Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Mga lehitimong kuta (pananggalang)
Sa pagtaas ng alon ng takot sa mga tao tungkol sa mga sakit at epidemya; Ang isang Muslim, habang ginagamit ang materyal na dahilan, ay po-protektahan din niya ang kanyang sarili ng mga pang-iwas na lehitimong dahilan
Ang una, pinakamahalaga, at pinakadakilang bagay na ipananggalang ng mananampalataya sa panahon ng mga krisis at kalamidad; ay ang dumulog sa Allah na Makapangyarihan sa lahat at kumapit nang mahigpit at humingi ng Kanyang proteksyon upang itakwil ang mga masasama, kaya si Yusup -sumakanya ang kapayapaan- noong inakit siya ng Babae (Asawa) ng kamahalan (ng Ehipto) {Nagsabi siya: "Pagpapakupkop kay Allāh!} [Yūsuf: 23], At si maryam -sumakanya ang kapayapaan- noong nagpakita si Anghel jibreel sa kanya (na nag-anyong tao) Unang ginawa niya (ni maryam) {Nagsabi siya: "Tunay na ako ay nagpapakupkop sa Napakamaawain laban sa iyo} [Maryam: 18].
At Ang pagpapakumbaba sa Allah, pagsusumamo at pangangailangan sa kanya, Upang alisin ang kahirapan (o pagsubok) at alisin ang kalungkutan, dahil ang Du'ã' (panalangin) iyan ang pananggalang at armas ng Muslim, Kaya kapag ang kahirapan (pagsubok) ay nangyari dahil sa tadhana (itinakda) ng Allah, tanging pagsusumamo ang makakapigil nito, Sinabi niya ﷺ: "walang makakapigil (makakaiba) sa tadhana maliban sa panalangin", (At-tirmizie 2139).
At Paghingi ng lunas sa pamamagitan niya (Ang Qur'ãn) ay siyang lunas sa lahat ng sakit na nararamdaman o retwal na sakit {Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya...} [Al-Isrã': 82], At Sa pamamagitan ng pananampalataya, katiyakan at katapatan, ang mga dahilan para sa pagpapagaling ay tumataas batay sa sinabi niya na kataas-taasan (Allah): {...Sabihin mo (O muhammad): "Ito para sa mga sumampalataya ay isang patnubay at isang lunas."...} [Fussilat: 44].
At ang buong Qur’an ay isang lunas, Ngunit ang ilang mga surah at talata ay mas malakas ang Epekto kaysa sa iba. tulad ng Surah Al-Fatihah, Al-Mu'awwidhat (mga surah na may pagpapakupkop), at Ayat Al-Kursi, sinabi ni ibn Al-Qayyim -kaawan siya ng Allah-: "at kung pagbubutihin lang sana ng Alipin (tao) ang pagpapalunas sa Al-Fãtihah, tiyak na makikita niya ang nakamamanghang epekto nito sa paglunas. at Nanatili ako ng ilang sandali sa Makkah, dumaranas ng mga sakit, at wala akong mahanap na doktor o gamot, kaya ginagamot ko noon ang aking sarili sa pamamagitan ng Al-Fãtihah, at nakikita ko sa kanya ang nakamamanghang epekto, at Inirerekominda ko ito sa sinumang may iniindang sakit; at Marami sa kanila ang mabilis na gumaling".
Lalo na ang pagdarasal sa bukang liwayway; batay sa sinabi niya ﷺ: "Ang sinumang nagdarasal Subh (dasal sa bukang liwayway) ay nasa ilalim ng proteksyon ng Allah", (Muslim 657).
Isa sa mga mahalagang pananggalang ay ang pananalangin kapag nakakita ng mga may sakit at mga nahihirapan, batay sa hadith: "sinumang nakikta ng nahirapan at sabihin niya: “AL’HAMDULILLA-HIL LA’THEE ‘A-FA-NI MIMMAB TALA-KA BIHI WA FA’DDALANI ‘ALA KATHEERIN MIMMAN ‘KHALAQA TAF’DI-LAN.” (“Ang lahat ng pagpupuri ay para sa Allah, na Siyang nagligtas sa akin mula sa mga pagsubok na iyong dinaranas at binigyan ako ng labis na pagtangkilik ayon sa dinami-dami Niyang mga nilikha.”) ay hindi siya tatamaan ng pagsubok (sakit O paghihirap) na iyon". (At-tirmizie 3432).
Sapagkat sa pagpapanatili ng pag-alaala sa Allah -na Makapangyarihan sa lahat- ay higit na mabuti sa buhay na ito at isang malaking gantimpala sa kabilang buhay. at ang mga pagsasangguni (pag-alaala sa Allah) sa umaga at gabi ay isa sa pinakamahalagang mga pagsasangguni (pag-alaala sa Allah) na dapat panatilihin ng isang muslim, at ilan sa mga benepisyo nito: Ang kaluwagan ng dibdib, kapanatagan ng puso, at laging kasama ng Allah (dahil sa palagiang pagsasanguni sa kanya), at babanggitin niya ang kanyang alipin sa kataas-taasan.
Ilan sa mga lehitimong panalangin, mga pagsasangguni at mga pananggalang (kuta):
Pagbigkas (pagbabasa) ng Ayat al-Kursi bago matulog:
at sa isang hadith na may isang nagsalita, sinabi niya kay abi hurairah -kaluguran siya ng Allah-: kapag humiga ka sa iyong kama para matulog, bigkasin mo ang ãyat al-kursi; hinding hindi maaalis ang pangangalaga sa iyo mula sa Allah, at hindi ka lalapitan ng Shaitan (satanas) hanggang sa umaga, kaya sinabi ng propeta ﷺ: "Nagsabi siya sa iyo ng totoo, habang siya ay napakasinungaling, iyon ay isang demonyo (Shaitan)", (Al-bukharie 3275).
Pagbabasa (pagbigkas) ng huling dalawang talata mula sa Surah Al-Baqarah:
isinalaysay ni abi mas-od -kaluguran siya ng Allah- isinalaysay ng propeta ﷺ sinabi niya: "Sinumang bumigkas ng huling dalawang talata mula sa surah Al-baqarah sa isang gabi ay sapat na sa kanya (na makataboy ng mga masasama)", (Al-bukharie 5008, Muslim 808).
Ang maraming Tasbeeh (pagluwalhati sa Allah) at paghingi ng kapatawaran:
Kung ang alipin ay patuloy na lumuluwalhati at humihingi ng kapatawaran, itataboy ng Allah ang kasamaan at kapighatian mula sa kanya. sinabi ng (Allah na) kataas-taasan: {Hindi nangyaring si Allāh ay ukol magparusa sa kanila habang ikaw ay nasa kanila. Hindi mangyayaring si Allāh ay magpaparusa sa kanila habang sila ay humihingi ng tawad} [Al-Anfãl: 33].