwag sa amin (ang bagsak ng ulan), O Allah! hayaang ito’y bumuhos sa mga burol at bundok at sa kalagitnaan ng mga lambak at mga bulubunduking lugar").