Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang mga kagandahang-asal sa Istinjaa (paghuhugas ng tubig) at pagdumi

Hindi nag-iwan ang batas ng Islam ng isang bagay na haharapin ng isang Muslim maliban na nagtatag para dito ng mga kagandahang-asal at mga kontrol, at kabilang sa mga bagay na ito ay ang mga kagandahang-asal na may kaugnayan sa pagdumi. malalaman mo sa aralin na ito ang tungkol sa mga kagandahang-asal sa pagdumi at sa Istinjaa (paghugas ng tubig), at ang mga uri ng ritwal na karumihan (Hadath) at paglilinis para sa bawa't uri.

  • Pag-aalam sa mga kagandahang-asal sa pagdumi at sa Istinjaa (paghugas ng tubig).
  • Pag-aalam sa mga uri ng Hadath (ritwal na karumihan).
  • Ang pag-alam sa paraan ng paglilinis mula sa Hadath (ritwal na karumihan).
  • Ang mga kagandahang-asal sa pagdumi

    Kanais-nais sa sinumang nais pumasok sa banyo, na iuna ang kanyang kaliwang paa at sasabihin niya: "Bismillah, alla-humma inni a`uthu-bika minal khubthi wal khaba-ith (Sa Ngalan ng Allah, O Allah, ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa mga masasamang lalaking espiritu at masasamang babaeng espiritu)".

    Pakinggan ang Du`a (panalangin) ng pagpasok sa palikuran

    At kapag siya ay lumabas mula rito, iuna niya ang kanyang kanang paa at sabihin niya: "Ghufra-nak (Ang Iyong kapatawaran)".

    Kailangang takpan ng isang Muslim ang pribadong bahagi ng kanyang katawan mula sa mata ng publiko sa oras na siya ay magdumi.

    At ipinagbabawal sa kanya na siya ay magdumi sa lugar kung saan makapipinsala siya ng mga tao

    Ipinagbabawal sa kanya kung siya ay nasa ilang na magdumi sa isang butas dahil sa mga hayop na maaaring nasa loob nito na maaari niyang mapinsala ito at maaari itong makapinsala sa kanya

    Nararapat sa kanya na hindi humarap sa Qiblah o tumalikod dito habang siya ay nagdudumi, nguni't kung siya ay nasa ilang at walang pader na nakatakip sa kanya, dapat niyang gawin iyon. Batay sa sinabi niya, sumakanya ang ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Kapag pupunta kayo upang magdumi, sa gayon huwag kayong humarap sa Qiblah at huwag kayong tumalikod dito sa pag-ihi at sa pagdumi." (Al-Bukhari: 394 – Muslim: 264).

    Dapat siyang mag-ingat na madikitan ang kanyang damit at katawan ng anumang mga lumilipad na dumi, at dapat niyang labhan (o hugasan) ang anumang dumikit sa kanya mula doon.

    Kapag siya ay nagdumi, dapat niyang gawin ang isa sa dalawang bagay:

    ١
    Ang paglilinis gamit ang tubig
    ٢
    Ang paglilinis gamit ang mga tuyong bagay

    Ang paglilinis gamit ang tubig

    Ang Istinja’: Na linisin niya ang lugar na nilabasan ng ihi at dumi mula sa kanyang katawan gamit ang tubig

    Ang paglilinis gamit ang mga tuyong bagay

    Ang Istijmar: Na linisin niya ang lugar kung saan lumalabas ang ihi at dumi ng tatlong tisyu o higit pa o mga bato at mga katulad nito na nagpapadalisay sa katawan at naglilinis nito mula sa karumihan.

    Ang Hadath (ritwal na karumihan)

    Isang moral na paglalarawan sa isang tao na pumipigil sa kanya sa pagsasagawa ng Salah (pagdarasal) bago siya makapaglinis, at hindi ito isang bagay na nasasalat tulad ng marumi.

    Ang tubig na naglilinis

    Naaalis ang Hadath (ritwal na karumihan) sa isang Muslim kapag siya ay nagsagawa ng Wudu' (paghuhugas) o naligo gamit ang dalisay na tubig, at ang dalisay na tubig: Ito ay ang tubig na hindi nahaluan ng marumi na nakakaapekto sa kulay nito, o sa lasa nito o sa amoy nito

    Nahahati ang Hadath (ritwal na karumihan) sa dalawang bahagi

    ١
    Ang maliit na Hadath (ritwal na karumihan): Isang karumihan na nag-oobliga sa isang Muslim na magsagawa ng Wudu' (paghuhugas) upang maalis ito sa kanyang sarili
    ٢
    Ang malaking Hadath (ritwal na karumihan): Ito ay isang karumihan na nag-oobliga sa isang Muslim na magsagawa ng Ghusl (paligo) at palaganapin sa kanyang katawan ang tubig upang alisin ito sa kanyang sarili

    Ang maliit na Hadath (ritwal na karumihan) at ang pagsasagawa ng Wudu' (paghuhugas) dito

    Kung nangyari sa isang muslim ang isang maliit na hadath (ibig sabihin nawalan ng bisa ang kanyang wudu) ay dapat siyang mag Wudu para sa pagdarasal, at ilan sa mga larawan ng maliit na hadath (mga nakakasira ng wudu):

    1. Ang ihi, ang dumi at ang lahat ng lumalabas mula sa mga labasan nito tulad ng utot. Ang Allah na Kataas-taasan ay nagsabi tungkol sa pagbanggit sa mga nagpapawalang-bisa sa kadalisayan: {...O dumating ang isa sa inyo mula sa lugar na pinagdudumihan...}. (An-Nisa': 43). At nagsabi siya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan- tungkol sa isang nag-aalinlangan na nasira ang kanyang kadalisayan (wudu) sa Salah (pagdarasal): "Hindi siya aalis hangga't hindi siya makarinig ng tunog o makatagpo ng utot." (Al-Bukhari: 175 – Muslim: 361).

    2. Ang paghawak sa maselang bahagi ng katawan na may pagnanasa na walang sapin, at sa katunayan nagsabi siya, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Sinuman ang nakahawak sa kanyang ari, hayaan siyang magsagawa ng Wudu' (paghuhugas)." (Abu Dawud: 181).

    3. Ang pagkain ng karne ng kamelyo. At sa katunayan, tinanong ang Propeta, -sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan-: "Dapat ba tayong magsagawa ng Wudu' (paghuhugas) dahil sa mga karne ng kamelyo? At sinabi niya: "Oo." (Muslim: 360).

    4. Ang pagkawala ng pag-iisip dahil sa pagtulog, kabaliwan, pagkahilo o pagkalasing.

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit