Ang kasalukuyang seksyon:
Ang aralin Ang Donasyon
Ang Ilan sa mga binigyan ng Allah ng kaluwagan (sa pamumuhay) mula sa mga may kayamanan at madaling pamumuhay ay gusto nilang gawin ang kapiraso sa kanilang mga ari-arian -mula sa anumang mananatili ang puhunan nito at magpapatuloy ang pakinabang nito- na donasyon na magagamit ang kita nito sa kabutihan; upang makamit nila sa pamamagitan nito ang mga kabutihan sa kanilang buhay at pagkatapos mamatay, at upang matiyak sa pamamagitan ng donasyon ang malaking pakinabang para sa mga nangangailangan.
Ito ay ang pagtago sa puhunan ng pera, at pamimigay sa mga pakinabang nito, bilang paghiling ng gantimpala mula sa Allah na kataas-taasan at kapita-pitagan.
Ang hatol sa (sa pagbigay ng) donasyon
Ang Pagbigay ng donasyon ay Kanais-nais, at ito ay isa sa pinaka magandang mga kawanggawa, at pinakamataas na gawain pagpapalapit sa Allah at pagiging matuwid at paggawa ng kabutihan, at higit na marami ang makikinabang at benepisyo; dahil ito ay isa sa mga gawain na hindi napuputol pagkatapos na mamatay.
Ang layunin sa Donasyon
Ipinag-utos ng Allah ang pagbibigay ng donasyon dahil sa napaploob dito na mga kabutihan sa relihiyon, sa mundo at sa kabilang buhay, kaya ang tao ay pinapalaki ang kanyang gantimpala sa pamamagitan ng pagdodonate ng kanyang pera sa pagnanais sa kaluguran ng Allah, at magpapatuloy ang kabutihan nito pagkatapos na mamatay, at ang binigyan ng donasyon na iyon ay makikinabang sa pera na iyon, at lagi niyang ipanalangin ang may-ari ng donasyon; at madadagdagan ang pagkakasundo ng mamamayan.
At ito ay isa sa pinakamahusay na mga kawanggawa; dahil ito ay kawanggawa na mananatiling tuloytuloy sa kabutihan,
Sinabi ng Allah: {Hindi kayo magtatamo ng pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo. at Ang anuman ginugugol ninyo, tunay na si Allāh rito ay Maalam} [Ãl 'Imrãn: 92].
Isinalaysay ni Ibn Umar -kaluguran silang dalawa ng Allah-, sinabi niya: Nakakuha si Umar sa Khaibar ng lupa, kaya lumapit siya sa Propeta ﷺ at sinabi niya: Nakakuha ako ng lupa! wala pa akong nakuhang yaman na makakahigit dito, kaya ano ang i-uutos mo sa akin (na gawin sa lupang ito)? Sinabi ng Propeta ﷺ: "Kung gusto mo ay idonate mo ang lupa at ipagkawang-gawa mo ang anumang kikitain nito", kaya ibinigay ito ni Umar na kawanggawa sa kundisyon na hindi ibibenta ang lupat, hindi ipamigay at hindi mamanahin; bagkus ipamimigay ang mga anumang kitain nito o anumang lumabas mula dito sa mga dukha, sa mga kaanak, sa pagpalaya ng alipin, at sa paggastos alang-alang sa Allah, sa panauhin at ang manlalakbay nangangailangan ng tulong upang makaabot sa kanyang bayan, at wala rin problema sa sinumang nagbabantay ng donasyon na ito na makakain siya sa anumang kinikita nito ayun sa kanyang pangangailangan, o pakainin niya ang kanyang mga kaibigan ng walang pagmamalabis at hindi pinagkakitaan. (Al-Bukharie 2772, at Muslim 1632).
Ang mga Uri ng Donasyon
Katulad ng Magdonate ang isang tao ng isang mosque, madrasah para mga estudyante, o isang bahay para sa mga mahihina, mga dukha, mga Ulila, mga balo at katulad niyon.
Tulad ng Magtayo ng isang bahay at gagawin niya itong donasyon para sa kanyang mga tagapagmana, o magdonate ng isang Farm (taniman) at ibibigay niya ang kinikita nito sa kanila.
Magaganap ang Donasyon at magiging wasto ito sa pamamagitan ng isa sa dalawang bagay:
Mga kundisyon ng Donasyon
At walang takdang halaga o timbang ang Donasyon, ngunit magkakaiba ito sa pagkakaiba ng mga tao sa yaman at kaluwagan ng pamumuhay, kaya kung sinuman ang mayaman na walang tagapagmana ay maaari niyang idonate ang lahat ng kayang yaman, at kung sinuman ang mayaman na may tagapagmana ay maaari niyang idonate ang ilan sa kanyang yaman, at iwan niya ang natira para sa mga tagapagmana.
At ang donasyon ay ganap na walang hangganan para sa (ikalulugod ng) Allah -na kataas-taasan at kapitapitagan- at walang takdang panahon ang tagal nito, kaya ang sinumang nagdonate ng lupa, bahay o taniman alang-alang sa ikalulugod ng Allah, tunay na ito ay wala na sa kanyang pag-aari at pamamahala, kaya hindi pwedeng ibenta, ipamigay, ipamana ni bawiin, at walang karapatan ang mga tagapagmana na ibenta ito; sapagkat wala na ito sa pag-aari ng nagpapamana.
At kapag nagsabi ang tao ng nagpapahiwatig ng pagdonate, o gumawa ang nagdodonate ng anumang nagpapahiwatig ng pagdonate, sa gayun ay naganap ang pagdonate at kailangan itong ibigay, at hindi nangangailangan ang donasyon ng patunay sa pagtanggap ng pinagbibigyan ng donasyon, at hindi rin kailangan ang pahintulot ng pinuno sa bayan, at kapag naganap na ang pagdonate; sa gayun ay hindi na ito maaaring pakialaman o galawin na maaaring makaalis sa pagiging donasyon nito.
Ang Allah na mapagpala at kataas-taasan ay dalisay at hindi siya tumatanggap maliban sa dalisay, kaya kapag nais ng isang muslim na magdonate ng isang bagay sa bilang paghiling sa pagkalugod ng Allah, sagayun ay pagbutihin niya ito sa pagpili ng pinakamabuti sa kanyang kayamanan, at pinakagusto niya dito, at pinakamamahal niya dito, at iyon ang pinakaganap na pagiging mabuti at pagpapakabuti.
At ang pinakamahusay na mga paraan ng donasyon ay kung ano ang laganap ang pakinabang nito sa mga muslim sa lahat ng panahon at lugar, gaya ng pagdonate sa mga mosque, sa pananaliksik ng kaalaman, sa mga nakikipaglaban sa landas ng Allah, sa mga kaanak, sa mga dukha ng mga muslim at ang mga mahihina sa kanila at katulad nila.