Magpatuloy sa pag-aaral

Hindi ka naka-login
Magrehistro ka ngayon sa Ta platform upang masubaybayan mo ang iyong pagpapabuti at makolekta ang mga puntos at makapasok sa mga kumpetisyon, pagkatapos ng pagpaparehistro makakatanggap ka ng isang elektronikong sertipiko sa mga paksang natutunan mo.

Ang kasalukuyang seksyon:

Ang aralin Ang Wudu' (paghuhugas)

Ang Wudu' (paghuhugas) at ang paglilinis ay kabilang sa pinakamabuting mga gawain at pinakadakila nito. Malalaman mo sa aralin na ito ang kabutihan ng Wudu' at ang pamamaraan nito.

  • Pag-alam sa kabutihan ng Wudu'.
  • Ang pag-alam sa pamamaraan ng Wudu'.
  • Ang kabutihan ng Wudu (paghuhugas)

    Ang Wudu' at ang paglilinis ay kabilang sa mga pinakamabuting mga gawain na nagpapataas ng mga antas ng isang Muslim, sapagka't ang Allah ay pinapatawad sa pamamagitan nito ang mga kasalanan at pagkakasala hanggang nagiging tapat ang isang alipin sa layunin na hinahangad ang gantimpala mula sa Allah. Sinabi ng Sugo ng Allah, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Kapag naghugas ang isang aliping Muslim at hinugasan ang kanyang mukha, lumabas mula sa kanyang mukha ang bawa't kasalanang tiningnan dito ng kanyang mga mata kasabay ng tubig, at kapag siya ay naghugas ng kanyang mga kamay, lumabas mula sa kanyang mga kamay ang bawa't kasalanang nahawakan dito ng kanyang mga kamay kasabay ng tubig, at kapag siya ay naghugas ng kanyang mga paa, lumabas ang bawa't kasalanang nalakaran dito ng kanyang mga paa kasabay ng tubig, hanggang sa siya ay lumalabas na malinis mula sa mga kasalanan” (Muslim: 244).

    Paano ako magsasagawa ng Wudu' at alisin ang maliit na Hadath (ritwal na karumihan)?

    Ang layunin

    Kapag nais ng isang Muslim na magsagawa ng Wudu', dapat niyang isapuso iyon, ibig sabihin ay magtatakda siya ng layunin sa puso at isip sa pamamagitan ng kanyang gawa na alisin ang Hadath (ritwal na karumihan), at ang layunin ay isang kondisyon sa lahat ng mga gawain, tulad ng sinabi ng Propeta, sumakanya ang pagpapala ng Allah at kapayapaan: "Ang mga gawain ay nakabatay sa mga layunin." (Al-Bukhari: 01 – Muslim: 1907), pagkatapos ay magsisimula siya sa paghuhugas batay sa susunod na pagkakasunud-sunod, nang tuloy-tuloy na walang mahabang pagtitigil sa pagitan ng mga gawa.

    Magsasabi siya ng: Bismillah (sa Ngalan ng Allah)

    Paghugas ng mga kamay

    Huhugasan niya ang kanyang mga kamay sa pamamagitan ng tubig ng tatlong beses (siyang naghuhugas ng kamay) gamit ang tubig bilang kabutihan

    Ang pagmumog

    Magmumog siya ng tubig, ang ibig pakahulugan ay ipapasok niya ang tubig sa kanyang bibig at igagalaw niya ito sa loob at pagkatapos ay ilalabas niya ito, at kaaya-aya para sa kanya na gawin iyon ng tatlong beses, datapuwa't ang ubligado dito ay isang beses.

    Ang pagsinghot

    Magsisinghot siya, ang ibig pakahulugan ay kukuha siya ng tubig gamit ang kanyang ilong at pagkatapos ay ilalabas niya ito sa pamamagitan ng pagsinga, ibig sabihin: itutulak niya ang tubig palabas sa gawa ng hangin na lumalabas mula sa ilong, at kaaya-aya para sa kanya na magpalabis maliban kung iyon ay magdudulot ng pinsala sa kanya o siya ay nag-aayuno, at gayundin na kaaya-aya para sa kanya na ulitin iyon ng tatlong beses, datapuwa't ang ubligado ay isang beses.

    Ang paghuhugas ng mukha

    Huhugasan niya ang kanyang mukha, at ito ay magmula sa tuktok ng noo mula sa mga hanay ng buhok hanggang sa ibaba ng baba at mula sa tainga hanggang sa tainga, at ang dalawang tainga ay hindi pasok sa mukha, at kaaya-aya para sa kanya na gawin iyon ng tatlong beses, datapuwa't ang ubligado ay isang beses.

    Ang paghuhugas ng dalawang kamay

    Huhugasan niya ang kanyang mga kamay magmula sa mga dulo ng kanyang mga daliri hanggang sa mga siko, at ang mga siko ay pasok sa paghuhugas, at kaaya-aya para sa kanya ang magsimula sa kanan at ulitin ang paghuhugas ng tatlong beses, datapuwa't ang ubligado ay isang beses

    Ang pagpunas ng ulo

    Pupunasan niya ang kanyang ulo sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang mga kamay sa tubig, pagkatapos ay pupunasan niya ang kanyang ulo magmula sa unahan ng ulo hanggang sa hulihan ng ulo, na kasunod ng leeg. At nakabubuti para sa kanya na ibalik muli ang kanyang mga kamay na nagpupunas hanggang sa unahan ng ulo, at hindi inirerekomenda na ulitin iyon ng tatlong beses tulad ng sa ibang mga bahagi.

    Ang pagpunas ng dalawang tainga

    Pupunasan niya ang kanyang dalawang tainga kung saan ay ipapasok niya pagkatapos punasan ang kanyang ulo ang kanyang mga daliri, ang dalawang hintuturo sa kanyang dalawang tainga at pupunasan niya ng dalawang hinlalaki ang likod ng dalawang tainga

    Ang paghugas ng dalawang paa

    Huhugasan niya ang kanyang dalawang paa mula sa dalawang bukung-bukong, at nakabubuting magsimula sa kanan at ulitin ang paghuhugas ng tatlong beses, datapuwa't ang ubligado ay isang beses. At kung nagsusuot siya ng medyas, sa gayon maaari niyang punasan ang ibabaw nito ayon sa ilang mga kundisyon.

    Isang biswal na paliwanag para sa pamamaraan ng pagsasagawa ng Wudu'

    Matagumpay mong natapos ang aralin


    Simulan ang pagsusulit