Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Mga Paglalakbay at ang kalinisan

Tatalakayin para sa muslim sa oras ng paglalakbay at paglalayag ang natatanging mga kalagayan na may kaugnayan sa paglilinis, mapag-aralan mo sa araling ito ang ilan sa mga alituntunin ng paglilinis habang naglalakbay at naglalayag.

Ang pag-alam sa mga alituntunin ng paglilinis sa paglalakbay at paglalayag.

Sa mga paglalakbay ay maraming mag-iiba sa mga tao sa kung ano ang nakasanayan niya sa kanyang pananahan (pananatili) at gayun din ang pagkakaroon ng mga bagay sa malapit sa kanya. Isinalaysay ni Abi hurairah -kaluguran nawa siya ng Allah-, sinabi ng propeta ﷺ: "Ang paglalakbay ay isang piraso ng pagdurusa, Pinipigilan ng isa sa inyo ang kanyang pagkain, inumin at pagtulog, Kung maibsan na niya ang kanyang gutom, hayaan siyang magmadali sa kanyang pamilya", (Al-bukharie 1804, 3001, 5429, at Muslim 1927), kaya kailangan sa sinumang pupunta sa mga paglalakbay na malaman niya ang maraming bagay sa mga usapin ng paglilinis at ibapa bukod dito, at ilan dito:

1- pagpili ng lugar na nababagay para sa paggamit ng palikuran.

Ipinagbabawal ang pagbawas at pagdumi sa mga lugar na madalas pinupuntahan ng mga tao mula sa mga silungan O puno O lugar na nakahanda para sa pag-upo ng iba dito.

at nabanggit ng mga 'Ulamã' (pantas) na kung siya ay nasa diserto O kagaya nito, at nais niyang magbawas o dumumi; kanais-nais sa kanya na maghanap ng malambot na lugar; upang makaiwas na madumihan mula sa ihi at hindi siya matalsikan ng mga talsik ng kanyang ihi, at iwasan niya ang matigas na lupa, at gayundin sa mga tinatamaan ng hangin.

2- Ang pagtatago habang nagbabawas O dumudumi

Obligado ang pagtatago mula sa mga tao habang dumudumi, maaaring sa paglalagay ng harang O paglayo sa mga tao, batay sa hadith ni Al-mughira bin Shu'bah sinabi niya: nakasama ko ang propeta ﷺ sa paglalakbay at sinabi niya: "O mughirah! kunin mo ang idãwa (maliit na tabo) kaya kinuha ko ito at umalis ang Sugo ng Allah ﷺ hangang sa nagtago siya sa akin at ginawa na niya ang kanyang kailangan". (Al-bukharie 363, at Muslim 274) at sa ibang hadith: "at kapag dinatnan siya ng kailangan (nakadama ng pagdumi) ay lumalayo siya" (Ahmad 15660).

At sa hadith ni Abdullah bin ja'far binanggit niya ang propeta ﷺ: "Ang pinaka gustong pagtaguan ng Sugo ng Allah ﷺ sa kanyang pangangailangan (pababawas) ay ang mga puno ng palma", (Muslim 342), at nabanggit din sa ibang hadith: "na kapag gusto niyang magbawas ay hindi niya itinataas ang kanyang damit hanggat hindi siya nakababa sa lupa", (Abu dawod 14) dahil sa pagtatago nito,

Ang Tayammom (PagWudu na gamit ang buhangin)

Ang Tayammom ay isang Uri ng paglilinis para sa pagdarasal, sa sandaling walang tubig, O kawalan ng kakayahan na gumamit nito, at ang paraan nito: Ang paglapag ng isang muslim sa kanyang dalawang kamay sa lupa, pagkatapos ay ipahid niya ito sa kanyang mukha, pagkatapos pahiran niya ang kanyang kanang kamay sa ibabaw gamit ang kaliwang kamaya, pagkatapos ay ang kaliwang kamay gamit ang kanang kamay.

Kakailanganin ng isang muslim ang tayammom sa paglalakbay ng madalas kaysa sa nananahan, at iyon ay dahil sa dami ng puweding maging dahilan ng pagpapahintulot nito, kagaya ng ganap na pagkawala ng tubig, O kakaunti lang ito at kailangan ito sa pag-inom at katulad nito.

O pagkakaroon ng matinding hirap sa pagwu-wudu gamit ang tubig; dahil sa tindi ng lamig O sakit, at ito ay madalas na nangyayari sa paglalakbay, At ang tinutukoy na lamig ay yaong nagpapahirap sa tao, na puwedi siyang magkaroon ng sakit O matinding hirap sa paggamit nito, patungkol naman sa karaniwang lamig ay hindi ito isang dahilan.

At ito ay ipinag-utos sa sandaling walang malapit na puweding pagkukunan ng tubig kung ito ay wala, O walang puweding painitan nito kung masyadong malamig.

Ang pagpahid sa Khuffayn (dalawang medyas na gawa sa balat)

Ang pagpahid sa Khuffain: Ito ay kung isinuot ang Khuff (sapatus na mula sa balat na natatakpan niya ang dalawang paa) O medyas O katulad ng dalawa na nakakatakip ng dalawang paa sa ganap na kalinisan nito mula sa dalawang hadath (ritwal na karumihan) ang malaki at ang maliit, kapag nagWudu at natapos niyang pahiran ang kanyang ulo ay hindi na niya kailangan na hubarin ang kanyang Khuff upang hugasan ang dalwang paa, bagkus pahiran lang niya sa ibabaw ang kanyang paa mula sa ibabaw ng Khuffayn.

Kinakailangan upang maging tama ang pagpahid sa khuffayn na nasa kalinisan ang mga ito, at natatakpan nila ang dalawang paa (hanggang sa itaas ng bukong-bukong), at isuot ito ng tao pagkatapos niya magwudu ng ganap na Wudu na nahugasan dito ang dalawang paa, at puwedi niya ito pahiran pag tuloy-tuloy ang pagsusuot niya nito sa tagal na isang araw at gabi kung nananahan, at tatlong araw at mga gabi nito kung naglalakbay.

at kailangan niya itong hubarin kapag gusto niyang magwudo pagkatapos ng takdang oras ng pagpahid, O kung kinakailangan niyang maligo dahil sa pakikipagtalik at kagay nito, O kung isinuot niya ito ng hindi nakapagWudu ng ganap, at mag linis (wudu) siya ng ganap na paglilinis kasama ang paghugas ng dalawang paa,

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit