Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang paniniwala sa mga Kasulatan

Ang paniniwala sa mga aklat na ibinaba mula sa Allah ay isang haligi mula sa haligi ng pananampalataya (paniniwala). matututunan mo sa araling ito ang kahulugan ng paniniwala sa mga aklat, kahalagahan nito, mga pangalan ng ilan dito, at katayuan natin sa mga aklat na mayroon sa kasalukuyan.

  • Ang pag-alam sa kahulugan ng paniniwala sa mga aklat at kahalagahan nito.
  • Ang pag-alam sa katayuan ng muslim sa mga aklat na umiiral (mayroon) ngayon.
  • Ang pag-alam sa Obligasyon ng mga muslim sa banal na Qur'ãn.
  • Ang kahulugan ng paniniwala sa mga Kasulatan

    Ang matatag na paniniwala na ang Allah na Kataas-taasan ay mayroong mga Aklat na ibinaba Niya ang mga ito sa Kanyang mga Sugo para sa Kanyang mga alipin, at na ang mga Aklat na ito ay Salita ng Allah na Kataas-taasan, Siya ay nangusap sa pamamagitan ng mga ito nang tunay ayon sa naaangkop sa Kanyang Kaluwalhatian, at na ang mga Aklat na ito ay naglalaman ng katotohanan, liwanag at patnubay sa dalawang tahanan (sa mundo at sa kabilang buhay) para sa sangkatauhan.

    Ang kahalagahan ng paniniwala sa mga Aklat

    Ang paniniwala sa mga Aklat ay isa sa mga haligi ng Pananampalataya. Sinabi ng Kataas-taasan: {O kayong mga mananampalataya, maniwala kayo sa Allah, sa Kanyang Sugo at sa Kanyang Aklat na ibinaba Niya sa Kanyang Sugo at sa Aklat na ibinaba Niya noong una}. (An-Nisa': 136) Samakatuwid ipinag-utos ng Allah ang paniniwala rito at sa Kanyang Sugo, at sa Aklat na ibinaba Niya sa Kanyang Sugo - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - at ito ay ang Qur'an, kung saan ay ipinag-utos din Niya ang paniniwala sa mga Aklat na ibinaba bago ang Qur'an.

    At siya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ay nagsabi tungkol sa Pananampalataya: "Na ikaw ay maniwala sa Allah, sa Kanyang mga anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Sugo at sa huling araw, at ikaw ay maniwala sa tadhana, ang mabuti nito at ang masama nito." (Muslim: 08).

    Ano ba ang napapaloob sa paniniwala sa mga Aklat?

    ١
    Ang paniniwala na ang pagbaba sa mga ito ay tunay na nagmula sa Allah.
    ٢
    Ang paniniwala na ang mga ito ay Salita ng Allah, Maluwalhati Siya at Kataas-taasan
    ٣
    Ang paniniwala sa anumang pinangalanan ng Allah mula sa Kanyang mga Aklat, tulad ng marangal na Qur'an na ibinaba sa Propeta nating si Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at sa Tawrah (Torah) na ibinaba kay Musa (Moises) - sumakanya ang kapayapaan, at sa Injeel (Ebanghelyo) na ibinaba kay Isa (Hesus) - sumakanya ang kapayapaan.
    ٤
    Pinaniniwalaan namin ang mga balita ng mga sinaunang mga aklat kung ano ang pinatotohanan dito ng banal na Qur'ãn, O ang pinatunayan ng wastong Sunnah, at pinasinungalingan namin kung ano ang pinasinungalingan ng Qur'ãn at Sunnah, at nanahimik kami sa natira kaya hindi namin ito pinatotohan at hindi namin pinasisinungalingan.

    Ano ang katayuan natin tungkol sa mga naunang Aklat?

    Ang isang Muslim ay naniniwala na ang Tawrah (Torah) na ibinaba kay Musa (Moises) - sumakanya ang kapayapaan, at ang Injeel (Ebanghelyo) na ibinaba kay Isa (Hesus) - sumakanya ang kapayapaan - ay totoo mula sa Allah na Kataas-taasan, at tunay na sumasaklaw ang dalawang ito ng mga alituntunin, mga payo at mga balita na naglalaman ng patnubay at liwanag para sa mga tao sa kanilang kabuhayan, buhay at sa hinaharap. Ngunit ipinabatid sa atin ng Allah na Kataas-taasan sa marangal na Qur'an na ang mga angkan ng kasulatan sa mga Hudyo at Kristiyano ay binago ang kanilang mga Aklat, dinagdagan nila ang mga ito at binawasan nila ang mga ito, kaya't hindi nanatili ang mga ito tulad ng pagkapahayag sa mga ito ng Allah na Kataas-taasan.

    Sapagkat ang Tawrah (Torah) na umiiral sa ngayon ay hindi ang Tawrah na ibinaba kay Musa (Moises) - sumakanya ang kapayapaan - dahil ang mga Hudyo ay binago nila, pinalitan nila at pinaglaruan nila ang marami sa mga alituntunin nito. Sinabi ng Kataas-taasan: {Mayroon sa mga yaong Hudyo ang nagbabago sa mga Salita mula sa mga kinalagyan nito}. (An-Nisa': 46)

    Pati na rin ang Injeel (Bibliya) na mayroon ngayon ay hindi ang Injeel na siyang naipahayag kay Isa (Jesus) - sumakanya ang kapayapaan-, sa katunayan tunay na binago ng mga Kristiyano ang Injeel, at pinalitan nila ang marami sa mga alituntunin nito, ang Allah ay nagsabi tungkol sa mga Kristiyano: {At sa mga yaong nagsabi na kami ay mga Kristiyano, kinuha Namin ang kanilang kasunduan, datapuwat kinalimutan nila ang isang magandang bahagi na ipinaalala sa kanila. Kaya nagtanim kami sa pagitan nila ng awayan at pagkapoot sa isa't isa hanggang sa Araw ng Pagbabangong Muli, at katiyakan na ilalahad ng Allah sa kanila ang anumang dati nilang pinaggagawa}. (Al-Maidah: 14).

    At dahil dito ay natatagpuan natin na ang tinatawag na Banal na Aklat sa mga kamay ng Angkan ng Kasulatan ngayon, na naglalaman ng Tawrah (Torah) at Injeel (Ebanghelyo) ay sumasaklaw ng maraming mga masasamang paniniwala, mga balitang walang kabuluhan at mga kuwentong kasinungalingan.

    Kalakip ng paniniwala natin na ang Tawrah (Torah) at Injeel (Ebanghelyo) na umiiral sa ngayon ay nahaluan ng pagbabago at pagpapalit tulad ng ipinabatid ng Quran, subalit ang isang Muslim ay iginagalang ang mga Aklat na iyon at hindi niya hinahamak at hindi niya sinisiraan ang mga ito, sapagkat maaaring naglalaman sa kalooban nito ng isang bagay na labi ng Salita ng Allah na hindi nabago.

    Ano ang tungkulin natin tungo sa Marangal na Quran?

    ١
    Dapat nating mahalin ang Qur'an, dakilain ang halaga nito at igalang ito, dahil ito ay Salita ng Tagapaglikha na makapangyarihan at Kapita-pitagan, kaya ito ang pinakamakatotohanan at pinakamabuti na salita.
    ٢
    Dapat nating bigkasin ito at basahin ito, habang minumuni-muni ang mga talata at surah nito, at mapagnilay-nilay natin ang mga aral ng Quran, ang mga balita at mga kuwento nito, at isalang natin dito ang ating buhay upang makilala natin ang katotohanan mula sa kabulaanan.
    ٣
    At dapat nating sundin ang mga alituntunin nito, at ipatupad ang mga utos nito at ang magagandang kaasalan nito, at gawin itong isang tuntunin ng buhay natin.

    Nang si Aishah - kalugdan siya ng Allah - ay tinanong tungkol sa kaugalian ng Propeta - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, sinabi niya: "Ang kanyang kaugalian ay ang Qur'an." (Ahmad: 24601.

    Ang kahulugan ng Hadith: Na ang Sugo - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - sa kanyang buhay at sa kanyang mga gawa ay praktikal na paglalapat ng mga probisyon ng Qur'an at mga batas nito. Sa katunayan nakamit niya - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan - ang pagiging perpekto ng pagsunod sa patnubay ng Qur'an, at siya ang mabuting halimbawa para sa bawat isa sa atin, tulad ng sinabi Niya, luwalhatiin Siya: {Sa katotohanan, mayroon kayong magandang halimbawa sa Sugo ng Allah para sa sinumang umaasa sa Allah at sa Huling Araw at naaalala ang Allah nang madalas}. (Al-Ahzab: 21).

    Ang pagpapadali sa pagsasaulo ng Quran at pagbigkas nito sa iba't ibang bahagi ng mundo na may iba't ibang mga wika at pangyayari ay ang pinakadakilang katibayan ng pangangalaga ng Allah sa dakilang aklat na ito.

    Ang mga kalamangan at katangian ng Marangal na Quran:

    Tunay na ang Marangal na Qur'an ay Salita ng Allah na Kataas-taasan na ibinaba sa ating Propeta at ating halimbawa, na si Muhammad - sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan, at pagkatapos nun ang isang mananampalataya ay dinadakila ang aklat na ito, at nagsisikap na panghawakan at maitaguyod ang mga alituntunin nito, ang pagbasa at pagninilay-nilay nito, at sapat na, na ang Qur'an na ito ang aming gabay sa mundong ito, at ang dahilan ng aming tagumpay sa Kabilang Buhay. Ang Marangal na Qur'an ay maraming mga kalamangan at may iba't ibang mga katangian na natatangi lamang dito mula sa mga nakaraang Aklat na makalangit, kabilang na dito ang:

    1- Na ang Marangal na Qur'an ay naglalaman ng isang buod ng banal na mga batas.

    At dumating ito upang suportahan at patunayan ang anumang nakasaad sa mga nakaraang aklat hinggil sa utos na sumamba sa Allah lamang. Sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {At ibinaba Namin sa iyo ang Aklat na may katotohanan, na nagpapatunay sa anumang nauna pa rito na Aklat at tumatayong saksi para rito}. (Al-Maidah: 48). At ang kahulugan ng: {nagpapatunay sa anumang nauna pa rito na Aklat}: Ibig sabihin ay sumasang-ayon ito sa anumang nakasaad na mga balita ng mga nakaraang aklat, at anumang nakasaad dito na mga paniniwala, at ang kahulugan ng {At tumatayong saksi para rito}: Ibig sabihin ay tumatayong suporta at saksi sa anumang nauna pa rito na aklat.

    2- Tunay na Ito ay isinasatungkulin sa lahat ng mga tao, sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga wika at mga lahi na panghawakan ito.

    At ang paggawa sa napapaloob nito, gaano man kahuli ang kanilang panahon mula sa oras ng pagbaba o pagpapahayag ng Qur'an, kaiba sa mga nakaraang aklat, sapagkat ang mga ito ay para sa mga tukoy na tao sa isang natatakdaang panahon, sinabi ng Kataas-taasan: {Ipinahayag sa akin ang Quran na ito upang balaan kayo sa pamamagitan nito at at sinumang abutan nito}. (Al-An`am: 19).

    3- Na ang Allah na Kataas-taasan ang tunay na tumayong Tagapanagot sa pangangalaga ng Marangal na Quran

    Kaya hindi umabot dito ang kamay ng pagbaluktot, at hindi aabot dito kailanman tulad ng sinabi ng Maluwalhati: {Katotohanan, Kami ang nagbaba ng paggunita (Quran), at Kami ang tunay na Tagapag-alaga nito}. (Al-Hajar: 09) At dahil dito, ang lahat ng mga balita nito ay totoo na dapat paniwalaan.

    Ang paniniwala sa mga Aklat ay may maraming magagandang bunga, ang ilan sa mga ito:

    ١
    Ang pagkaalam sa pag-aalaga ng Allah na Kataas-taasan sa Kanyang mga lingkod at ang pagiging ganap ng Kanyang habag, kung saan ay nagpadala Siya sa bawat pamayanan ng isang aklat upang patnubayan sila sa pamamagitan nito, at upang bigyan ng katotohanan sa kanila ang tunay na kaligayahan sa mundong ito at sa huling araw.
    ٢
    Ang pagkaalam sa walang hanggang karunungan ng Allah na Kataas-taasan sa Kanyang batas, kung saan isinabatas Niya para sa bawat pamayanan ang anumang naaangkop sa kanilang mga kalagayan at nababagay sa kanilang mga katauhan, tulad ng sinabi ng Allah na Kataas-taasan: {Sa bawat isa ay gumawa Kami sa inyo ng batas at kaparaanan}. (Al-Ma'idah: 48).
    ٣
    Ang pasasalamat sa biyaya ng Allah sa pagbaba Niya ng mga Aklat na ito, sapagkat ang mga Aklat na ito ay liwanag at patnubay sa mundong ito at sa huling araw, at pagkatapos ay dapat nating pasalamatan ang Allah dahil sa mga dakilang pagpapalang ito.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit