Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang riba (pagpapatubo)

Aalamin natin sa aralin na ito ang konsepto ng riba (pagpapatubo) at ang ilang mga alituntunin na kaugnay nito sa islamikong batas.

  • Ang pag-alam sa riba at ang hatol nito sa batas ng islam.
  • Pag-alam sa layunin ng pagbabawal sa riba.
  • Pagpapaliwanag sa mga pinsala ng riba.
  • Pagpapaliwanag sa paraan ng pagtawba (pagsisisi at pagbalik-loob) mula sa riba.

Napapaloob sa wagas na layunin ng Allah Na ang riba ay kasama sa mga pinakamalaking ipinagbabawal sa islamikong batas, at tunay na ito ay naging bawal sa mga mamamayan na nauna sa atin, dahil sa kalakip nito na kasiraan at malaking kapahamakan sa lipunan at sa indibidwal nito, sinabi ng Allah: {Kaya dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa mga nagpakahudyo ay nagbawal kami sa kanila ng mga kaaya-ayang ipinahintulot [dati] sa kanila, at dahil sa pagsagabal nila sa landas ni Allāh nang madalas, at pagkuha nila ng patubo, gayong sinaway na sila kaugnay rito...} [An-Nisã': 160-161].

At ilan sa maglilinaw sa panganib ng riba, ay Ang matinding banta na naitala ukol dito, sinabi ng Allah: {O mga sumampalataya, mangilag kayong magkasala kay Allāh at iwan ninyo ang anumang natira mula sa patubo kung kayo ay mga mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo ginawa, tumiyak kayo ng isang digmaan mula kay Allāh at sa Sugo Niya} [Al-Baqarah: 278-279]. samakatuwid ay hindi pinahihintulutan ng Allah ang riba at ipinagbabawal niya ito, at binantaan niya ang gumagawa nito ng digmaan.

At tiniyak ng propeta ﷺ ang pagkabawal nito, at ang matinding banta laban dito, at sa salaysay ni Jãber -kalugdan siya ng Allah-, siya ay nagsabi: "Isinumpa ng Sugo ng Allah ﷺ Ang kumakain ng riba (patubo), ang nagpapakain nito, ang nasulat (ng kasunduan) nito at ang mga sumaksi nito, at sinabi niya: sila ay pare-pareho", (Muslim 1598).

Ang kahulugan ng Riba

Ang Riba sa wikang arabik ay: Ang pagdagdag at ang paglago, at isa na diyto ang sinabi ng Allah: {... baka may isang kalipunang ito ay maging higit na malago kaysa sa isang kalipunan} [An-Nahl: 92], ibig sabihin ang pinakamaraming bilang.

Ang kahulugan ng Riba

Sa istilãh (ang kahulugan ng riba sa islam) naman! Ang Riba ay: Ang paghihigitan sa mga bagay, at pag-aantala sa mga bagay, partikular sa mga bagay na naitala sa batas ng islam ang pagbabawal nito.

Mga Uri ng Riba

١
Ang Riba ng paghihigitan (patubo)
٢
Ang Riba ng Pag-aantala (pagpapaliban)

Ang Riba ng paghihigitan (fad'l)

Ito ay ang pagdagdag sa mga Uri na naitala o nabanggit sa Qur-ãn o hadith, at ang mga kalakip sa mga uri na ito, at mangyayari ang pagdagdag sa pagpapalitan ng yaman na kasama sa mga uri ng Riba sa kapareho nito; tulad halimbawa ng pagbibenta ng isang Saa (apat na dakot) mula sa bunga ng datiles na maganda Sa dalawang Saa (walong dakot) mula sa bunga ng datiles na hindi maganda.

Ang Riba na pag-aantala (o pagpapaliban)

Mangyayari ito sa pamamagitan ng pagdagdag o pagpapahaba ng termino sa mga bagay na ubligado dito ang agaran na pagbibigayan, at ito ay ang pag-aantala o pagpaliban ng pagkuha sa ibinibenta ng bawat uri na napagkasunduan sa parihong paraan ng Riba na Paghihigitan; tulad ng pagbenta ng isang Saa' (apat na dakot) na burr (trigo) sa isang Saa' na barley na ipinagpapaliban ang pagkuha.

Ang Hatol sa Riba

Ang Riba ay Ipinagbabawal sa Qur'ãn at Sunnah (hadith) at sa ij'mã' (napagkasunduan ng mga pantas sa islam), sinabi ni An-Nawawi -kaawaan siya ng Allah-: "nagkasundo ang mga muslim sa pagbabawal ng Riba at na ito ay kasama sa napakalaking mga kasalanan", Al-majmo'a (9/391).

Ang Layunin sa pagbabawal ng Riba

1- Panghihikayat ng tunay na pang-ekonomiyang aktibidad: dahil ang kumakain ng Riba (patubo) ay hindi niya ini-invest ang kanyang pera sa gawain na produktibo na magbibigay ng pakinabang sa kanyang sarili o sa kumunidad; Sa pagtatanim, Industriya, pangangalakal o iba pa doon.

2- Pagbabawal sa pagkamit ng kita o pera ng walang kapalit: Samakatuwid ay Kinokontrol ng Islam ang mga transaksyong pinansyal sa anumang makabubuti sa magkabilang panig, kaya ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng isang bagay at kukunin niya ang kapalit nito, a ito ay hindi mangyayari sa Riba (patubo).

3- Na ang Riba ay pumuputol sa kabutihan sa pagitan ng mga tao: at ito ay salungat sa hangarin ng Islam na pagpapalaganap ng mabuti at pagpapabuti sa pagitan nila.

4- Pagbabawal sa pananamantala: dahil ang nagpapautang; kadalasan ay sinasamantala niya ang pangangailangan ng umuutang; kaya papautangin niya ito sa Riba (pagpapatubo).

5- Pagbabawal sa pang-aapi o pandaraya: samakatuwid ang Riba ay pandaraya sa isa sa magkabilang panig, at Ang Allah ay nagbabawal sa lahat ng uri ng pandaraya o pang-aapi.

Mga pinsala ng Riba

Mga pinsala ng Riba at mga panganib nito ay napakalaki, at lumalawak ito hanggang sa masakop ang lahat ng aspeto ng buhay ng mga indibidwal at ng kumunidad.

1- Ang mga pinsalang Moral at espirituwal

Haharangan ng Riba ang tumatangkilik sa kanya ng Kasakiman, paninigas ng puso, at pagsamba sa pera; Kaya ipapahintulot niya ang pang-aapi o pandaraya sa iba, at pananamantala sa pangangailangan, kahinaan at kahirapan nila, at sa kabilang banda ay madudurog ang puso ng nangangailangan ng pera, kaya maninikip ang kanyang kaluluwa at ang lupa sa kanyang natanggap na kalupitan.

2- Ang mga pinsala sa lipunan

Ang Riba (pagpapatubo) ay sumisira sa lipunan, kung saan gagawin niya itong watak-watak at hiwa-hiwalay; Kinakain dito ng malakas ang mahina, at wala siyang ni isang tutulungan na iba maliban na ito ay may hinihinging kapalit.

3- Ang mga pinsalang ekonomiya

Nagdudulot ang Riba sa pagkasira ng sistemang ekonomiya sa lahat ng mga antas nito, kaya madagdagan ng madagdagan ang mga utang ng mga indibidwal, at masisira o bababa ang tunay na produksyon na nagbibigay bunga (pakinabang) sa lipunan.

Mga kundisyon ng Pagsisisi o pagbabalik loob sa Allah mula sa Riba

١
Pagtigil sa lahat ng mga uri ng transaksyon sa Riba.
٢
Ang pagsisisi sa anumang nagawang transaksyon sa Riba.
٣
Ang tiyak na pagpapasya sa hindi pagbabalik sa kasalanan na ito.
٤
Pagbalik ng pera na subra sa may-ari nito kung maaari, at kung hindi na pwede sa gayun ay ipamimigay ang perang ito sa mga mahihirap at mga dukha at gugolin ito sa mga nakabubuti.

Matagumpay mong natapos ang aralin


Simulan ang pagsusulit