Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa pagkakaroon ng Allah

Ang matatag na paniniwala sa pagkakaroon ng Allah na Kataas-taasan.

  • Ang pag-alam sa mga patunay ng pagkakaroon ng Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan

Ang kahulugan ng paniniwala sa Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan

Ito ay ang matatag na paniniwala sa pagkakaroon ng Allah na Kataas-taasan, pagkilala at pagtanggap sa Kanyang Pagkapanginoon, sa Kanyang Pagkadiyos, at sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian

Ang pagpapatirapa ay isa sa pinakadakilang mga palatandaan ng pagpapakumbaba sa Tagapaglikha na Tigib ng Kaluwalhatian at Kataas-taasan.

Ang likas na relihiyon ng Allah

Ang pagkilala sa pagkakaroon ng Allah na Kataas-taasan ay isang likas na bagay sa tao na hindi nangangailangan ng anumang pagpapakahirap para patunayan ito, at ito ang dahilan kung bakit nakilala ng karamihan sa mga tao ang pagkakaroon ng Allah sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga relihiyon at doktrina.

Kaya kami ay nararamdaman namin mula sa ilalim ng aming mga puso na Siya ay mayroon, dumudulog kami sa Kanya sa panahon ng mga kahirapan at kalamidad, sa ating paniniwalang kalikasan at likas na ugali ng pagiging relihiyoso na itinalaga ng Allah sa kaluluwa ng bawat tao, at kahit sinubukan ng ilang mga tao na burahin ito at ipawalang bahala ito.

At narito tayong nakakarinig at nakakasaksi sa pagtugon ng mga nananawagan, at sa pagkaloob ng mga nananalangin, at sa pagtugon ng mga naghihikahos na kung saan ay nagpapahiwatig ng isang walang pag-aalinlangang patunay sa pagkakaroon Niya na Kataas-taasan.

Ang katibayan sa pagkakaroon ng Allah ay mas malinaw kaysa sa mababanggit at malimitahan, at ang ilan sa mga iyon:

Alam sa bawat tao na ang isang aksidente ay dapat magkaroon ng isang tagaganap nito, at ang napakaraming mga nilalang na ito na nakikita natin sa lahat ng oras ay dapat magkaroon ng isang Tagapaglikha na lumikha sa mga ito, At Siya ang Allah na Makapangyarihan at Kapita-pitagan, sapagkat hindi tanggap na magkaroon ng isang nilalang ng walang Tagapaglika na lumikha dito, gaya ng hindi pagtanggap na siya ang lumikha sa sarili nito, sapagkat ang isang bagay ay hindi lumilikha ng sarili nito. Batay sa sinabi ng Kataas-taasan: {O sila ay nilikha mula sa wala, o sila ang mga manlilikha}. (At-Tur: 35) at ang kahulugan ng Talata na ito: Tunay na sila ay hindi nilikha ng walang tagapaglikha, at hindi rin naman sila ang lumikha sa kanilang mga sarili, samakatuwid malinaw na ang kanilang Tagapaglikha ay Siya, ang Allah na Tigib ng Biyaya at Kataas-taasan.

Tunay na ang pagiging regular ng uniberso na ito kasama ang kalangitan, kalupaan, mga bituin at mga puno ay nagpapahiwatig ng tiyak na katibayan na ang sansinukob na ito ay may isang Lumikha, at Siya ang Allah na Maluwalhati at Kataas-taasan: {Ito ang Gawa ng Allah na Siyang nagpapangyari ng lahat ng bagay sa ganap na ayos}. (An-Naml: 88)

Ang mga planeta at bituin na ito - halimbawa - ay tumatakbo sa isang nakapirming system na hindi nagbabago, at ang bawat planeta ay naglalakbay sa isang orbito na hindi humihigit dito at hindi lumalagpas. Sinasabi ng Kataas-taasan: {Hindi marapat na maabot ng araw ang buwan, gayundin ang gabi na maunahan ang maghapon. Ang bawa’t isa (sa mga ito) ay tumatahak sa orbito (landas nito)}. (Ya Sin: 40)

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit