Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang pakikipaglaban sa pamahiin sa mga sarili

Ang Islam ay relihiyon ng magandang kalikasan at nang tamang pag-iisip, at dahil diyan nilalabanan nito ang lahat ng uri ng mga pamahiin at mga kathang isip na sumisira sa mga tao sa kanilang relihiyon at sa mundo. at sa aralin na ito, malalaman mo ang ilan sa mga iyon.

  • Ang pag-alam sa pananaw ng islam sa mga pamahiin at mga kathang isip.
  • Ang pag-alam sa hatol ng Islam sa ilang mga maling paniniwala.
  • Ang mga arabo at ang mga pamayanan noon sa pangkalahatan bago ang Islam ay isang hostage ng mga alamat, pamahiin at ilusyon na kung saan ay lumaganap ito sa lupa, at wala sa mga bansa ang nakaligtas dito, hanggang sa inakala ng mga arabo - sa unang pagkakataon - na ang marangal na Qur'an ay isang uri ng mga alamat at salamangka

    Kaya nang dumating ang Islam sa pamamagitan ng liwanag at patnubay nito ay pinalaya ang kaisipan mula sa kapangyarihan ng mga pamahiin, alamat at ilusyon sa pamamagitan ng mga batas at panuntunan na ginagarantiyahan ang kalinawan ng isip at kaluluwa, at ang pag-uugnay ay tuwiran nang dumirekta sa Allah lamang at wala ng iba bukod sa kanya, at ang ilan dito

    Pakikipaglaban sa mahika at pangkukulam

    Ipinagbawal ng Islam ang mahika, pangkukulam at ang pagsasalita ng kapalaran sa lahat ng uri nito, at ginawa itong isang uri ng shirk (pagtatambal) at pagkaligaw, at ipinabatid na ang salamangkero ay hindi magtatagumpay sa mundo, ni sa huling araw. Kaya sinabi ng Kataas-taasan: {At hindi magtatagumpay ang salamangkero saan man siya magmula}. (Taha: 69)

    Ipinagbabawal din para sa isang Muslim na pumunta sa mga salamangkero at manghuhula, magtanong sa kanila, humingi ng kalunasan o gamot at ng isang solusyon mula sa kanila, at inilarawan na ang sinuman ang gumawa nito ay tunay na nagtakwil sa anumang ibinaba sa Sugo ng Allah, sapagkat ang kapakinabangan at kapinsalaan ay nasa Kamay ng Allah, at ang lingid ay walang nakakaalam nito maliban sa Kanya, sinabi niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Sinuman ang pumunta sa isang manghuhula at kanyang tinanong ito at pinaniwalaan. Sa katotohanan siya ay nagtakwil sa anumang ibinaba kay Muhammad." (Al-Hakim: 15)

    Ang kapakinabangan at kapinsalaan ay nasa Kamay ng Allah, kaluwalhatian sa Kanya

    Nilinaw ng Allah na Kataas-taasan na ang lahat ng mga nilalang, kabilang ang mga tao, jinn, puno, bato at planeta, gaano man dumakila ang mga ito, wala ang mga ito kundi mga tanda ng kadakilaan ng Kanyang paglikha, Kaluwalhatian sa Kanya, at walang tao na mayroong pambihirang kapangyarihan na nakakaapekto sa sansinukob. Samakatuwid ang paglikha, pag-uutos, kapangyarihan at pangangasiwa ay nasa pag-uutos ng Allah, Maluwalhati Siya at Kataas-taasan, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Katiyakan, angkin Niyang kapangyarihan ang paglikha at pag-uutos, Maluwalhati ang Allah, ang Panginoon ng mga nilalang}. (Al-A`raf: 54)

    At sinuman ang nagmuni-muni sa kadakilaan ng mga nilalang na ito at mga subtleties ng pagkalikha sa mga ito, kanyang mabatid na ang tagapaglikha nito ay Siya ang Tagapamahala, ang May Kapangyarihan at ang Tagapangasiwa na ibinabaling ang lahat ng uri ng pagsamba para sa Kanya, wala ng iba maliban sa Kanya. Kaya Siya ang Tagapaglikha at ang bukod sa Kanya ay nilikha, sinabi ng Kataas-taasan: {At ang ilan sa Kanyang mga Tanda ay ang gabi, ang maghapon, ang araw, at ang buwan, huwag kayong magpatirapa sa araw, ni sa buwan, bagkus magpatirapa kayo sa Allah na lumikha sa mga ito, kung kayo ay sa Kanya lamang sumasamba}. (Fussilat: 37)

    Walang nakakaalam ng Ghaib (lingid) at hinaharap maliban sa Allah

    Ipinabatid ng Allah na Kataas-taasan na ang Ghaib (lingid) at hinaharap ay walang nakakaalam nito maliban sa Kanya, Maluwalhati Siya, at sinuman ang nag-angkin ng kaalaman sa Ghaib mula sa mga manghuhula at mangkukulam, samakatuwid siya ay sinungaling, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {At nasa Kanya ang mga susi ng Ghaib, walang nakakaalam nito maliban sa Kanya}. (Al-An`am: 59)

    Bagkus, tunay na ang pinakamabuting nilalang at pinakamarangal sa kanila ay ang Sugo ng Allah - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - siya ay walang angking kapangyarihan para sa kanyang sarili na magdulot ng kapinsalaan, ni kapakinabangan, at hindi niya batid ang Ghaib at ang hinaharap, kaya paano ang tungkol sa isang taong mas mababa sa kanya sa karangalan at katayuan, tulad ng sinabi ng Kataas-taasan: {Sabihin mo: Wala akong angking kapangyarihan para sa aking sarili ng anumang kapakinabangan, ni ng kapinsalaan maliban sa kung ano ang nais ng Allah, at kung batid ko nga ang Ghaib, tiyak na magpaparami ako ng mabuti at hindi ako dadapuan ng masama, wala ako kundi isa lamang tagababala at tagapaghatid ng magandang balita sa mga taong naniniwala}. (Al-A`raf: 188)

    Ipinagbawal ang masamang pangitain at ang pesimismo

    Ipinagbawal ng Islam ang masamang pangitain at ang pesimismo sa pamamagitan ng mga bagay, mga kulay, mga kasabihan at mga tulad nito, at ipinag-utos ang mabuting pangitain at ang positibong pananaw sa hinaharap.

    Ang halimbawa ng masamang pangitain: Ang sinumang nagpapapesimistiko tungkol sa kanyang paglalakbay o pagbibiyahe kapag nakakita ng isang uri ng mga ibon o narinig niya ang kanyang boses sa simula ng kanyang pagbibiyahe, at maaring naputol niya ito at hindi niya nakumpleto, at sa katunayan ay inilarawan ng Sugo - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - iyon na ito ay Shirk (pang-iidolo) kaya sinabi niya: "Ang masamang pangitain ay Shirk." (Abu Daud 3912 Ibn Majah 3538); sapagka't iyon ay sumasalungat sa matatag na pananampalataya ng isang Muslim na ang Allah ang Siyang Tagapangasiwa ng sansinukob, ang nakaaalam ng Ghaib (lingid), Siya lamang at wala nang iba. Kaya ipinagbawal ng Islam ang pesimismo at ang pag-asa ng kasamaan dahil lamang sa isang pangitain o pagkarinig ng isang uri ng mga ibon o mga hayop.

    Sa kabilang banda, ipinag-utos niya ang mabuting pangitain, ang pag-asa ng kabutihan, ang mabuting pag-aakala sa Allah at ang pagpili ng mga salita na tumutukoy sa Kanya. At tunay na siya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ay lagi niyang: "Kinagigiliwan ang mabuting pangitain, ang magandang salita." (Al-Bukhari: 5776 Muslim 2224).

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit